LP 69: Almusal
August 6, 2009 by admin
Filed under LP entries
muesli with chocolate pieces and hazelnuts on cherry yoghurt
Kayo ba ay nag-aalmusal sa araw-araw? Anu-ano ang mga paborito mong kainin tuwing almusal? May oras ka pa bang umupo sa hapag kainan kasama ng iyong pamilya sa umaga para kumain?
Sa pagkakaalam ko, dahilan sa pagbabago ng sistema natin ng pamumuhay ay tipong ang pag-aalmusal ay kasama na rin sa nabago para sa ibang pamilya. Kung dati ay masayang simula ng araw ang makasalamuha ang pamilya sa umaga, ngayon ay tipong nagmamadali na lang lagi kaya’t pati ang maayos na pagkain sa umaga ay tipong hindi na mahalaga. Sabi nga nila, ang almusal ang pinakaimportanteng meal sa buong araw. Totoo pa ba ito?
Note: May bahid ng kalungkutan ang ating LP sa Huwebes na ito dahil alam naman po nating napasabay ang libing ng ating dating pangulong Cory Aquino. Naiintindihan po ng LP kung mahirap para sa iba sa atin ang sumali sa araw na ito. Sa atin naman pong mga kasamang nagseselbra ng kanilang kaarawan, isang Maligayang bati po! Nawaý maging makabuluhan ang inyong kaarawan sa taon na ito. Pagpalain po kayo ng Panginoon.
ANJ: 1 | CReyes: 3 | Ces: 5 | Iska: 7 | Jules: 11 | Thesserie: 13 | Ruthie: 19



maraming salamat sa pagbati!
ang kalimitang almusal ko ngayong mga nakaraang linggo ay kamukha nyan. cereals ng anak ko! pasensya na, hindi ako nakapapaghanda ng Lp pero tamang tama pala ang post ko ngayon dahil almusal ko it kahapon
ang sarap niyan!
huli na naman ako kaya wala na naman akong naabutang almusal!