LP 77: Linis

October 1, 2009 by  
Filed under LP entries

(ma)LINIS. Clean

Malinis na pagkain. Lahat naman siguro tayo ay gustong malinis ang ating pagkain. Pero paano mo nga ba masisigurong malinis ang iyong kinakain? Halimbawa, sa mga restaurant na ating kinakainan, sigurado ba tayong malinis ang kanilang inihahain sa atin? Hmmmm, ano sa palagay mo?

OC. Iyan ang tawag sa akin ng ilang kaibigan dahil hindi ako nakakatagal sa maduming paligid, panay linis ko daw. Kung kaya naman pikitmata na lang kumbaga kung sa restaurant ako kumakain, lalo na at hindi ko naman kilala ang nagpe-prepara ng aking kakainin. Pero wala naman magagawa, hindi ba?

Kaya kung ako ang magluluto, sinisiguro kong malinis ang aking paligid sa kusina, iba ang gamit na chopping board para sa karne, iba rin ang sa gulay, at iba rin ang sa tinapay. Ang ‘tyaga’ ko daw, sabi ng aking kabiyak dahil kung tahong ang aking lulutuin ay talagang iniisa-isa ko itong isi-isin kahit sumakit pa ang balikat ko. Sulit naman dahil pati sabaw ay talagang masarap higupin!

tahong

Oktubre na. Nakakalungkot na magsisimula ang buwan na ito para sa ating grupo na may halong lungkot hatid ng kalamidad na dumating sa ating bansa. Sana naman lahat kayo at inyong mga pamilya ay ligtas at nasa maayos na kalagayan. Sa paparating na isa pang bagyo ay maghanda po tayo ng husto.
Patuloy tayong magtulungan, mga ka-LP…at patuloy ding tumulong sa iba nating kababayan, kahit sa ano mang paraan. Kaya nating harapin ang mga pagsubok.

Magandang araw ng LP po sa inyong lahat.

Comments

25 Responses to “LP 77: Linis”
  1. jeanny says:

    paborito ko yan. YUmmmm :)

    Happy LP

  2. Thess says:

    Medyo malungkot nga ang simula ng buwan ng Oct. natin….God be with us, all.

    Have a fine Thursday.
    .-= Thess´s last blog ..Linis (LP 77) =-.

  3. ang sarap ng tahong =P~ lalo na pag sinawsaw sa suka,bagoong at siling labuyo =P~

    yup dapat malinis ang food or else :(

    at tama kayo, nakakalungkot ang nangyaring kalamidad at mas lalo akong nalungkot nung nakita ko pinapatulan ng mga tao ang binaha at na putikang paninanda, sana maluto nila yun ng mabuti

    aking lahok is here na:
    http://agent112778.blogspot.com/2009/10/lp-77-linis-clean.html
    .-= Jay – agent112778´s last blog ..LP # 77 : LINIS (clean) =-.

  4. an2nette says:

    mukhang masarap at malinis nga ang pagkakaluto ng tahong, iba talaga kapag malinis ang kapaligiran ganon din ang pagkain na ating kinakain, hapi LP.

    Eto naman ang aking lahok http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/09/lp-ma-linis-clean.html
    .-= an2nette´s last blog ..Typhoon Ondoy:The Aftermath =-.

  5. Linnor says:

    oc din ako. sarap kasi pag malinis ang kapaligiran :)
    .-= Linnor´s last blog ..LP: Linis =-.

  6. yami says:

    Paborito ko rin ang tahong. Pero makailang beses ko muna hinuhugasan ang tahong bago ko lutuin para siguradong malinis.

    Nandito naman po ang lahok ko:

    http://penname30.blogspot.com/2009/09/lp-linis-clean.html
    .-= yami´s last blog ..LP: Linis (Clean) =-.

  7. Willa says:

    Mainit na sabaw, iyan ang kailangan ko dito ngayon dahil malamig na ang panahon.
    .-= Willa´s last blog ..LP#42: (ma)linis =-.

  8. ian says:

    nawa’y ang mga nangangailangang nasalanta ni Ondoy ay magkaroon lagi ng sapat, malinis, at masustansiyang pagkain… matutupad ito sa pagtutulungan natin…

    sa harap ng bagyo, mabuhay ka Pilipino! =]
    .-= ian´s last blog ..Litratong Pinoy: LINIS (Clean) =-.

  9. Marites says:

    matagal na akong hindi nakakain ng tahong. nami-miss ko tuloy:)
    .-= Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#69 Linis (Clean) =-.

  10. emarene says:

    mukhang masarap nga yang pagka luto mo ng tahong (mussels dito), iba na ang malinis!
    Eto naman ang lahok ko http://thisrandomness.blogspot.com/2009/09/linis-clean.html
    .-= emarene´s last blog ..Linis (Clean) =-.

  11. Hindi ako mahilig sa tahong, pero tama ka… pag malinis ang shell, malinis din ang sabaw.

    Nawa tayong lahat ay okay pagkatapos ng bagyo.

    Ang aking lahok ay nakapost na rin.
    .-= ShutterHappyJenn´s last blog ..Linis (Clean) =-.

  12. Willa says:

    Take two!
    .-= Willa´s last blog ..Spare A Penny! =-.

  13. upto6only says:

    naku ang sarap ng tahong. oo minsan mas ok kumain sa bahay kasi alam mo kung paano niluto ang pagkain.

    tama din nga ang tema natin ngayon.
    .-= upto6only´s last blog ..LP: (Ma)Linis =-.

  14. Cookie says:

    ang sarap nyan…lalo na pag baked at may keso :)

    sana nga maging maayos na ang lagay ng mga nasalanta ng bagyo…

    http://scroochchronicles.com/?p=1999
    .-= Cookie´s last blog ..Litratong Pinoy : Linis =-.

  15. Sreisaat says:

    Tama ka, talang mahalaga na malinis tayo lalo na sa ating pagluto ng pagkain. Kung hindi, siguradong magkakasakit tayo at gastusin na naman ito. Bawal ang magkasakit :)
    .-= Sreisaat´s last blog ..Litratong Pinoy #36: (taga-) LINIS (Cleaner) =-.

  16. luna miranda says:

    masarap ito, lalo na ang sabaw! :razz: wag lang kung may red tide.
    .-= luna miranda´s last blog ..Clean [linis] living – Litratong Pinoy =-.

  17. yeye says:

    ang OC nga po :) hehehe

    wag abusuhin hahaha. mahirap na pag nasobrahan
    niwei.
    nagdrool ang laway ko sa tahong at infairness..ang linis nung shell :)

    HAPPY HUWEBEST!
    .-= yeye´s last blog ..LP#77 – LINIS =-.

  18. carnation says:

    ang sarap naman talaga ng malinis na pagkain…kakalungkot ang nangyari sa atin…maraming lilinisin doon.
    .-= carnation´s last blog ..LP: Linis =-.

  19. Mauie says:

    kapag ako nagluto ng tahong, hinahaluan ko ng Sprite ang sabaw. ;-)
    .-= Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Linis (Clean) =-.

  20. Dinah says:

    sarap naman nyan :-)
    heto naman ang entry ko: Linis
    .-= Dinah´s last blog ..LP 77: Linis =-.

  21. cheh says:

    Mabuhay kayong lahat mga kabayan! Sanay tatagan pa natin ang ating mga dibdib sa mga sunod sunod na pagsubok ni Inang Kalikasan!! :roll:

    Heto aking lahok sa linggong ito.Maraming salamat.
    .-= cheh´s last blog ..Litratong Pinoy:Linis =-.

  22. Mirage says:

    Paborito ko rin yan.

    Share ko lang ito:

    James 1:13 When under trial, let no one say: “I am being tried by God.” For with evil things God cannot be tried nor does he himself try anyone.

    Ecclesiastes 9:11 “I returned to see under the sun that the swift do not have the race, nor the mighty ones the battle, nor do the wise also have the food, nor do the understanding ones also have the riches, nor do even those having knowledge have the favor; because time and unforeseen occurrence befall them all.”

  23. lino says:

    pasensya na at huli, narito po ang aking bahagi para sa linggong ito…
    ang pagvolounteer ko dinn sa sagip kapamilya para sa nasalanta ng typhoon ondoy…
    .-= lino´s last blog ..sagip kapamilya…(linis) =-.

  24. VIAJERO says:

    Malinis na ang mga damit pagkatapos ng Typhoon Ondoy. At least may maganda namang nangyayari sa paligid natin. Ondoy brought the best and the worst of Filipinos.

    http://salika.blogspot.com/2009/10/linis-clean-after-typhoon-ondoy-manila.html

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge