LP 74: Lansangan

September 10, 2009 by  
Filed under LP entries

LANSANGAN. Ano nga ba ang nakikita sa lansangan, daan o karsada? Nagtataasang gusali, mga bahay sa gilid, sasakyan…at higit sa lahat, mga tao.

Magandang Huwebes sa inyong lahat! Oras na naman para tayo ay magsama-sama sa tema ngayong araw na ito. Ito ang ilan sa mga natunghayan ko sa isang masikip na lansangan sa Rotterdam noong nakaraang ika 25 ng Hulyo. Masikip sa dami ng tao dahil sa taunang (yearly) summer carnaval na binubuo ng mga Dutch – Antillians.

lansangan

Mahirap makipagsiksikan kapag ganitong kadami ang tao sa paligid mo. Syempre pa ay kailangan ang mga pulis para masigurong maayos ang daloy ng karnabal.

Ka-sosi ng mga pulis na nakita ko ng araw na iyon dahil kung dati ay kabayo ang sinasakyan nila, ngayong taon ay segway!

lansangan_pulis

Siya po ang napiling Carnaval Queen 2009.

lansangan1

Ang mananayaw na ito  sa palagay ko ay isa sa may magandang ngiti sa mga nakita ko ng araw na iyon. Na sa gitna ng init ay talagang bigay na bigay ang kanyang pagsasayaw at panay  ang ngiti.

lansangan2

At ang babae sa huling larawan naman ang may pinakamagandang disenyo sa kanyang ulo!

lansangan5

Ikaw naman, ano ang nakita mo sa inyong mga lansangan?

« Previous PageNext Page »