LP 69: Almusal

August 6, 2009 by admin  
Filed under LP entries

almusal

muesli with chocolate pieces and hazelnuts on cherry yoghurt

Kayo ba ay nag-aalmusal sa araw-araw? Anu-ano ang mga paborito mong kainin tuwing almusal? May oras ka pa bang umupo sa hapag kainan kasama ng iyong pamilya sa umaga para kumain?

Sa pagkakaalam ko, dahilan sa pagbabago ng sistema natin ng pamumuhay ay tipong ang pag-aalmusal ay kasama na rin sa nabago para sa ibang pamilya. Kung dati ay masayang simula ng araw ang makasalamuha ang pamilya sa umaga, ngayon ay tipong nagmamadali na lang lagi kaya’t pati ang maayos na pagkain sa umaga ay tipong hindi na mahalaga. Sabi nga nila, ang almusal ang pinakaimportanteng meal sa buong araw. Totoo pa ba ito?

Note: May bahid ng kalungkutan ang ating LP sa Huwebes na ito dahil alam naman po nating napasabay ang libing ng ating dating pangulong Cory Aquino. Naiintindihan po ng LP kung mahirap para sa iba sa atin ang sumali sa araw na ito. Sa atin naman pong mga kasamang nagseselbra ng kanilang kaarawan, isang Maligayang bati po! Nawaý maging makabuluhan ang inyong kaarawan sa taon na ito. Pagpalain po kayo ng Panginoon.

ANJ: 1 | CReyes: 3 | Ces: 5 | Iska: 7 | Jules: 11  | Thesserie: 13  | Ruthie: 19

Comments

55 Responses to “LP 69: Almusal”
  1. iska says:

    maraming salamat sa pagbati! :-)

    ang kalimitang almusal ko ngayong mga nakaraang linggo ay kamukha nyan. cereals ng anak ko! pasensya na, hindi ako nakapapaghanda ng Lp pero tamang tama pala ang post ko ngayon dahil almusal ko it kahapon :-)

  2. marster says:

    ang sarap niyan!

    huli na naman ako kaya wala na naman akong naabutang almusal! :smile:

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] tema para sa Litratong Pinoy ngayong linggong ito: kumuha ng isang picture na naglalarawan ng almusal o [...]

  2. [...] inyong almusal ngayong maulan na Huwebes?  Halina’t tinganan natin ang ibang lahok ng ibang LP You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave [...]

  3. [...] Nakakabusog, hindi ba? Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Tanghalian. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled