LP 79: Maagap

October 15, 2009 by  
Filed under LP entries

Hello! Hello! Kumusta na kayong lahat? Kahit medyo kumokonti ang napapadalaw sa atin ay tuloy-tuloy lang ang ligaya, ika nga! Ganuon talaga, nagiging busy tayo sa ating mga trabaho at pang araw-araw na pamumuhay kaya hindi talagang maiiwasan na lumiban ng pagsali. Pero syempre kapag may librang oras na kayo, sali lang ng sali! ;)

O tara na, umpisahan na natin ang ating tema sa Huwebes na ito: “MAAGAP”

maagap

* ang relos ng maagap, laging ungos ang takbo (laging advance) *

“Daig ng MAAGAP ang Masipag”

Lagi ko itong naririnig sa lola ko kapag ‘nasasabon’ kaming magkakapatid. Habang ‘binabanlawan’ na, sige pa rin si lola ng sermon, wala pong biro!
Pero alam ninyo, sana ay nakikinig kaming lagi sa mga payo nya nuon dahil tama sya. Ngayong wala na lola ko at kami naman ay matatanda na *ehem* ay saka lamang namin nalaman na may katwiran at tama talaga si lola.

Ano ba kaibahan ng Maagap sa Masipag?

  • Masipag:  masipag pumasok sa paaralan. Walang palya.
  • MAAGAP:  maagap kaya naman laging nauuna sa paaralan. Hindi inaabutan ng trapiko.
  • Masipag :  masipag mag-aral. Kaya naman matataas ang nakukuhang puntos sa mga pagsusulit.
  • MAAGAP:  maagap sa pagbabasa ng mga libro at pag-sasaulo ng mga itinuro ng guro, kaya naman kahit hindi masyadong matalino ay nakakakuha ng mataas na puntos sa pagsusulit.

Para bang kampi ako kay Maagap? Oo naman po. Kasi tama ang lola ko!

MAGANDANG HUWEBES NG LITRATONG PINOY SA INYONG LAHAT!!

Comments

26 Responses to “LP 79: Maagap”
  1. Pinky says:

    Ano pa nga ba masasabi ko? Lolas are (almost) always right! :D
    .-= Pinky´s last blog ..LP #79: Maagap =-.

  2. ang aking relo din ay advance ng halos 15-30 min para pag gising magugulat nalang agad ako kasi late na ako, pag na alala kong advance pala ang relo ko, di na ako makakatulog agad sa pag ka gulat

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)
    .-= Jay – agent112778´s last blog ..LP # 79 : maagap (early) =-.

  3. Ebie says:

    Oo nga, tama palagi si Lola. Ako rin, yung relos ko ten minutes ang abante, para hindi mahuli sa trabaho!

    Magandang Huwebes po!
    .-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Maagap =-.

  4. Thess says:

    Hurray for our lolas! I still miss mine.

    Happy LP everyone!
    .-= Thess´s last blog ..Mabuti na lang! (Maagap LP 79) =-.

  5. muntik na rin na relo ang litrato ko! hehe. pero yan naman talaga ang essence ng pagiging maagap…ang maging conscious sa oras! :cool:
    .-= fortuitous faery´s last blog ..Litratong Pinoy# 68: Maagap (Punctual) =-.

  6. emarene says:

    Tandaan ang sabi ng mga Lola — balang araw tayo na rin ‘yan. Pakinggan kaya tayo ng mga apo natin? happy Huwebes sa lahat!

    Eto naman lahok ko. http://thisrandomness.blogspot.com/2009/10/maagap-to-be-prompt-quick.html
    .-= emarene´s last blog ..Maagap (To be prompt, quick) =-.

  7. Willa says:

    bakit nga ba laging sa huli na lang natin naiintindihan ang sabi ng ating mga lola? :mrgreen:
    .-= Willa´s last blog ..LP#43: Maagap =-.

  8. luna miranda says:

    wala yan sa lola ko :lol:

    tama, magkaiba nga ang maagap at masipag. :roll:
    .-= luna miranda´s last blog ..Daig ng maagap… [Litratong Pinoy] =-.

  9. an2nette says:

    Kaya dapat sundin ang sasabihin ng mga lola, maging maagap at samahan na rin ng sipag, hapi LP

    Eto naman ang lahok ko http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/10/lp-maagap.html
    .-= an2nette´s last blog ..LP- Maagap =-.

