LP 76: Palengke

September 24, 2009 by  
Filed under LP entries

Palengke. Market.

Malansa. Mainit. Basa. Sariwang paninda. Ay, minsan ay may bilasa nga pala!

Pwede tumawad, huwag nga lang sobra at iismiran ka ng tindera.

Ikaw ba ay namamalengke pa o mas gusto mo mamili sa inyong lokal na grocery?

Sa palengkeng ito, ang mga tindera at tindero ay napipilitang mag-adjust sa kanilang paligid. Dahil kailangan nilang kumita ng pera.

Ito ang klase ng palengke na ‘natitiklop’. Oo! Naititiklop!
Ang Maeklong market.

palengke

Ang palengke ay nasa kalagitnaan ng Maeklong railway.

palengke1

Maraming pumupunta ditong turista para masaksihan ang kakaibang kaganapan sa palengkeng ito. Ilang beses din sa isang araw ay nangyayari ito.

Ayan na, medyo nagtatakbuhan na ang tao!

palengke2

Biglang luminis ang gitna ng railway!

palengke3

Dahil sa paparating na ang tren!

palengke5

Kailangan din ng ingat habang kumukuha ka ng larawan dito. Medyo kinailangan din akong hatakin ng asawa ko dahil hindi ko napansin na konti na lang ang agwat namin ng paparating na tren.

palengke6

Matapos dumaan ng tren ay syempre pa, patuloy lang ang buhay ng mga tindero at tindera dito. Kakaiba ano?!

Magandang Huwebes ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!!

« Previous PageNext Page »