LP 72: Hapunan
August 27, 2009 by panauhing_litratista
Filed under Guest Photographers, LP entries
Huwebes na naman muli mga kasama! Isang Huwebes na punong-puno ng nakakagutom na mga litrato mula sa ating panauhing litratista na si ISKA! Katulad ko ay tiyak na maghahanap kayo ng makakain sa kusina matapos matunghayan ang kanyang inihain para sa Litratong Pinoy. Umpisahan na natin!

Ano ang pagkakahawig ng mga larawang sumusunod bukod sa sila ay puro pancit?
Tama kayo. Halos iisa ang kanilang mga sangkap. Ang carrots, green beans, capsicum, spring onion at itlog ay halos hindi nawawala sa aking lingguhang bilihin. Bakit kamo? Masyado silang versatile. Common sti-fry ingredients sila na masarap isahog sa chicken, pork o beef, isama sa fried rice o kaya ay steamed lamang na side dish sa steak. Para sa isang working mom na tulad ko na pagkasundo sa anak mula sa after-school care ay diretso sa bahay at kailangan nang maghanda ng hapunan, kailangan kong makaluto ng mabilis ngunit masarap at masustansyang pagkain bago dumating ang alas-syete ng gabi.
Iisa man halos ang pangunahing sangkap ng mga pancit sa taas, iba ang lasa ng bawat isa. Yan naman ay dahil sa spices na halo ng mga ito. Isa-isahin natin ang mga larawan. Ang Singapore Mee Hoon Goreng o fried rice vermicelli ay naiiba dahil sa curry powder at kaunting asukal. Masarap din ito kung may halong toge. Ang pangalawang litrato ay stir-fry na gulay at, kasama ng pritong itlog, ginawang toppings sa blanched Phở o flat, white rice noodles. Ang Hokkien-style mee naman ay walang pinag-iba sa ating tipikal na pancit canton o bihon na may dark soy sauce; matatabang fresh at dilaw na egg noodles lang ang aking ginamit. Ang Vietnamese vermicelli, huling litrato, ay ginisahan ng lemon grass, mayroong kaunting asukal, pinigaan ng lemon juice at pinatisan. Hayaan nyo, iisa-isahin kong i-post sa aking blog ang mga recipe nila.
O tara na at maghapunan!

ayayay! mee goreng i miss sis ka-is!!!:)
Sarap naman sis Iska! honga basta pansit kahit saan sa asia, yumm! Hapunan na!
ang sagot ko sana ay pareho silang mukhang masarap! di ko pa natry ang pancit na may curry powder! mahilig pa naman ako sa spicy!
http://fairywinkle.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-63-hapunan-dinner.html
yum yum….promise yan ha., share the recipes.
Love ko ang pancit/asian noodles. Very versatile nga sya, madagdagan lang ng isang ingridients nag iiba na ang flavor di ba,
Happy LP sa lahat
Iska, mawalan na ako ng rice, huwag lang noodles…kahit anong klase! Ganyang na ganyan ang basic-hindi-nawawala-sa-fridge ingredients ko sa aking pancit-O!
Tiyak marami na naman magugutom this week sa LP!
wow ang sarap naman, iba ibang klaseng pansit
ang hapunan ko ay meron na rin dito …
http://shiezar.blogspot.com/2009/08/lp-hapunan-sa-seadive-resort.html
Yehey, am in. Sana’y mabisita nyo rin ang aking akda
wish ko lang ganyan ako ka ganda kumuha ng litrato at ka sarap din mag luto! Superb!
ito naman lahok ko…http://thisrandomness.blogspot.com/2009/08/hapunan-dinner.html
Oo nga mabilis iluto pero masustansya naman. versatile din ang pansit pwede ring meryenda o kaya ay iulam sa kanin.
nandito naman ang simpleng hapunan na inihanda ko. Tara kain tayo.
http://penname30.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-hapunan-dinner.html
magaling magaling magaling =] ang dami nga palang itsura, pagpapakilala, paghahanda ng pancit- nguni’t sa kaibuturan nang lahat ay ang isang simpleng tala ng mga sangkap! nadadala na lang talaga sa husay ng nagluluto =] nakakagutom ngang talaga! salamat sa pagbabahagi iska!
nakakagutom naman, iska. 2 am at may craving ako ng pansit canton. Lucky Me lang meron dito.
Bukod sa pancit bijon na laging available sa aking pantry cabinet, ang carrots, onion at celery naman ang aking favorite na gulay at talagang pwedeng pwedeng ihalo sa kahit anong lutuin.
salamat po sa ADMIN at ako ay naimbitahan. (hindi maipaliwanag ang aking kilig hihihi)
salamat din at nagustuhan nyo ang aking hapunan. binahagi ko na din sa aking blog ang recipe ng unang larawan
Ay! nagugutom na ako. Ang sarap ng pansit!
http://sweetagring.com/?p=936
ang sarap naman ng mga pagkain! parang hinde papasang hapunan ng mga simpleng tao, pang mga-elitista! saka pancit sa hapunan? y not! kung ganyan naman kasasarap!
Happy LP!
Hapunan
Ayaw gumana ng link ko! Huhuhu!
http://sundaymadness.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-72-hapunan-dinner_27.html
Sarap ng mga yan! Ganyan din hinahanda ko kung sa tingin ko mukhang hindi ganado sa kanin at ulam ang mga bata.
Masarap ng Huwebes, este maligayang Huwebes sa ating lahat!
.-= julie´s last blog ..Tawilis =-.
i am a lover of pancit dishes. lalo na the ones that are stir fried.
mine is now posted.
mukha ngang masarap ang mga nasa larawan.. ako din ay mahilig sa pnsit. Nasubukan nyo na ba kumain ng pansit bihon sama sa kanin at menudo? Yum!
nakakagutom naman ang mga nasa larawan! maligayang LP sa inyong lahat!
wow…ang sasarap! Dapat siguro i-share mo mga recipe mo.
Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/08/lp-hapunan-dinner.html
Magandang araw!
ang sasarap ng lahat ng sana larawan..
Sarap naman! Iba ibang pansit!
Ito naman ang aming hapunan.
ang pancit..bow! sarap naman nyan. nakakagutom naman talaga
pasensya na sa entry ko itong linggo. last week ko sya nai-post dahil namalikmata ako sa pagbasa ng tema. senior moment ika nga
http://scroochchronicles.com/?p=1875
nakakagutom ang larawan. Sana ganyan din ako kagaling kumuha ng larawan at magluto na rin
magandang araW!
Nakaka-gutom
Halina’t makisalo sa aking nilutong <a href=”http://thewifeydiaries.blogspot.com/2009/08/lp-72-hapunan.html”Ginataang Sili

ang sarap na hapunan. pedeng pede din sa agahan, tanghalian, at merienda.
happy LP
Ummm sarap sarap naman nito! Ako minsan naglalagay pa ako ng kanin sa pancit. Hahaha.
Ang aking hapunan ay nakahain na po.
Mahilig din ako sa mga pansit. Isa yan sa palagi ko inu-order sa restaurant.
Ito naman ang sa aking HAPUNAN
ang galing – lahat pancit!
… nalulungkot ako at matatapos na ang Agosto – mawawalan na tayo ng litratong pinoy na pagkain ang tema… pero na-enjoy ko itong talaga!
nandito ang lahok ko… http://chicpinay.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-hapunan.html
pancit pampahaba ngbuhay. yum
eto naman po ung akin
Hapunan by the Bay

HAPPY HUWEBEST KA-LP
paborito ko ang pansit… ang galin gnaman nakagawa ka iba ibang klase… gugutumin ako sa pagbbloghop…
Nakakagutom ang larawan!! Lalo na’t halos alas-tres na ng hapon ay hindi pa ako nakakapananghalian
Nangungumusta lang po sa lahat. Pasensya na at isang buwan din yata akong nawala. Humihingi po ako ng paumanhin. Kinailangan ko lang po mag-attend sa isang family emergency kaya medyo matagal din po na hindi ako nakapag-blog.
Ang sakin naman ay 2-in-1, meryenda tsaka hapunan. Hehehe.
http://ybabie.com/2009/08/27/litratong-pinoy-meryenda-at-hapunan/
sarap ng pansit, puede rin iulam sa kanin yan
eto naman ang hapunan kong inihaw
ayos ka iska… kasama pati raw ingredients…
waaaw… ang sarrap naman ng pansit na yan.. nakakagutom tuloy..
heto po ang aking handog:)
http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/2009/08/lp-hapunan.html
Gusto ko rin ang pancit. Ang daling ipre-prepare at nakakabusog talaga. Gusto ko ang bihon guisado.
wow para pala laging nasa asian resto ka sa bahay nu. mukhang ang sasarap ng mga nasa larawan.
wow pancit, ang daming pansit panigurado hahaba ang buhay natin sa dami ng pansit
sorry late ako, romantic mode pa ako, heaven na heaven
http://agent112778.blogspot.com/2009/08/lp-72-hapunan-dinner.html
ako po ay may isa pang lahok na hapunan sa kabilang blog naman po. Pakidalaw mga ka-LP!
http://bragsimply.blogspot.com/2009/08/lp-72-hapunan.html
wow! pancit galore! sarappppp!
eto po ang aking lahok:
http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/08/lp-72-hapunan.html
masayang hapunan mga ka-LP!
let’s eat, pansit! lately, nahihilig na rin ako sa pansit. sarap.