  10. Marites says:

    palaging talo ni maagap si masipag…
    .-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#71 Maagap (Prompt) =-.

  11. AL says:

    Buti ka nga, yong lang ang sermon ng Lola mo…pero laging tama si Lola mas tama ba sa mga Nanay minsan. Maganda ang relong yan ha. First time ko itong lumahok sa LP at sana magustuhan ninyo.

    Ako nga pala si AL. Salamat.

  12. julie says:

    Tama yan, dapat maagap tayo, pero ito kasing pagiging maagap dapat may kasamang foresight at sipag ;-)

    Happy Thursday!

  13. ian says:

    ngayong October 15 rin po ay Blog Action Day kung saan ang mga blog sa buong mundo ay hinihikayat na ilaan ang kanilang mga pananalita at larawan sa usapin ng climate change =] sana makalahok rin tayo sa magandang adhikain na ito. ito rin kasi ay napapanahong pag-usapan at kailangan nang maagap na pagkilos =]

    mabuhay po tayong lahat! Bangon Pinoy!
    .-= ian´s last blog ..Blog Action Day 2009: Climate Change / Litratong Pinoy: MAAGAP (Timely) =-.

  14. upto6only says:

    kainis yung pang next week na tema ang nagawa ko kaya hindi ko pa na post. hehehe nahirapan ako sa pagiisip pwede nga pala ang relo :)

    anyway, happy LP
    .-= upto6only´s last blog ..In The Eyes of The Child =-.

  15. Arlene says:

    ang relo ko ay 20 minutes advance (intentional) though most of the time akala ko yon talaga ang tamang oras.

    Happy LP everyone!
    .-= Arlene´s last blog ..LP – Maagap =-.

  16. Daig talaga ng maagap ang masipag. Ika nga, “the early bird catches the worm.”

    Ang aking lahok ay naka-post na po.
    .-= ShutterHappyJenn´s last blog ..Maagap (Prompt, On Time) =-.

  17. Fhaye says:

    Maganda ang depth of field..

    Eto, tingnan nyo rin ang aking lahok. Kakaibang orasan.
    .-= Fhaye´s last blog ..Garden Clock =-.

  18. Rico says:

    Tulad mo nitong tumanda ko lang rin naisip na tama pala yung mga sinasabi ng mga matatanda. Maligayang LP sa inyong lahat!
    .-= Rico´s last blog ..LP023: Maagap =-.

  19. bela says:

    ito ang aking unang paglahok sa LP…

    ako din, advance ang relos ko ng 25 mins. kailangan ko to para di malate sa office. LOL
    .-= bela´s last blog ..LP 79: Maagap =-.

  20. Dinah says:

    sign of respect pag maaga ka dumating sa usapang oras. at galit na galit ako sa mga taong laging late ;-)

    heto naman ang aking lahok :http://okayukay.blogspot.com/2009/10/litratong-pinoy-maagap.html

    pakidalaw na lang po!

  21. lino says:

    agree ako sa yo dinah… hehehe, yung mga kakilala ako, alam nila yan…
    narito po ang aking bahagi sa linggong ito… maligayang huwebes… :)
    .-= lino´s last blog ..maagap… =-.

  22. Ibyang says:

    naniniwala ako sa kasabihan na yan! :)

    eto naman ang lahok ko sa linggong ito:
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2009/10/litratong-pinoy-maagap.html
    .-= Ibyang´s last blog ..Litratong Pinoy: Maagap =-.

  23. peachkins says:

    daig talaga ng maagap ang masipag..
    .-= peachkins´s last blog ..Wish I thought of this first… =-.

  24. Ken says:

    Maagap ko ring si-niset and alarm ko ten minutes ahead … :-) .

    Good product shot.
    .-= Ken´s last blog ..The Training Has Finally Paid Off =-.

  25. Jim says:

    napaaga post ko, heto ang lahok ko para dito maagap
    .-= Jim´s last blog ..Bloom =-.

  26. yami says:

    Magandang hapon. late na po ang entry ko ngayong linggo pero ako ay humabol pa rin.

    nandito po yung sa akin: http://penname30.blogspot.com/2009/10/lp-maagap.html
    .-= yami´s last blog ..LP: Maagap =-.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge