LP 79: Maagap
October 15, 2009 by admin
Filed under LP entries
Hello! Hello! Kumusta na kayong lahat? Kahit medyo kumokonti ang napapadalaw sa atin ay tuloy-tuloy lang ang ligaya, ika nga! Ganuon talaga, nagiging busy tayo sa ating mga trabaho at pang araw-araw na pamumuhay kaya hindi talagang maiiwasan na lumiban ng pagsali. Pero syempre kapag may librang oras na kayo, sali lang ng sali!
O tara na, umpisahan na natin ang ating tema sa Huwebes na ito: “MAAGAP”
* ang relos ng maagap, laging ungos ang takbo (laging advance) *
“Daig ng MAAGAP ang Masipag”
Lagi ko itong naririnig sa lola ko kapag ‘nasasabon’ kaming magkakapatid. Habang ‘binabanlawan’ na, sige pa rin si lola ng sermon, wala pong biro!
Pero alam ninyo, sana ay nakikinig kaming lagi sa mga payo nya nuon dahil tama sya. Ngayong wala na lola ko at kami naman ay matatanda na *ehem* ay saka lamang namin nalaman na may katwiran at tama talaga si lola.
Ano ba kaibahan ng Maagap sa Masipag?
- Masipag: masipag pumasok sa paaralan. Walang palya.
- MAAGAP: maagap kaya naman laging nauuna sa paaralan. Hindi inaabutan ng trapiko.
- Masipag : masipag mag-aral. Kaya naman matataas ang nakukuhang puntos sa mga pagsusulit.
- MAAGAP: maagap sa pagbabasa ng mga libro at pag-sasaulo ng mga itinuro ng guro, kaya naman kahit hindi masyadong matalino ay nakakakuha ng mataas na puntos sa pagsusulit.
Para bang kampi ako kay Maagap? Oo naman po. Kasi tama ang lola ko!
MAGANDANG HUWEBES NG LITRATONG PINOY SA INYONG LAHAT!!


