LP 76: Palengke

September 24, 2009 by  
Filed under LP entries

Palengke. Market.

Malansa. Mainit. Basa. Sariwang paninda. Ay, minsan ay may bilasa nga pala!

Pwede tumawad, huwag nga lang sobra at iismiran ka ng tindera.

Ikaw ba ay namamalengke pa o mas gusto mo mamili sa inyong lokal na grocery?

Sa palengkeng ito, ang mga tindera at tindero ay napipilitang mag-adjust sa kanilang paligid. Dahil kailangan nilang kumita ng pera.

Ito ang klase ng palengke na ‘natitiklop’. Oo! Naititiklop!
Ang Maeklong market.

palengke

Ang palengke ay nasa kalagitnaan ng Maeklong railway.

palengke1

Maraming pumupunta ditong turista para masaksihan ang kakaibang kaganapan sa palengkeng ito. Ilang beses din sa isang araw ay nangyayari ito.

Ayan na, medyo nagtatakbuhan na ang tao!

palengke2

Biglang luminis ang gitna ng railway!

palengke3

Dahil sa paparating na ang tren!

palengke5

Kailangan din ng ingat habang kumukuha ka ng larawan dito. Medyo kinailangan din akong hatakin ng asawa ko dahil hindi ko napansin na konti na lang ang agwat namin ng paparating na tren.

palengke6

Matapos dumaan ng tren ay syempre pa, patuloy lang ang buhay ng mga tindero at tindera dito. Kakaiba ano?!

Magandang Huwebes ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!!

Comments

31 Responses to “LP 76: Palengke”
  1. kakatuwa! parang nakita ko na ito sa travel channel sa isang palabas nila! yun bang umaalis ang mga tindera pag dumadaan na ang tren! pero parang di rin ito kaiba sa pinas! hehe. :mrgreen:
    .-= fortuitous faery´s last blog ..Litratong Pinoy# 66: Palengke (Market) =-.

  2. Cookie says:

    iba pa rin talaga ang mamili sa palengke. wow, talaga namang shop along da riles ang lugar na ito :)
    .-= Cookie´s last blog ..Litratong Pinoy : Palengke =-.

  3. upto6only says:

    ay parang sa pinas din ang eksena hehehe. at talagang pwedeng kumuha ng litrato dun sa malapit sa riles. kakatakot naman.

    Happy LP
    .-= upto6only´s last blog ..LP: Palengke =-.

  4. emarene says:

    nakakatakot naman! may timing ba yan?
    Eto naman palengke ko http://thisrandomness.blogspot.com/2009/09/palengke-market.html
    .-= emarene´s last blog ..Palengke (Market) =-.

  5. carnation says:

    amazing nga talaga ito! pero hindi ko pa ito napuntahan dito…kailan kaya?
    .-= carnation´s last blog ..LP: Palengke =-.

  6. an2nette says:

    ganyan din ang scenario sa lugar namin sa san pedro, laguna pag padating na ang tren, takbuhan na ang mga nagtitinda, nice shots and hapi LP

    Eto naman ang mga palengko ko http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/09/lp-palengke-market.html
    .-= an2nette´s last blog ..LP- Palengke (Market) =-.

  7. yami says:

    Ang mga Pinoy talaga kahit saan mo ipuwesto makakagawa ng paraan para mabuhay mistulang katabi pa niya ang delikadong daanan ng tren.

    narito naman po ang lahok ko: http://penname30.blogspot.com/2009/09/litratong-pinoy-palengke-market.html
    .-= yami´s last blog ..Litratong Pinoy: Palengke (market) =-.

  8. hmmmmmmmmmm, mukhang yung tren ang dinarayo ng mga turista kesa sa paninda :D

    ako sa talipapa kami namimili

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)
    .-= Jay – agent112778´s last blog ..LP # 76 : Palengke (market) =-.

  9. Ebie says:

    Wow! parang Pinas, at maraming tao. Makakatuwa naman yung natitiklop.
    .-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Palengke =-.

  10. Dr Emer says:

    Kakaiba nga! Delikado, subalit ito din ang nagbibigay-tangi sa palengke na ito. :grin:

    Eto po ang aking lahok — http://siteseer.blogspot.com/2009/09/jesus-in-market.html

    HAPPY LP! :smile:
    .-= Dr Emer´s last blog ..Jesus in the Market =-.

  11. Thess says:

    Astig ng palengkeng ito, ano? :mrgreen: Happy LP!
    .-= Thess´s last blog ..Palengke (market) for LP 76 =-.

