LP 70: Tanghalian

August 13, 2009 by  
Filed under General

Magandang Huwebes sa inyong lahat, mga Binibini at Ginoo ng Litratong Pinoy! Narito na naman tayo para sa isang ‘nakakatakam’ na tema sa buwan na ito ng Agosto. Pero bago ang lahat ay nagpapasalamat po ako sa inyong interes sa atin bagong proyektong “Litratong Pinoy goes to!” (<<– sa mga hindi pa po nakaka-alam sa proyektong ito ay i-click lamang ninyo ang link) Sa mga nagtatanong po kung kailan maaring um-order muli ng tshirt, sa kasamaang palad po ay wala na sa Pilipinas ang ating in-orderan ng shirts. ONLINE PRINTING po ang isa pa nating maaring gawin. Ibibigay ko po sa inyo ang print design na ginamit sa mga naunang tshirts at ito po ang maari ninyong gamitin.
Sa katanungan naman po na kung pwede ay banner, poster or tarpaulin ang gamitin, pwede po! Lamang po ay gagawin nating unipormado kaya’t ang shirt print design din po ang ating gagamitin. Marami pong paraan kaya tiyak na makakasali ang lahat sa proyektong ito :)

Simulan na po natin. TANGHALIAN, yan ang ating tema.

Sa atin pong mga Pinoy na nasa ibang bayan, marami sa atin ay talagang miss na miss na ang mga lutong Pinoy, di po ba? Katulad ko po, kahit na medyo nakakapagluto ako ay hinahanap-hanap ko pa rin ang lutuin ng aking lola at ina. Napakasarap nilang magluto, lalo na ng lola ko. Kaya talaga naman ng makauwi nuong isang taon ay puro kain na lang yata ang ginawa ko. Alam ng aking pamilya sa Pilipinas kung gaano ko ka-miss ang Pinoy food kaya naman ang aking 2 kapatid na babae at nanay ay ipinagluto ako ng aking paborito. Lumpiang ubod, palabok at putopao (puto na may asado sa loob.) Naku sinabi ko sa inyo, halos maimpacho ako sa dami ng nakain ko!

Nais ko ring imbitahan kayo sa aking munting salo-salo sa araw na ito dahil hindi po ninyo naitatanong, kaarawan ko din ngayong Agosto 13. :mrgreen:

Sana po ay nagustuhan ninyo ang ating munting handa ;) Magandang araw ng LP sa inyong lahat!!

Comments

54 Responses to “LP 70: Tanghalian”
  1. arls says:

    ang sarap ng lumpiang ubod!!!!

    ito naman ang aking lahok sa linggong ito: http://sunshinearl.com/2009/lp-tanghalian-lunch/

    happy LP and happy birthday ate thess!!!!!

  2. karmi says:

    happy birthday Ate thess! =)
    waaa, palabok at puto!!! :D penge! hehehe..

  3. happy bertday wow sana may na tira pa, pwede pang i-fedEx yan. gusto ko lahat ng handa

    pa send naman po yung copy ng pix ng logo ng tshirt para po i can make a tarp or banner, kasi diba, maganda yung may banner na naka tshirt pa :D

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  4. Willa says:

    Sarap naman ng handa mo! Happy Birthday kumareng hilaw! :mrgreen:

  5. CES says:

    unang una…maligayang BATI!!!! mwah mwah gng. admin!:)gusto ko nyang lumpiang ubod!!:)

  6. Thess says:

    Tumanda na naman ng isang taon :razz: yummy lahat yan ha ha! salamat po sa pagbati! at Happy LP!

  7. CES says:

    di ata pumasok ang comment ko kanina…i said…maligayang bati sa ioy gng. admin! mwah mwah!!! and i miss lumpiang ubod!!! me want!

  8. wow, maligayang kaarawan! sarap naman ng handa! :mrgreen:

    wala akong official tshirt ng LP so siguro mag-improvise na lang ako in the future. ang galing ha…parang traveling pants…pero tshirt naman! :idea:

    http://fairywinkle.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy61-tanghalian-lunch.html

  9. leira says:

    eto po ang aking lahok sa linggong ito:

    http://mushings.com/?p=1128

  10. emarene says:

    hapi Berday :smile: ! para na rin tayong nag party sa mga litrato ng pagkain dito!

    Eto naman ang tanghalian ko http://thisrandomness.blogspot.com/2009/08/tanghalian-lunch.html

  11. jenany says:

    Happy Birthday Thess!!!

    Wait….Makikisalo rin ako sa kainan. Hintayin lang hehehe!!!!

  12. upto6only says:

    maligayang kaarawan po sa inyo. tamang tama talaga ang tema ngayon.

    eto naman po ang aking lahok: http://upto6only.com/2009/08/12/lp-tanghalian/

  13. an2nette says:

    Hapi birthday thess!! ang sarap naman ng handa mo, wishing u all the best sa buhay, nice lumpiang ubod shot, happy LP din

    Eto naman ang aking lahok http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian-lunch.html

  14. carnation says:

    ang sarap ng lahat! tiyak gugutumin na naman tayo ngayong araw sa katitingin ng mga pagkain. ito sa akin http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/08/lp-tanghalian-lunch.html

  15. rose says:

    huwaw.. nakakapglaway.!!
    happy birthday po sa ating Admin.. Many more years to come!!

    eto po ang sa akin
    http://revlutionmotion.com

  16. paborito ko yan.!!

    eto naman ang tanghalian ko
    http://thephotoblogger.com/

  17. Well says:

    Happy Birthday Thess! Libre naman jan! Hehehe!

    Wala talagang tatalo sa putaheng Pinoy. Ako rin mahilig sa lumpia! Lahat ng klase! Hehehe!

    Eto naman ang handa ko para sa kaarawan mo: Tanghalian

  18. Sassy Mom says:

    Ay ang sarap naman niyan. Gusto ko yung lumpia at ang puto.

    Andito naman ang aking handa.

  19. Sassy Mom says:

    Maligayang Kaarawan. Enjoy your special day!

  20. Lynn says:

    Happy, happy birthday! Gusto ko rin yang puto pao. :)

  21. Marites says:

    wow! ang sarap naman niyan! maligayang kaarawan sa iyo!

  22. peachkins says:

    Happy Birthday Thess!! ang sasarap ng handa dito!

  23. yami says:

    Uy sakto admin. Happy Birthday! Masarap ang lumpiyang sariwa lalo kapag kumpleto ang sahog nito at masarap ang sauce. Yum!

  24. Mauie says:

    Happy happy birthday po! Favorite ko yang lumpiang sariwa, kaya lang di masyado sa sauce at matamis.

    Eto naman ang aking tanghaliang lahok ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian-lunch.html

  25. ternski says:

    yum yum!!! nakaka-miss ang lumpiang sariwa sa pinas!!!

    heto naman po ang aking lahok:
    http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/2009/08/lp-tanghalian.html

    happy day!

  26. peachy says:

    gusto ko din ang lumpiang ubod. Magandang bati sa iyong kaarawan!

  27. maver says:

    magandang huwebes po sa inyong lahat at isang masayang pagbati sa iyo!

    eto po ang aking lahok:
    http://maver.wifespeaks.com/2009/08/lp-70-tanghalian.html

  28. Marites says:

    maligayang kaarawan sa iyo! ang sarap naman ng handa mo :)

  29. luna miranda says:

    wow, favorite ko ang lumpiang ubod! lalo na yong gawa sa bacolod. :razz:

    i posted my “tanghalian” in advance, buti na lang may free internet access sa hotel ko sa Atlanta. :smile:

  30. iska says:

    yummy! sarap ng handa mo gusto ko sila lahat :-)
    hapi berdey po!

  31. Sana matutunan ko paano niluluto ang sarsa ng lumpiang ubod!

    Happy birthday, Thess!

    Ang aking lahok ay nakahain na, kainan na!

  32. bang says:

    Ang sasarap ng mga pagkaing ito. Lalo na ang pancit malabon!

    Ito naman ang aking tanghalian: http://sweetbitesbybang.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian-lunch-halaan/

  33. Rico says:

    Sakto ah! Maligayang bati sa iyo! Tiyak kong gugutumin ako sa paglilibot! Heto naman po ang lahok ko
    http://bahay-bahayan.com/archives/1250

  34. Cookie says:

    Maligayang Bati…at napakasarap naman ng iyong handa!! Sana ay maimbitahan ako minsan sa iyong salo-salo :D

    http://scroochchronicles.com/?p=1859

  35. Ken says:

    Happy Birthday! Maligayang Kaarawan sa iyo!

    Good stuff!

  36. Maligayang bati sa iyo, mahal! Naks! ;-) Marami na akong utang sa LP kaya naman sinikap kong makasali ngayong linggong ito. :)

  37. Dinah says:

    wow, sarap ng handa. nakakagutom talaga!

    heto naman ang aking masarap ng tanghalian

  38. Maligayang kaarawan sa iyo! Ang sarap ng lumpia, pansit at puto!

    Inaanyayahan ko rin kayong mananghalian sa aking blog.

  39. babie says:

    Maligayang Kaarawan! Ito ang aking tanghalian ngayong araw na ito. :)

  40. babie says:

    pasensya na nakalimutan ko ilagay ang link. hehehe. :roll:

    http://ybabie.com/2009/08/13/litratong-pinoy-tanghalian/

  41. yeye says:

    kaya pala ang sarap ng mga pagkain……

    HAPPY BIRTHDAY ADMIN!!! :D

  42. lino says:

    HAPPY BIRTHDAY!!! :mrgreen: tsalap naman nyan…
    dito naman ako kumain ng lunch, nilibre lang ako ng friend ko…
    http://linophotography.com/lunch/
    .-= lino´s last blog ..lunch… =-.

  43. Ria says:

    wow!!! ang sasarap naman!!! gusto ko nung lumpia!!! happy birthday po!

    nilagay ko po ang lahok ko ngayong linggo sa food blog ko :-) http://onadietdaw.blogspot.com/2009/08/kain-na-lets-eat.html
    .-= Ria´s last blog ..Kain Na!!!! (Let’s Eat!!!) =-.

  44. ian says:

    ang sasarap ng mga lahok sa linggong ito. kung pwede lang dilaan at kagatin ang screen hehehe

    maligayang kaarawan, minamahal na tagapangasiwa ng LP! pagpalain ka pa nawa sa lahat ng iyong mga mithiin sa buhay!
    .-= ian´s last blog ..Litratong Pinoy: TANGHALIAN (Lunch) =-.

  45. missy says:

    Waaa ang sarap nyan!!! gusto ko ihanda sa birthday ko.

    Maligayang araw ng LP sa inyong lahat….at para sa ating ADMIN…ISANG MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO!!!!

    *hugs*
    .-= missy´s last blog ..LP: Tanghalian =-.

  46. shie says:

    Maligayang kaarawan! ang sarap ng handa :D

    meron na rin akong tanghalian, sana mabisita nyo!
    .-= shie´s last blog ..Litratong Pinoy : TANGHALIAN =-.

  47. galing naman, marunong sila gumawa ng putopao? parang ang hirap ah
    .-= HiPnCooLMoMMa´s last blog ..Tanghalian: 49th Litratong Pinoy =-.

  48. Joy says:

    Nung huli ko ring uwi sa atin, puro kain ang ginawa ko. Lahat ng hindi ko nakakain dito, nilasap ko talaga dun.

    Ito po ang lahok ko para sa linggong ito at nung huling linggo.
    Magandang araw!
    .-= Joy´s last blog ..LP: Almusal at Tanghalian (Breakfast & Lunch) =-.

  49. rache says:

    ito po ang aking lahok para sa litratong pilipino – tanghalian.
    nakakagutom!
    masarap nga ang mga pagkaing pinoy!
    .-= rache´s last blog ..Wordless & Wordful Wednesday – Two Lovers Point! =-.

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa ika-70 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tanghalian. Ang litrato ay kinuhanan gamit ang aking celphone. Alamin kung anung kinakain ng iba pang miyembro [...]

  2. [...] Nakakabusog, hindi ba? Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Tanghalian. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge