LP 67: Nakakakilabot
July 23, 2009 by admin
Filed under LP entries
Ang Colonial Williamsburg ay mahigit 300-taong gulang na. Napangalagaan ang buong komunidad pati mga gusali at bahay upang maging sikat na pasyalan sa Virginia. Makasaysayan ang lugar na ito sa Amerika sapagkat ito ang isa sa mga naging sentro ng pagpupulong ng mga nagpundar ng Independensya ng bansang Amerika tulad nina Thomas Jefferson, Patrick Henry at iba pa…. Narito ang ilang mga larawan na kuha ko sa huling bisita namin. Ang lumang kapitolyo, ang sikat na Kolehiyo ng William and Mary at iba pang mga bahay.
At dahil may katandaan na ang lugar, tinatawag din itong Ghost Town. Narito ang isa sa mga kahindik-hindik na kwento tungkol sa lugar na ito. Sinasabi ng marami na mag-ingat sa pagmamaneho papunta sa lugar na ito tuwing gabi dahil maraming aksidente na ang nangyari dahil sa mga kakilakilabot na nakikita at maaring makita sa daan.
Ako nga pala si Something Purple, ang nahilingang maging panauhing litratista para sa temang ito. Sana ay naibigan ninyo ang kakila-kilabot kong lahok. Awwwoooooo…








takot ako!
heto ang dating nakakakilabot sa akin…
kakatakot nga…naku na-busy ako past 2 weeks, actually nagtravel dyan sa pinas pero walang oras sa net…
nakakatakot naman