  12. julie says:

    Nakakatuwa naman ito parang ang mga nawawalang tindera kasi paparating na ang pulis :grin:

    Happy LP!

  13. Marites says:

    astig naman itong palengkeng ito. Masyadong delikado nga lang para sa mga andoon.

  14. cheh says:

    Na miss ko palengke sa atin :roll: Kaway kaway mga ka lp! Maligayang huwebes sa lahat :grin:
    .-= cheh´s last blog ..Litratong Pinoy: Palengke =-.

  15. pehpot says:

    ayos ah parang dito din sa atin.. ang sarap kumuha ng litrato sa palengke no, kaya lang nakakatakot din kase baka ma isnatch ang camera mo hehe

    Happy LP po
    .-= pehpot´s last blog ..Blog Tags And Awards =-.

  16. pehpot says:

    Ang entry ko po pala ay andito.. mali ang blog link na naisulat ko hehe.. nilipat ko na kase ang aking LP sa aking photoblog (sensya na lang muna sa alikabok, hindi pa masyadong malinis ang aking photoblog) :)

  17. kakaiba nga ang palengke na yan! pero parang nakakatakot. panu kung bising bisi ka sa pagtawad, na-kerid away ka at di mo namalayan ang tren? haha, ang morbid ko!

    heto naman ang aking Palengke entry!
    .-= Dinah: Okay Ukay!´s last blog ..Litratong Pinoy: Palengke =-.

  18. Ang kwela namang palengke nyan… Kakaiba ah?

    Ang aking lahok ay naka-post na po.
    .-= ShutterHappyJenn´s last blog ..Catching Up… =-.

  19. Sassy Mom says:

    :smile: Naku, parang sa Pina din…. naaaliw ang mga turista pero delikado ang ginagawa nila.
    .-= Sassy Mom´s last blog ..Bugis Market in Singapore =-.

  20. luna miranda says:

    ohmygulay! kakatakot naman ang palengkeng ito! pero ang hitsura, di nalalayo sa mga palengke dito sa Pinas. :grin:
    .-= luna miranda´s last blog ..Palengke [market] – Litratong Pinoy =-.

  21. ian says:

    kakaibang pamilihan. sobrang mahal ng paninda diyan a- literally they may cost you an arm and a leg!
    .-= ian´s last blog ..Litratong Pinoy: PALENGKE (Market) =-.

  22. yeye says:

    akala ko naman may nagreraid sa mga vendors…tren pala hehehehe

    wala akong LP entry pero….HAPPY huwebest sa lahat :) bawi ako next week. :D
    .-= yeye´s last blog ..wala akong LP entry ngayon =-.

  23. lino says:

    ayos ah…
    humahangos… at humahabol… 10pm pa lang dito so di pa tapos ang huwebes, hehehe
    narito po ang aking bahagi para sa linggong ito… :)

  24. peachkins says:

    ang gara naman ng palengke na ito….
    .-= peachkins´s last blog ..What women can do that men cannot.. =-.

  25. MsRay says:

    Naalaala ko tuloy ang Home Along da Riles ni Dolphy :razz:

    Baka gusto nyo rin mamalengke sa Hawai’i. Halina sa blog ko :grin:
    .-= MsRay´s last blog ..Palengke =-.

  26. shie says:

    mukhang delikadong mamalengke dyan sa gilid ng riles ng tren, kailangang maingat habang namimili…

    eto naman ang aking lahok …

    http://shiezar.blogspot.com/2009/09/lp-palengke.html
    .-= shie´s last blog ..MAKANSUTRA Experience =-.

  27. kaya maraming napuputulan ng paa jan eh.. ang lapit kasi ng mga bahayan sa riles.. tsk tsk tsk

  28. heheh! totoong pinoy nga! pabili po!!~~~check out mine, ate, it’s FINALLY up! whew!
    .-= cherie de castro´s last blog ..Litratong Pilipino: Palengke =-.

  29. Willa says:

    Parang palengke lang iyan sa may Blumentritt ,Maynila,katulad na katulad, pati yung riles ng tren, :mrgreen:
    Pass ako ngayon, kasi wala ditong palengke, di uso. :mrgreen:
    .-= Willa´s last blog ..Camera Critters#2 =-.

  30. Ken says:

    Huli na … pahabol na lang.

    Good job in selecting the theme for this week. I love market shots!
    .-= Ken´s last blog ..Kamatis Kamo Una! =-.

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge