Blogroll CLEANUP!

July 25, 2009 by  
Filed under General, News & Updates

Magkakaroon po tayo ng mid 2009 blogroll cleanup kaya nananawagan po ako sa mga miyembro na interesado pa na sumali (max 2x/month) at manatili  sa ating listahan na kung maari ay  iwan lang ninyo ang inyong pangalan (iyun pong mismong ginagamit nyo sa ating blogroll) at blog link/s sa ating comment section. Ito po ay para ikumpirma lamang ang inyong interes.

Kung mapapansin po ninyo ay may mga hindi na aktibong miyembro sa ating listahan. Ang iba sa kanila ay ipinagbigay alam ang kanilang pansamantalang pagliban subalit may mga miyembro naman na halos lagpas na sa kalahating taon ang pagliban at hindi po tayo nakakasigurong may interes pa sila. Gaya po ng nakasaad sa ating kasunduan, may karapatan ang inyong lingkod na alisin sa listahan ang hindi susunod sa ating patakaran. Hindi po tayo nag-aalis ng basta basta sa listahan bagkus ay nagbibigay ng maraming buwang palugit, subalit sa kasamaang palad ay kinakailangan po nating  maglinis ng ating blogroll sa tuwina. Hindi naman po nangangahulugan na hindi na maaaring bumalik pa ang maaalis, syempre po ay pwedeng pwede pa rin basta po gawin natin ang ating makakaya na tumupad sa kasunduan.

‘It’s not the quantity but QUALITY that counts’ Hindi po bilang ng miyembro kundi kalidad ng miyembro ang importante sa Litratong Pinoy. Katunayan ay kahit 10 miyembro na lang ang natitira basta’t nag e-enjoy pa rin sa grupong ito ay ipagpapatuloy natin ang L.P.!

Kaya’t hinihiling ko po sa inyo na tulungan ninyo akong linisin ang ating blogroll. Muli sa mga interesado, iwan lamang ninyo ang inyong pangalan at blog link/s. Kung may mga kilala naman kayo sa ating mga non active members ay maari din ninyo silang muling imbitahan. Matapos ang isang buwan (Hulyo) ay sisimulan natin ang cleanup. Maraming salamat po!

-admin

Comments

103 Responses to “Blogroll CLEANUP!”
  1. iska says:

    Interesadong interesado po, admin! :-)

    iska’s last blog post..Auckland’s Wet Winter

  2. Joy says:

    Interesado pa rin po. Naging absent po pero balik na ulit ako. Salamat.

    blog: http://tanjuakiohome.blogspot.com

    Joy’s last blog post..My Seal of Approval

  3. Yami says:

    Sigurado po na interesado ako dangan nga lamang na madalas po ang aking pagliban dahil sa pagkakasakit ko.

    Yami’s last blog post..Top 10 EIB nomination: Thank You!

  4. Arlene says:

    thanks for the message at facebook. Please still count me in, Madam Admin.

    arlene

    Arlene’s last blog post..LP – Basa {Wet}

  5. libay says:

    Present!… busy lang po sa iskul. Pramis babawi.

    libay’s last blog post..some Basic

  6. Zee says:

    present din ako Miss Admin! :)

    Zee’s last blog post..Friday Memes: Classic Cheesecake

  7. MommyBa says:

    interesado pa rin po. busy lang po sa pang araw-araw na buhay. maraming salamat!

    MommyBa’s last blog post..Crafts and money

  8. ana says:

    wag po nyo ako alisin. mahal ko po ang litratong pinoy. :-)

  9. toni says:

    interesado pa rin po ako. magpopost ako ulit sa susunod na linggo. pasensya po sa pag-absent!

    http://www.wifelysteps.com

    toni’s last blog post..10 Gifts for your Pregnant Self (or Pregnant Friend)

  10. Jim says:

    still in, just a bit busy these days. :smile:

    Jim’s last blog post..Natural Darwin Sunset

  11. marlster says:

    kasali pa rin ako. medyo busy lang pero pinipilit ko namang makasali at least twice a month. :wink:

    marlster’s last blog post..puno

  12. celiaK says:

    Dear admin,

    Sige tanggalin mo na muna ako sa blogroll. Mag apply na lang uli ako kapag magkaroon uli ako ng time na gawin ito. Sa ngayon talagang marami ako masyadong jina-juggle sa aking life-life :roll: . Maganda ang tinayo mong grupong ito sana’y iyong ipagpatuloy. :cool:

    celiaK’s last blog post..LP 34: Madumi (Dirty)

  13. Interesado p po ako. Ang dati ko pong url eh http://silentprincess.philanime.com, ngayon po eh http://www.thesilentprincess.com

    SilentPrincess’s last blog post..Coconut-based Products

  14. Jannesse says:

    interesado pa po akong sumali. Inilista ko na ang mga susunod na tema sa aking kalendaryo. Pasencya na po sa pag-aabsent.

    Jannesse – The Wifey Diaries

    Jannesse’s last blog post..Snippets…

  15. RoseLLe says:

    nagnanais mapabilang…salamat po!

    http://manillapaper.com
    http://livinginaua.com

    RoseLLe’s last blog post..Hillsong Conference 2009

  16. Eds says:

    I’m here sis! still alive and kicking heheh :)

    Eds’s last blog post..Is Flirting a Habit?

  17. Mahalia says:

    Ilang litrato na po ang aking na isumite ngunit di ko pa rin po alam kung papaano maging kasali sa blog roll. Pwede pa po bang magpalista?

  18. Sali pa rin ako! Although mawawala ako in the upcoming weeks, pero babalik pa rin. :lol:

    fortuitous faery’s last blog post.."Drop Dead Diva" is Deviously Delightful!

  19. Noreen says:

    sasali pa din ako! :)

  20. upto6only says:

    im still here and would love to be a member of LP :)

    upto6only’s last blog post..PhotoHunt: Garbage

  21. Marites says:

    gusto ko pa ring sumali. labs ko ang LP!

    Marites’s last blog post..Ruby Tuesday#8 Prayer Mountain

  22. rose says:

    present..! (sabay taas ng kamay)
    :)

    rose’s last blog post..michael jackson ghost

  23. betchay says:

    join pa po ako

  24. bang says:

    ay sali pa din ako….di naman ako 6 months na nawawala… :mrgreen:

    bang
    http://www.sweetbitesbybang.com

    bang’s last blog post..Sautéed Shrimp with wine, mushrooms and cheese

  25. kathycot says:

    hello! pasencia na sa aking mga pagliban.. ju-join pa din ako :D

    http://whenmomspeaks.com
    http://www.walkonred.com
    http://www.koolstory.com

    salamat!

    kathycot’s last blog post..Dora Clothing Sale!

  26. Aggie says:

    Gusto ko pa din sumali. Kaso pwede ba ako magpalit ng blog?

    From http://www.aggietha.com to http://www.mbaviso.com/aggie?

    Thanks!

    Aggie
    http://www.mbaviso.com/aggie

    Aggie’s last blog post..Eyes and Eyeglasses

  27. teys says:

    pasensya na po bb. admin gusto ko pa din sumali :oops:

    teys’s last blog post..Standing in the Gap-Are you willing?

  28. ternski says:

    Hello! sorry po sa late response…

    may exams po ako this past 3-4 weeks..

    pero present pa rin po ako! =)

    ternski’s last blog post..LP – Alam mo ba

  29. Lizzieness says:

    interesado po ako. salamat po mga mam and sir!

  30. toni says:

    ms admin, nais ko pa din pong sumali. http://paulandtoni.com salamat :smile:

    toni’s last blog post..Litratong Pinoy: Basa at Tuyo

  31. Well says:

    interesado po ako. salamat ng marami!

    http://sundaymadness.blogspot.com/

  32. ruthay says:

    Nagpaparamdam po!

    I’m back in the game. Got a digital cam now! YESH!

    ruthay’s last blog post..Most Hazardous Job Street

  33. Rico says:

    Gusto ko pa rin pong manatili sa LP!

    Rico’s last blog post..Happy wife = Happy life

  34. sassy mom says:

    I know that I already commented pero may changes po kasi I got my domain name na, so here\’s my new url: http://www.sassymomscorner.com/
    and my new email as well : salen@sassymomscorner.com

    sassy mom’s last blog post..Isn’t he sweet?

  35. Nortehanon says:

    Will be honored to still be included sa talaan ;)

    http://nortehanon.com

    Nortehanon’s last blog post..I am Back!

  36. ibyang says:

    hello admin,
    gusto ko pa ring makisali sa paglahok sa LP. :)
    salamat!

    ibyang
    http://awifescharmedlife.blogspot.com

    ibyang’s last blog post..Aroma Festival 2009

  37. Pinky says:

    Still in :) Medyo di lang masyado regular ang aking participation hanggang September dahil on home leave kaming mag-anak… :)

    Pinky’s last blog post..SSS #161: For the First Time…

  38. luna miranda says:

    present!

    teka, next month pala baka mag-aabsent ako…but i’ll do my best to post pa rin.

    luna miranda’s last blog post..Wishes – Watery Wednesday

  39. ian says:

    interested at interesting po ako (haha)

    http://safarisogood.blogspot.com

    ian’s last blog post..Monochrome Monday: GANDHI

  40. missy says:

    pareho pa rin ang aking blog…mejo naging busy kaya konting updates pero magiging aktibo po ulit!!! nawa’y manatili pa ko sa listahan
    :D

  41. Ria says:

    ako game na game pa rin! dito pa din po sa yapatoots.com :-)

  42. babie says:

    Sasali pa rin po ako. Naging busy lang nung mga nakaraang linggo. :lol:

  43. dang says:

    gusto ko pa rin pong sumali. talaga lang pong sobrang busy! harinawang makagawa na ako ng aking lahok sa darating na buwan!
    salamat po!

  44. Agring says:

    Sasali pa rin po ako. I know madalas aking absent pero I try not to this time! Salamat po!

  45. interesado pa din ako. pasensya na pero talagang ngarag sa trabaho. ilang linggo na nga akong di nakakapag tanghalian dahil sa dami ng utos. :( pasensya na po. susubukan ko talaga na makilahok kahit 2x kada buwan, simula ngayong agosto.

  46. pasensya na, bunnygirl pala ang gamit kong pangalan dito. :(

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge