LP 70: Tanghalian

August 13, 2009 by admin  
Filed under General

Magandang Huwebes sa inyong lahat, mga Binibini at Ginoo ng Litratong Pinoy! Narito na naman tayo para sa isang ‘nakakatakam’ na tema sa buwan na ito ng Agosto. Pero bago ang lahat ay nagpapasalamat po ako sa inyong interes sa atin bagong proyektong “Litratong Pinoy goes to!” (<<– sa mga hindi pa po nakaka-alam sa proyektong ito ay i-click lamang ninyo ang link) Sa mga nagtatanong po kung kailan maaring um-order muli ng tshirt, sa kasamaang palad po ay wala na sa Pilipinas ang ating in-orderan ng shirts. ONLINE PRINTING po ang isa pa nating maaring gawin. Ibibigay ko po sa inyo ang print design na ginamit sa mga naunang tshirts at ito po ang maari ninyong gamitin.
Sa katanungan naman po na kung pwede ay banner, poster or tarpaulin ang gamitin, pwede po! Lamang po ay gagawin nating unipormado kaya’t ang shirt print design din po ang ating gagamitin. Marami pong paraan kaya tiyak na makakasali ang lahat sa proyektong ito :)

Simulan na po natin. TANGHALIAN, yan ang ating tema.

Sa atin pong mga Pinoy na nasa ibang bayan, marami sa atin ay talagang miss na miss na ang mga lutong Pinoy, di po ba? Katulad ko po, kahit na medyo nakakapagluto ako ay hinahanap-hanap ko pa rin ang lutuin ng aking lola at ina. Napakasarap nilang magluto, lalo na ng lola ko. Kaya talaga naman ng makauwi nuong isang taon ay puro kain na lang yata ang ginawa ko. Alam ng aking pamilya sa Pilipinas kung gaano ko ka-miss ang Pinoy food kaya naman ang aking 2 kapatid na babae at nanay ay ipinagluto ako ng aking paborito. Lumpiang ubod, palabok at putopao (puto na may asado sa loob.) Naku sinabi ko sa inyo, halos maimpacho ako sa dami ng nakain ko!

Nais ko ring imbitahan kayo sa aking munting salo-salo sa araw na ito dahil hindi po ninyo naitatanong, kaarawan ko din ngayong Agosto 13. :mrgreen:
[book id='2' /]

Sana po ay nagustuhan ninyo ang ating munting handa ;) Magandang araw ng LP sa inyong lahat!!

Comments

54 Responses to “LP 70: Tanghalian”
  1. admin says:

    Maraming maraming salamat po sa lahat ng bumati…pasensha na kayo at sa Linggo pa po ako makakadalaw sa inyo. :grin:

  2. ohmygums says:

    maligayang kaarawan…medyo late na pero nakahabol pa rin :)

    Naalala ko ang GOLDILOCKS sa mg litratong ito… yan din ang mga paborito ko.

    “http://ishotthese.blogspot.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian.html”>Ito ang Lahok ko

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa ika-70 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tanghalian. Ang litrato ay kinuhanan gamit ang aking celphone. Alamin kung anung kinakain ng iba pang miyembro [...]

  2. [...] Nakakabusog, hindi ba? Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Tanghalian. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled