LP 81: AMOY

October 29, 2009 by admin  
Filed under LP entries

amoy

Gaano katotoo ang paniniwala ng iba na kapag nangangamoy bulaklak (samantalang wala namang bulaklak sa iyong paligid)  ay may kaluluwang dumadalaw sa iyo? Naniniwala ka ba na totoo ito? Ang sabi din ng iba na kung may kakilala kang namatay ay isang paraan ang pangangamoy bulaklak upang ipaalam sa iyo ang kanilang pagpanaw. Nakaranas ka na nito?

Kung ako ang inyong tatanungin ay hindi ako naniniwala dito. Pero sadyang may mga nagaganap sa ating paligid na hindi natin kayang ipaliwanag dahil nakaranas na akong makaamoy ng bulaklak dito sa abroad ng may mamatay na miyembro ng aming pamilya sa Pilipinas. 2 beses itong nangyari.

Malapit na ang pag-gunita ng araw ng mga yumao. Bumabango na ba sa paligid mo?

MALIGAYANG HUWEBES NG LITRATONG PINOY SA INYONG LAHAT!

——————————————————————————————————–

Anunsiyo:

Mahal kong LP members (at mga gustong sumali),

Pansamantala pong ‘magbabakasyon’ ang Litratong Pinoy sa susunod na 4 na linggo (buong buwan ng Nobyembre) at magbabalik po sa unang Huwebes ng Disyembre. Dahilan po sa:

  • Lilipat po tayo sa bagong webhost.
  • Ang bagong L.P. team ay aming ipakikilala sa Disyembre!
  • Magkakaroon po ng bagong bahagi ang L.P.  Abangan po ninyo sa ating pagbabalik.
  • Magsisimula po tayong malinis ang ating listahan ng miyembro maliban na lamang po sa mga sumali sa nakaraang 3 buwan, sigurado pong hindi mawawala ang inyong mga blogs sa listahan.
  • Amin pong ilalathala ang mga bagong themes para sa Disyembre, abangan lamang po ninyo.

Madami po kaming aayusin kaya’t kailangan po ang 1 buwan na bakasyon. Magkikita-kita po tayong muli sa Disyembre, huwag ninyong kalilimutan.

We’ll be back bigger and better!

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. – admin

Comments

40 Responses to “LP 81: AMOY”
  1. julie says:

    Awww, mami-miss ko ang LP pero kung ito naman ay para sa ikagaganda nitong site, sige lang :smile:

    Happy birthday sa mga may kaarawan sa November.

    Kita-kits tayong muli :smile:

    Ingat kayong lahat!

  2. Ebie says:

    First hand experience ko rin na may naamoy ako, at rosas pa. That was some 32 years ago when my father passed on.
    Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Amoy My ComLuv Profile

  3. Ebie says:

    First hand experience ko rin na may naamoy ako, at rosas pa. That was some 32 years ago when my father passed on.

  4. *cry* ang tagal naman pero gaya nga nang nasabi ni ms.Julie kung ikagaganda naman ng site, bakit ako tututol.

    *sing* ang bango bango ng bulaklkak…pag inaAMOY anong sarap

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)
    jay – agent112778´s last blog ..LP # 81 : Amoy (smell) My ComLuv Profile

  5. Mirage says:

    Maganda pero mamaya na lang comment ko (using iphone on the road)

  6. Thess says:

    Kahit ayaw nating maniwala pero minsan nangyayari nga…bakit nag kaya, ano?
    Kitakita na lang tayo sa December…Happy LP!!

    Thess´s last blog ..PugNgo (LP 81 Amoy) =-.

  7. Willa says:

    wow! ma mi miss ko ang LP for sure, but I know we need a break and I can’t wait for much better and LP.
    Willa´s last blog ..LP#45:Amoy (Smell) My ComLuv Profile

  8. naniniwala ako dito, naranasan ko na noong kamamatay lang ng isang lola ko nung maliit pa ako. amoy bulaklak. minsan naman, amoy kandila din.

    happy halloween sa lahat! :mrgreen: :twisted:
    fortuitous faery´s last blog ..Litratong Pinoy #70: Amoy (Smell) My ComLuv Profile

  9. Mirage says:

    Hindi ako naniniwala doon kasi hindi ako naniniwala na ang kaluluwa ay nagpapatuloy sa ibang buhay. Genesis 2:7 “….man became a living soul.”

    Mamimiss ko din ang LP kahit na ako ay napapalakdaw, sinikap ko na ihabol pa din ang mga entry…Happy LP!

  10. emarene says:

    ma miss ko ang LP – at siempre lahat kayo! Pero, if it’s for the good and betterment of Litratong Pinoy – Go, GO!

    Seems exciting ang December natin!
    emarene´s last blog ..Litratong Pinoy – Amoy ( Smell ) My ComLuv Profile

  11. CES says:

    manakot daw ba, kung kailan nag iisa ako dito sa haws! hahaha! at kung kailan naman akong may entry ulit, bakasyon pala tayo ng isang buwan:( hehe, ayos lang po and i look forward to the new LP!!!:) happyy Halloween to all!
    CES´s last blog ..Litratong Pinoy : Amoy [Aroma/Scent] My ComLuv Profile

  12. luna miranda says:

    mami-miss ko rin ang LP. pero di bale, kita kits ulit sa December. :roll:

    kahit di ako naniniwala sa dalaw ng patay na kasama ng amoy bulaklak at kandila, sige na rin, Halloween naman e. :grin:
    luna miranda´s last blog ..I smell [amoy]…Litratong Pinoy My ComLuv Profile

  13. Well says:

    wah! ang tagal mawawala ng LP! nakakamiss! kaya pala wala ng list of themes sa sidebar for november. d bale aantayin ko ung bagong gimik na un. para worth the wait! Lolz!

    Anyways, heto ang huli kong lahok bago magpahinga ang LP: http://sundaymadness.blogspot.com/2009/10/litratong-pinoy-81-amoy-smell.html

    See ya’ll sa December! :grin:
    Well´s last blog ..Wordless Wednesday My ComLuv Profile

  14. Pinky says:

    Anuvah!!! Sobrang in-theme naman sa undas ang nakasulat sa lahok ngayong linggo… takot ako! :mrgreen:

    Bakasyon pala tayo sa Nobyembre… tamang-tama – makakapag-concentrate sa Christmas shopping ang marami sa atin – hehehe! Puwera lang kami dahil bawal Pasko dito… haaay! Kita-kita uli sa Disyembre! Ingat po!
    Pinky´s last blog ..LP #81: Amoy My ComLuv Profile

  15. bang says:

    miss ko na ang LP. Sa disyembre, ako din ay magbabalik. Simula ng maapektuhan tayo ng bagong ondoy, pati ang blog ko ay apektado. :) Medyo nawalan ng oras sa pagbo-blog dahil sa paglilinis ng bahay at kung ano ano pa.

    Happy LP!

  16. Marami na akong atraso. Paumanhin! :) Mabuti at nakahabok bago magbakasyon ang LP.

    Mabuhay at Maligayang Huwebes!
    Munchkin Mommy´s last blog ..Litratong Pinoy: Amoy (Aroma/Scent) My ComLuv Profile

  17. AL says:

    Oo naniniwala ako dyan, at pati sa kandila di ba? Ito na ang pangatlo kong entry sa Litratong Pinoy at nasiyahan ako. Salamat.

  18. Marites says:

    mami-miss ko ang LP! Balik kayo agad sa Disyembre:)

    Naka-amoy na ako ng bulaklak sa loob namin ng classroom, noong namatay ang isa naming kaklase. Natakot nga kami eh. maligayang LP!
    Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#73 Amoy (Smell) My ComLuv Profile

  19. Cookie says:

    ay oo, naniniwala ako. sa totoo lang, lapitin ako ng mga yumaong mga kamag-anak kaya lagi akong nakaamoy ng mga pahiwatig na andyan sila. BOOOOOOOO!!! LOL :shock:

    looking forward sa pagbabalik ng LP sa December :D

    eto na ang lahok ko sa linggong ito…maligayang huwebes :)
    http://scroochchronicles.com/?p=2051

  20. Ana PB says:

    Sali na ko ulit!! :-) Maligayang huwebes sa lahat
    Ana PB´s last blog ..Para sa LP: Amuy pasko! My ComLuv Profile

  21. Rico says:

    Noong bata ako, naranasan ko na ring makaamoy bigla ng bulaklak (sampaguita) sa aming bahay isang gabing sarado na ang mga bintana at wala namang hangin. Syempre diretso agad ako sa kwarto ng mga magulang ko at dun nakitulog :)
    Rico´s last blog ..LP024: Amoy My ComLuv Profile

  22. upto6only says:

    naku bigatin na ang LP next month. na-excite naman ako

    happy LP
    upto6only´s last blog ..LP: Amoy My ComLuv Profile

  23. Mauie says:

    Mami-miss ko ang LP ng isang buwan?! :sad: Ok lang, kapana-panabik namang sigurado ang muling pagbabalik!

    Kakatakot naman ang amoy na yan, ang amoy na inilahok ko ngayon siguradong matatakam kayo. :lol:
    Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Amoy (Smell) My ComLuv Profile

  24. Marites says:

    nawala na naman ata iyong link ko dito..ulitin ko lang:) nakow, mami-miss ko ang LP!
    Marites´s last blog ..Hurting Knuckles My ComLuv Profile

  25. Arlene says:

    Ohhhh LP vacation? Hmmm at least there’s something very big to look forward to when LP comes back. :)

    This is a beautiful capture of a symbol of fragrance. Instead of a single rose for my entry i opt to post different kinds of flowers.

    Maligayang LP lahat!
    Arlene´s last blog ..LP – Amoy My ComLuv Profile

  26. Arlene says:

    this is my 4th try to comment. :(

    haba yong first two tries ko kanina pero now nalimutan ko na. hehehe..basta all i want to say i will miss LP but i look forward to something big on December.

    maligayang LP lahat!
    Arlene´s last blog ..LP – Amoy My ComLuv Profile

  27. EDS says:

    kakalungkot pero kakaexcite narin! Can’t wait for the come back! :)

    Btw, great shot at magandang LP! :)

    http://edsnanquil.com/?p=1559
    EDS´s last blog ..Litratong Pinoy : AMOY {Scent} My ComLuv Profile

  28. Nortehanon says:

    Waaaa…kung kelan naman ok na ang camera ko saka naman magpapahinga ang LP. Excited pa man din akong makigulo uli dito hehehe. Pero sabi nga ni Emarene, if it’s for the betterment, ok na rin.

    Nananalangin ako na sana ay wag naman mawalis ang aking blog sa inyong paglilinis hehehe. Salamat po.

  29. Mahalia says:

    Mabango po pala ang Kalabasa…kumusta sa lahat ng ka-LP!
    Mahalia´s last blog ..LP: Amoy ng Kandilang Kalabasa My ComLuv Profile

  30. Ken says:

    Ang bango ng computer ko ngayon!

    Lovely.
    Ken´s last blog ..Sabog na Halimuyak – Explosive Aroma My ComLuv Profile

  31. MsRay says:

    Ang rosas ay hindi lang mabango… magandang bulaklak pa.

    Yung entry ko naman ay hindi lang mabango…. masarap na masarap pa. :grin:
    MsRay´s last blog ..Amoy My ComLuv Profile

  32. Dinah says:

    wah, di ako maka-relate kasi wala akong pang-amoy :-(

    pero may entry ako:
    http://bragsimply.blogspot.com/2009/10/lp-81-amoy.html
    Dinah´s last blog ..More "Me Time" for Mommy! My ComLuv Profile

  33. may isa pa akong lahok sa isa kong blog. mami-miss ko kasi ang LP e :-)

    http://okayukay.blogspot.com/2009/10/litratong-pinoy-amoy.html
    Dinah: Okay Ukay!´s last blog ..Incoming Typhoon Santi My ComLuv Profile

  34. iris says:

    habol akong mag-comment, kahit di ako nakasali for the past couple of weeks :)

    buti nalang wala pa naman akong naaamoy. hehe. ang ganda ng macro shot na yan ha. i like the old feel of the color.

    PS Bb. Admin, ako’y sasali pa rin sa LP. sakto naman kung kelan ako titingin ng theme for November biglang nawala =) anyway aabangan ko yan sa December!
    iris´s last blog ..these kids… My ComLuv Profile

  35. yeye says:

    sabi nila ganun daw po. heheheh. ewan ko lang po
    hay ngaun lang nakapagcomment

    at mamimiss ko naman ang LP!
    eto po lahok ko:
    http://idlip.net/?p=665
    yeye´s last blog ..BINATA NA AKO My ComLuv Profile

  36. ian says:

    aabangan namin ang mga pagbabago sa LP. salamat sa lingguhang tambayan ng marami na nagsisilbing pasaporte sa mga malalayo at malalapit na lugar na napag-uugnay ngayon ng blogosphere =] hanggang sa muli-

  37. an2nette says:

    For sure mamimiss namin ang LP, basta join pa rin ako, looking forward sa pagbabagong bihis ng LP sa December
    an2nette´s last blog ..Van’s Birthday My ComLuv Profile

  38. Kotsengkuba says:

    hello po, i’m checking the current status of LP at ako’y muli sanang sasali pero bakasyon pala kayo this November. Sa pagbabalik ng LP sa Disyembre, sali po ulit si Kotsengkuba.

    Salamat!!!
    Kotsengkuba´s last blog ..Hachiko’s Halloween in Pet Society My ComLuv Profile

  39. Jeanny says:

    ma mimiss ko ang LP.sayang 2 consecituve weeks akong hindi naka join. I was checking sana kung ano ang susunod na topic for this coming week. :(

    Anyway, hindtayin ko ang pagbabalik ng LP :)

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled