LP 80: (Ma) SINOP
October 22, 2009 by panauhing_litratista
Filed under Guest Photographers, LP entries
Welcome! Welcome po sa Litratong Pinoy! Sa Huwebes na ito ay mayroon po tayong Panauhing Litratista. Sya po ay si KEN (www.ilio.ph) Umpisahan na natin agad dahil tiyak na mag i-enjoy kayo sa kanyang kontribusyon sa araw na ito!
Magandang Huwebes ng LP sa inyong lahat! – admin
Zen
Ang tema nating ngayong linggo ay ang katagang ‘masinop.’
Noong matanggap ko ang anyaya mula sa ating admin na maging panauhing blogista sa Litratong Pinoy ngayong linggo, di ako sumagot kaagad sa kanyang hiling dahil, sa totoo lang, nakalimutan ko na kung ano ang ibig sabihin ng masinop. Kinalawang na kasi ang aking Filipino (Tagalog) dahil ako’y nangibang bansa mula pa noong 1981 at hindi na ako gaanong nag-iisip sa Tagalog. Ipagpaumanhin po lamang ang inyong abang lingkod. Marunong pa rin akong magsalita at makipag-usap sa Tagalog, kaya lang, ngayon, isinasalin ko na ang Inggles sa Tagalog sa loob ng aking utak bago ako makapagsalita sa ating wika. Dahil sa mahigit na dalawampung taong pagsusulat, pag-iisip at pagsasalita sa Inggles bilang isang propesyonal, sapagka’t ang aking hanap-buhay ay maging isang siyentipiko at propesor dito sa Amerika, unti-unting nang nawala ang aking pag-iisip sa Tagalog.
Kaya mga ilang segundo pa bago lumabas ang ibig kong sabihin sa Tagalog mula sa aking bibig. Habang noon, isinasalin ko muna ang Tagalog sa aking ulo bago makapagsalita sa Inggles.
Ngayon, baliktad na. Isa pang malungkot na katotohanan ay hindi na rin ako nananaginip sa Tagalog. Malungkot dahil hindi naman ako tubong Tagalog. Ang unang wika na aking natutuhan ay Aklanon. Natuto lamang akong mag-isip at magsalita sa Tagalog dahil sa pagbabasa ng komiks. Ngayon, hindi ko akalaing mawawala ang kagaanan kong mag-isip sa Tagalog.
Hindi naman ako ganito noon. Sa katotohanan, may kahusayan akong sumulat sa Pilipino noon. Noong unang dalawang taon ko sa kolehiyo sa UP, karamihan ng mga kurso na aking kinuha ay itinuro sa wikang pambansa. Uso kasi noon ang ‘bi-lingual education’ sa UP. Kaya kung mayroong kursong inalok sa Pilipino, ‘yun ang aking piniling kunin – tulad ng Kasaysayan (History), Kabihasnang Asyano (Asian Civilization), Spits (Speech) atbp. Kahit ‘yung language requirement, isang Ingles lang ang kinuha ko (English I), tapos lahat na, Filipino hanggang Filipino 20.
Ako rin ay naging isang patnugot ng isang aklat na isinulat sa Pilipino at may ilan din akong mga katha sa Pilipino na nailathala sa mga pahayagan – kahit ang aking kurso sa kolehiyo ay Veterinary Medicine, walang kinalaman sa humanities. Noong ako’y nagsusulat ng aking tesis para sa aking masters na aking nakamtan sa New Zealand, sabay din akong nagsulat ng isang nobela sa Pilipino. Naka-makinilya pa iyon. Di pa uso ang personal computer noon. Naiuwi ko naman sa Pilipinas ang nobelang ito noong naraos na ang aking pag-aaral sa New Zealand at binalak kong ayusin ito. Kaya lang, pagkaroon ng isang taon, natanggap ako University of Illinois upang makipagdalubhasang muli, kaya’t nangibang bansa na naman ako at nakalimutan kong dalhin ‘yung manuscript. Sa huli kong pag-uwi sa bahay namin sa UP, ang laman ng aking aparador ay inanay! Sayang. Gusto ko pa sanang isali ‘yun sa Palanca Awards. (Charing!)
Noong nagtapos ako ng aking PhD, namalagi na ako dito sa Illinois dahil inalukan ako ng trabaho sa isang unibersidad sa Chicago. Sa kasalukuyan, nandito ako sa Columbia College Chicago bilang isang espesyalista sa pagsusulat ng mga gawad mula sa kung anu-anong pundasyon na nagloloob ng pondo para sa pagsusuri sa agham at edukasyon. Kung ako’y hindi sa trabaho, ako’y isang litratista at isa ring manunulat.
Dahil sa Litratong Pinoy, sa ngayon, ako’y nagmumunyaging maging muling matatas sa Pilipino, este, Filipino – hindi lang sa pag-uusap kundi sa pag-iisip at pagsusulat. Nakakahiya naman sa madla kung hindi ko ito isinulat sa Filipino.
E, ano naman ang kinalaman ang mahabang kuwento ng buhay ko sa tema ng Litratong Pinoy sa ngayong linggo, aber?
Kasi nagulat ako … at nasabi ko na, nalungkot din dahil hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng MASINOP! Anak ng tinapa … ka-simpleng kataga, di ko alam. Nag-email pa ako sa ating admin at itinanong ko sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng masinop. Super dyahe talaga.
Heto ang kanyang sagot:
sinop
s´inop masinop (ma-) adj. economical, thrifty, frugal, careful
neat
neat adj. 1 clean and in order: maayos, malinis at maayos 2 able to and willing to keep things in or- der: mapag-ayos, masinop, maimis 3 well-formed: maayos, nasa ayos, hustung-husto ang ayos 4 skillful, clever: malinis (makinis) na daya 5 without anything mixed in it: puro, walang halo
Anak ng tinapa muli. Nahirapan akong maghanap ng mga larawan na kumakatawan ng pagsisinop. Kasi naman, hindi akong isang tao na masinop. Ang katangiang kasinupan ay naibigay ng aking mga magulang sa aking diko. Kung ika’y pupunta sa kanyang bahay, akala mo nasa IKEA ka. Lahat hustung-husto ang ayos. Ni hindi ka makaupo sa sopa dahil matatakot kang gusutin ito.
Ako naman, burara sa aking mga kagamitan. Isa ako sa mga taong nag-aayos ng bahay bago dumating ang tagalinis, at pagkaraan ng limang minuto matapos ayusin ang bahay ko, magulo na naman kahit hindi ko sinasadya.

Masinop na pag-ayos ng tsinelas sa palengke
At ang mga litrato ko, karamihan talaga, barok, ibig kong sabihin, baroque. Parang jeep sa Pinas. Maraming borloloy.
Kaya naisip ko, siguro, ang mga litratong ilalagay ko dito, e, ‘yung may simpleng kumposisyon lamang. ‘Yung may maraming negative space. Yung payak lang ang kulay. “Yung ang matimbang ang pag-aayos.
Kaya tingnan ninyo ang mga litratong ipinapakita ko dito. Simple lang ang mga ito. Pero maraming sinasabi.
Neat, ika nga.
Enjoy!











Grabeh
ang gaganda ng mga litrato, parang ayoko na ipost ang aking entry.
hi, manong ken! ang galing ng kulay berde na chicago river!

fortuitous faery´s last blog ..Litratong Pinoy # 69:Masinop (Frugal)
gusto ko yung pinaka huli
ako din nahiya sa entry ko pero yun lang ang nasa isip kong kuha sa tema hangang sa ngayun eh
sana maibigan nyo rin ang aking lahok


magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
jay – agent112778´s last blog ..LP # 80 : maSINOP (organized)
Wala akong masabi kundi magaganda talaga lahat ng compositions mo, Manong Ken! Salamat din for sharing a bit about yourself. Wala na po ba kayong kopya nung manuscript? Aba malay nyo, manalo talaga ng Palanca Award! Hindi charing yan
Happy LP!
Thess´s last blog ..Masinop (LP 80)
sosyal na sosyal ang unang litrato, parang gusto kong iuwi ang vase.
sayang ang iyong manuscript…wala bang naka-onion skin man lang na kopya?
fascinating ang iyong buhay, aral ng aral, kakainggit.
luna miranda´s last blog ..Masinop ka ba? [Litratong Pinoy]
Nagenjoy ako ng husto sa pagbasa ng akda ni G. Ken, lalo na sa pagtingin sa kaniyang mga litrato.
Mahigit dalawang taon pa lang ako dito sa Amerika kaya ang panaginip ko, sa wikang Filipino pa rin. Hahaha! Wala pa akong lahok para sa LP. Pero meron siguro akong mahahalughog maya-maya.
Maraming salamat, Mr. Ken sa pagbahagi ng iyong mga litrato at ng iyong kuwento.

Munchkin Mommy´s last blog ..Rockin’ Rock Climber
Hindi naman halatang nahihirapan ka nang mag-Tagalog – napakahusay pa rin ng iyong sinulat!
At ang ganda rin ng iyong mga masinop na larawan lalo na yung Zen vase at ang mga tsinelas.
Pinky´s last blog ..LP #80: Masinop
Nakakatuwa ung mga tsinelas. parang ung mga pinamimigay ni korina sanchez. kaya lang patang puro kaliwa ata. hahaha!
eto naman ang lahok ko ngayong linggo: http://sundaymadness.blogspot.com/2009/10/litratong-pinoy-80-sinop-neat.html
HAPPY LP! =]
Well´s last blog ..Blog Appetite Turned 1 with a Blog Raffle Contest
Aba! Naaliw naman ako sa mga ayos ng tsinelas na yan! Nakahilera at madaling hanapin kung alin ang sa iyo! Ang ganda ng mga larawan mo! Mabuhay ka!
Wow na wow naman! Naka ka insecure naman ang lahok ko nagayon hi-hi..
http://thisrandomness.blogspot.com/2009/10/litratong-pinoy-masinop-orderly.html
emarene´s last blog ..Litratong Pinoy – Masinop (orderly, organized)
WOW! Ang gaganda ng mga litrato! Paborito ko yung tsinelas sa beach.
Joy´s last blog ..LP: Masinop (Neat)
ang ganda ng mga litrato mo:)lalo na iyong pinakahuli. Bilib din ako sa iyo at ang layo na nang iyong naabot, naipagmalaki mo nang tunay ang Pinoy! Interesado ako doon sa tagalog na mga klase sa UP hehehe! kaso, parang babaluktot ata ang dila ko niyan.
Marites´s last blog ..Litratong Pinoy#72 Masinop (Frugal)
Wow, Ken, nakapasinop ng pagsulat mo ng iyong entry
Galing!
Up na po ang aking entry, isang sulyap sa sandaling pag-volunteer sa isang relief operation c/o National Bookstore at Megatent sa Pasig. Sa mga interesado, pwede pa kayo sumama dun sa susunod na linggo.
Happy LP!
ang gaganda ng mga larawan! Magaling pa rin ang iyong akda. Malalim pa ang mga ibang salita, hindi halatang nahirapan sa pagsulat sa Filipino. Magandang araw!
peachy´s last blog ..LP 80: Masinop
nakakatuwa namag basahin ang iyong kwento. Ang ganda ng mga litrato mo kakainggit
Magandang LP
upto6only´s last blog ..LP: Masinop
Ang gaganda ng lahat ng larawan. Nakaka-insecure nga at hindi ganun kaganda ang aking mga lahok. Ganunpaman, salamat sa pagbabahagi at nagkakaroon ng ideya at insipirasyon ang mga baguhang litratistang tulad ko. Idol! Ang galing!
Pasensya na nga po pala sa 2 Huwebes na pagliban ko. Naging masyadong busy lang sa trabaho.

Mauie´s last blog ..Litratong Pinoy: Masinop (Neat)
Hindi ko makita lahat ng mga litrato at my end. Hindi ko alam bakit. Pero gusto ko ang mga tsinelas. They are so colorful and neatly arranged.
Maligayang LP sa lahat and my share of MASINOP presentation is now up.
Arlene´s last blog ..LP – Ma (Sinop)
wow, ang gaganda ng litrato, tulo laway ako
heto naman ang aking masinop na lahok.
Dinah´s last blog ..LP 80: Masinop
at last i can now see all the pictures. all of them depict neatness.
i love the colors of the slippers. Pati na rin ang purple haze.
maligayang LP sa inyong lahat and my share of masinop is now up.
(this is now my 3rd attempt to leave a comment)

Arlene´s last blog ..LP – Ma (Sinop)
Salamat sa lahat sa inyong pagpupugay. Please, huwag kayong mahiya sa inyong mga larawan. Tandaan ninyo na lahat tayo, nagsimula sa umpisa … sa wala
. One of the secrets to taking good photos … is to shoot and shoot and shoot. A lot. Little by little, matututuhan din ninyo kung ano ang umuubra at ano ang hindi para sa sarili ninyo.
Ken´s last blog ..In Order
ang ganda ng mga kuha mo…lalo na yung may banca. ang linis tignan

Cookie´s last blog ..LP : Masinop
ang gaganda ng mga kuha…buti nakahabol ako …
Maligayang Huwebes sa inyong lahat.
Ang gaganda ng mga kuha ni Ken!
Eto naman ang entry ko sa temang masinop (frugal):
http://www.msray2008.com/2009/10/masinop.html
MsRay´s last blog ..Masinop
Down ang LP kahapon, kaya ngayon lang ako naka-comment. Gustong gusto ko yung Purple Haze…ang ganda talaga kapag nagiging purple na ang kalangitan.
Ang aking lahok ay naka-post na rin!
ShutterHappyJenn´s last blog ..Masinop (Neat, Organized)
Waah! Di pumasok ang komento ko kahapon.
Ang gaganda ng mga larawan. I love the composition and swack na swack sa theme.
Sassy Mom´s last blog ..The neatness of ZEN type of design
Neat! ang gaganda ng mga litrato…wala akong paborito kasi lahat eh! thanks manong Ken for sharing your photography here.
Gmirage´s last blog ..Masinop, Maagap para sa Litratong Pinoy