LP 81: AMOY
October 29, 2009 by admin
Filed under LP entries
Gaano katotoo ang paniniwala ng iba na kapag nangangamoy bulaklak (samantalang wala namang bulaklak sa iyong paligid) ay may kaluluwang dumadalaw sa iyo? Naniniwala ka ba na totoo ito? Ang sabi din ng iba na kung may kakilala kang namatay ay isang paraan ang pangangamoy bulaklak upang ipaalam sa iyo ang kanilang pagpanaw. Nakaranas ka na nito?
Kung ako ang inyong tatanungin ay hindi ako naniniwala dito. Pero sadyang may mga nagaganap sa ating paligid na hindi natin kayang ipaliwanag dahil nakaranas na akong makaamoy ng bulaklak dito sa abroad ng may mamatay na miyembro ng aming pamilya sa Pilipinas. 2 beses itong nangyari.
Malapit na ang pag-gunita ng araw ng mga yumao. Bumabango na ba sa paligid mo?
MALIGAYANG HUWEBES NG LITRATONG PINOY SA INYONG LAHAT!
——————————————————————————————————–
Anunsiyo:
Mahal kong LP members (at mga gustong sumali),
Pansamantala pong ‘magbabakasyon’ ang Litratong Pinoy sa susunod na 4 na linggo (buong buwan ng Nobyembre) at magbabalik po sa unang Huwebes ng Disyembre. Dahilan po sa:
- Lilipat po tayo sa bagong webhost.
- Ang bagong L.P. team ay aming ipakikilala sa Disyembre!
- Magkakaroon po ng bagong bahagi ang L.P. Abangan po ninyo sa ating pagbabalik.
- Magsisimula po tayong malinis ang ating listahan ng miyembro maliban na lamang po sa mga sumali sa nakaraang 3 buwan, sigurado pong hindi mawawala ang inyong mga blogs sa listahan.
- Amin pong ilalathala ang mga bagong themes para sa Disyembre, abangan lamang po ninyo.
Madami po kaming aayusin kaya’t kailangan po ang 1 buwan na bakasyon. Magkikita-kita po tayong muli sa Disyembre, huwag ninyong kalilimutan.
We’ll be back bigger and better!
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. – admin


