Blogroll CLEANUP!
July 25, 2009 by admin
Filed under General, News & Updates
Magkakaroon po tayo ng mid 2009 blogroll cleanup kaya nananawagan po ako sa mga miyembro na interesado pa na sumali (max 2x/month) at manatili sa ating listahan na kung maari ay iwan lang ninyo ang inyong pangalan (iyun pong mismong ginagamit nyo sa ating blogroll) at blog link/s sa ating comment section. Ito po ay para ikumpirma lamang ang inyong interes.
Kung mapapansin po ninyo ay may mga hindi na aktibong miyembro sa ating listahan. Ang iba sa kanila ay ipinagbigay alam ang kanilang pansamantalang pagliban subalit may mga miyembro naman na halos lagpas na sa kalahating taon ang pagliban at hindi po tayo nakakasigurong may interes pa sila. Gaya po ng nakasaad sa ating kasunduan, may karapatan ang inyong lingkod na alisin sa listahan ang hindi susunod sa ating patakaran. Hindi po tayo nag-aalis ng basta basta sa listahan bagkus ay nagbibigay ng maraming buwang palugit, subalit sa kasamaang palad ay kinakailangan po nating maglinis ng ating blogroll sa tuwina. Hindi naman po nangangahulugan na hindi na maaaring bumalik pa ang maaalis, syempre po ay pwedeng pwede pa rin basta po gawin natin ang ating makakaya na tumupad sa kasunduan.
‘It’s not the quantity but QUALITY that counts’ Hindi po bilang ng miyembro kundi kalidad ng miyembro ang importante sa Litratong Pinoy. Katunayan ay kahit 10 miyembro na lang ang natitira basta’t nag e-enjoy pa rin sa grupong ito ay ipagpapatuloy natin ang L.P.!
Kaya’t hinihiling ko po sa inyo na tulungan ninyo akong linisin ang ating blogroll. Muli sa mga interesado, iwan lamang ninyo ang inyong pangalan at blog link/s. Kung may mga kilala naman kayo sa ating mga non active members ay maari din ninyo silang muling imbitahan. Matapos ang isang buwan (Hulyo) ay sisimulan natin ang cleanup. Maraming salamat po!
-admin


sali pa rin po ako
salamat!
juleste.worpress.com
Sali pa din po. Nagkaisyu lang sa mata kaya di masyadong nagbababad sa internet o sa photo processing.
Mabuhay ang Litratong Pinoy!
.-= Em Dy´s last blog ..The Lock of Love =-.
yea, sasali din ako para naman may update kahit isang linggo sa bloggie ko:) natamad na akong mag blog eh.
.-= Ethel´s last blog ..bathtime.. =-.