Bagong proyekto: "Litratong Pinoy goes to…"
August 11, 2009 by admin
Filed under General, LP entries
Ano po itong “LITRATONG PINOY goes to…” ? Ito po ang ating bagong ‘proyekto’! Hindi po ito meme bagkus ay isang feature po na inyong matutunghayan tuwing Martes dito sa ating website.
PAANO: Kung mayroon kang LP tshirt ay inaanyayahan kang gamitin mo ito upang ipakita ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas, sa Amerika, sa Canada, o kung saan ka man nandoon. Atin din pong hangad na maipakita o maipamalas ang lawak ng ating samahan.
Suot o hawak ang tshirt gaya ng nasa una at huling larawan ay maaring gawin. Maaring ikaw ang nasa litrato o maari ka ding gumamit ng modelo.
SAAN: Iyong ipaalam kung saan ang lugar na ito.
Magkuwento (maigsi man o mahaba) tungkol sa lugar na iyong ipinapakita.
“The Netherlands is famous for its windmills. Today there are still more than 1.000 mills. Nowhere in the world you will find as many windmills as near (the Dutch village) Kinderdijk. Around 1740 no less than 19 sturdy mills were built here. They have been well preserved to the present day.
The mills drain the excess water from the Alblasserwaard polders – which are situated below sea-level – after which the water is sluiced into the river Lek (the Rijn).
The powerful mill sails serve to transmit the force of the wind on to large paddle-wheels which scoop up the water. Nowadays power-driven pumping engines do the job, including one of the largest water screw pumping-stations in Western Europe.
The foundation “Wereld Erfgoed Kinderdijk” maintains and preserves the windmills in Kinderdijk.
The preservation is not limited to the windmills themselves, but also covers the area in which the windmills are situated. The foundation makes use of funds from the government and the members of the foundation each contribute to the cost of maintenance. Additional sponsoring should take care of reducing the backlog of repairs.
In 1997 the mills of Kinderdijk were put on the World Heritage List of UNESCO.”- source
Ang Kinderdijk ay bukas para sa lahat. Sikat ito sa mga turista! Gaya ng nakasulat sa itaas ay dito mo makikita ang labingsiyam (19) na windmills na sa loob ng 269 taon ay hindi lamang preserbado kungdi gumagana pa! Mayroong isang windmill na sa maliit na halaga ay maaring pasukin ng mga bisita.
Mayroon ding canal tour dito. Kung nais mo makita ang mga windmills (na hindi naglalakad) ay magandang paraan ang canal tour. May mga dumadalaw din sa Kinderdijk sa pamamagitan ng bisikleta.
- lahat ng litrato sa itaas ay kinuha habang nagtatakip-silip -
Gamitin muli ang iyong t-shirt! Hindi lamang isang beses ka maaring sumali sa proyektong ito. Kung iyong nais na ipakita ang iba’t-ibang lugar na iyong dinadayo ay maari. Huwag lamang pong kuha sa mga lugar na gaya malls o pubs.
Ano pa ang hinihintay mo, ipakita mo ang iyong lugar! Ipakita mo kung nasaang parte ka ng ating mundo!
Ipadala ang iyong mga litrato sa :
litratongpinoy@gmail.com
ADDED:
Downloadable shirt/banner/tarp design, simply click images for larger resolution. Right click then save.










Bravo!!! Kakatuwa talaga at kasama mo ang iyong irog sa litrato! Very appropriate nga na windmills, ito kasi ang pumapasok sa isip ko agad pag sinabing Netherlands, bukod sa tulips!
Fun Tuesdays ahead…thanks Ms. Admin!
HUWAW!!!! swit!!! Sino kaya itong uber-swit na magjowa, hmmm…..sali ako,teka, bibilhan ko muna ng t-shirt yung 2 kong bata para sila ang aking magiging model.
eksited naman ako!
Litratong Pinoy goes global. Magandang project ito, admin. Sayang lang wala pa akong LP tshirt at malapit lang ako kyusi lang, hehe. Sabagay maraming places sa kyusi ang di pa gaanong nai-explore.
Ms. Yami..kahit i-print mo lang ang design sa bondpaper, pwede na
wala pa akong tshirt kaya yung travel pix ko walang LP shirt
(
(
pwede po bang poster/banner/tarpulin
danganda!!!
excited na ako sa shirt ko! woohoo!!
miss admin.
pwede ba yung suggestion ni jay?
wala po akong tshirt eh.
and kelan ba ulit pwdeng mag oorder ng tshirt?
Ms. Rose, i-print mo na lang yung design sa bondpaper
Ay bongga! Ang galing at exciting ng idea na ito.
maka byahe na nga para ma-feature dito heehee
punta ako holland!
saan ba makakanenok ng Tshirt???
yehey madami kami mapupuntahan !!! pipicture-an pa!!!
sakto po, makukuha ko na ung LP shirt ko galing kay Arvin!
yay! hehehe.. makasali nga.. =)
nice! kakatuwa naman ito. mukhang mapapabili din ako ng t-shirt hehehehe
weeeh! gusto ko iyan kaso ayokong makita mukha ko palagi hehehehe! sasali pa rin siyempre:)
ay maganda ito. pwede na po bang umorder ng tshirt?
hmmm, san kaya next na lakad ko?… makasali nga minsan
eksayting ito! nakapunta na ako sa kinderdijk noon 2003 kaya wala pa ang litratong pinoy noon. sige sa ibang places na lang.
I love this! Excited na ako sa aking next travel adventure suot ang aking LP shirt!
Admin, pwede po bang mag-request na lang ng design ng t-shirt gaya ng nabanggit niyo? Excited na akong magpa-print. Salamat po.
admin,
gaya kay yami – puede humingi ng design– excited na kasi akong mag suot ng t-shirt o di kaya gumawa ng banerette (small banner) para sa mga lakwatsa ko…
maraming salamat!
Paki download na lang ang design, ini-add ko na lang sa hulihan ng post na ito para available agad para sa lahat.
Yami hello, paki download na lang ang design, ini-add ko na lang sa hulihan ng post na ito para available agad sa lahat.
Emarene hi,
paki download na lang ang design, ini-add ko na lang sa hulihan ng post na ito para available agad sa lahat.
Admin, ok na na-save ko na shirt design. Maraming salamat po.
.-= yami´s last blog ..FTF: Homemade Spanish Sardines =-.
ok lang po ba kung walang modelo at walang tshirt? kasi marami po akong littrato ng mga lugar. sana pwede po.
.-= The Explorer´s last blog ..Kubo (Nipa Hut) Style Restaurant =-.
salamat po sa image!
.-= Willa´s last blog ..PH#33: Artificial =-.
Hello Explorer. Pasensya ka na pero hindi pwede na lugar lang ang ipapakita mo. Lahat naman tayo ay may mga litrato ng mga lugar na narating natin pero ang kaibahan ng proyektong ito ay ang maipakita na talagang narating ang mga ito ng LP members sa pamamagitan ng pagpapakita na suot ang LP tshirt or dala ang banner/tarp/poster.
Pwede mo i-download ang disenyo at i-print kahit sa bondpaper, maari mo itong gamitin bilang maliit na banner sa iyong mga future trips. Bawal din na i-photoshop ang mga litrato, na patungan ito ng LP print design.
Sana ay nasagot ko ng mabuti ang iyong tanong.
ayos to…
.-= lino´s last blog ..tanghalian…lunch =-.
maganda rin talaga ang netherland, i’ve been to amsterdam with my daughter five years ago, nice photos pati si hubby naka LP t-shirt, sayang walang magkasya sa husband ko, 6XL kasi ang size niya
.-= an2nette´s last blog ..Meet Cha Cha =-.
will submit an entry for this the next time i will have the chance to travel. been to places before but wala pa kasing LP nun.
I think “LP Goes to…” is a great idea!
.-= Arlene´s last blog ..LP – Haponan (Dinner) =-.
Super “kewl” project ito, Ms Admin – galing! Problema ko lang kung paano ipakita yung LP shirt sa labas ng abaya… waaahhh!!!
.-= Pinky´s last blog ..LP #78: Tamad =-.
i already love your hometown tita thess
wala akong shirt, hehe. di bale, in more ways than one, pwede pa rin ipromote ang LP
.-= iris´s last blog ..these kids… =-.