Jul 302009
 

Patapos na ang buwang Hulyo, kay bilis ng panahon ano po?! Kumusta na kayo mga kasama?! Isa na namang Huwebes ng kasayahan sa Litratong Pinoy. Muli ay pinapasalamatan ko po KAYONG LAHAT na walang sawang itinataguyod ang ating munting samahan. Hindi nyo lang alam ay nag uumapaw (ang lalim, whew!) ang saya sa aking puso (peksman, totoo po yan!) dahil sa inyong lahat, sa pagmamahal ninyo sa Litratong Pinoy. Napansin nyo ba nang magsimula ang Litratong Pinoy ay hindi na ‘corny‘ gamitin ang ating wikang Tagalog kapag nag-iiwan tayo ng komento sa mga iba’t-ibang blogs? Nakakatuwa, hindi po ba?! Sa munting paraan ay ating naitataguyod ang ating pagiging Pilipino. :=)

O sya, baka kung saan mapunta pa ang isinusulat ko. Sa Huwebes po na ito ay mayroon tayong panauhing litratista, si Bb. Marites. Kaya’t halina kayo, umpisahan na natin ang kasayahan!

————————————————–

Unang-una, isang malaking pasasalamat kay Bb. Admin sa tiwalang ibinigay sa akin para maging panauhing litratista. Isang napakalaking karangalan po ito para sa akin. Ito po ay isang magandang pangarap na hindi ko inakalang magkakatutuo ngayong taon na ito.

Ilang taon na rin akong nakikigulo ehe! nakikisaya pala sa pagdaos ng Pista ng Kadayawan. Makulay, masaya, maingay, magulo at laging maraming pagkain sa selebrasyon na ito na nangyayari tuwing ikatlong linggo ng Agosto taun-taon.

Habang nagdaraan ang mga taon ay parami ng parami ang nakikisaya kaya nasanay na rin akong makakita ng pagdami ng nagbibigay ng proteksiyon. Lahat yata ng pulis, sundalo at bombero ng aming lungsod at mga karatig-bayan ay sama-sama sa pagpoprotekta sa lahat ng nakikisaya; siyempre, kasali pa iyong mga taong nag-boluntaryo sa pagtulong para sa maganda at maayos na selebrasyon ng Kadayawan.

kadayawankids2a

Nakikita sila maski saan at mas marami yata sila sa parada ng mga bulaklak at “Indak-indak sa Kadalanan”. Minsan tuloy, napagkakamalang dekorasyon sila kasama ng mga bulaklak o partisipante sa pagsayaw.

kadayawankids1a

Kita ninyo naman ang mukha ng bata, mukhang takot na sa ka-indak nilang sundalo. Kailangan kasi na andon sila sa malapit. O hindi kaya takot silang lahat sa litratista?

  54 Responses to “LP 68: Proteksyon”

  1. Hello mga ka-LP, late na ako pero still humabol can’t miss this fun activity every Thursday.

    Bb. Marites, parang nakakaasiwa ang may sundalong nakabantay pero sa isang banda mabuti na ang nandun sila at sigurado na protektado ang mga nakikisiya sa event sa kung anumang banta ng kaguluhan.

    Admin, may puntos ka sa sinabi mo na hindi na korni ang pagiwan ng Tagalog na komento sa blog ng bawat isa. Sa sarili wika natin pa mas maipapahayag ang ating iniisip at nararamdaman.

  2. ang saya!!! malaki dapat ang pasasalamat natin sa mga sundalo, pulis at iba pang nagbibigay proteksyon sa atin lalo na sa mga okasyong ganyan…ang init siguro ng suot nila ngunit andyan pa rin sila.

    late uli ako pero andito!!! http://www.yapatoots.com/2009/07/panlaban-kay-mr-sun-protection-from-mr.html

  3. congrats sa magagandang litrato, Marites. para na rin akong nakadalo sa Kadayawan festival.

    eto naman ang aking lahok para sa linggong ito:
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon.html

  4. [...] Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Proteksyon. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito. [...]

 Leave a Reply

(required)

(required)

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge