LP 75: Karatula
September 17, 2009 by admin
Filed under LP entries
Magandang magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat! Una sa lahat ay nais pong batiin ng Litratong Pinoy ang lahat ng ating miyembro na magdiriwang na kanilang kaarawan sa buwan na ito ng Septyembre:
Bang: 11 | Zam: 16 | Dang: 17 | Ironnie: 18 | Biang: 19 | Stripe & yellow: 19 | Marlster: 21 | Sassy Mom: 21 | Pao: 23 | Fortuitous Faery: 28
Maligayang kaarawan sa inyong lahat! Pa-ice cream at cake naman kayo! :hehe:
Eto na, simulan na natin! Karatula, iyan ang ating tema. Ang sabi sa isang online Tagalog-English dictionary:
1 any mark, thing, or motion used to mean, represent, or point out something: tanda, palatandaan
2 a signboard: karatula
3 a notice: babala, paunawa
4 the motion used to point out something: senyas
Excited kayong magkakaibigan sa inyong England trip. Iba’t ibang lugar sa Inglatera ang nasa inyong listahan na bibisitahin at isa sa mga iyun ay ang pamosong Buckingham Palace! Syempre pa mas kumpleto ang dalaw na iyun kung makikita ninyo ang pagpapalit ng mga guardia sa harapanan ng palasyo. (Bonus kung makikita mo si Prince William o Prince Harry, ha ha ha!)
Ayan at walang tigil na ang mga turista sa kakakuha ng litrato! Klik dito, klik duon.

Pero bakit tahimik yata? Bakit parang wala yatang mga sundalong naghahanda para sa palitan ng pagbabantay?

O di ba….anong kamalasan naman at natapat sa araw ng walang pagpapalit ng guardia ang dalaw ninyo!!

Happy L.P. everybody!

