LP 68: Proteksyon

July 30, 2009 by panauhing_litratista  
Filed under LP entries

Patapos na ang buwang Hulyo, kay bilis ng panahon ano po?! Kumusta na kayo mga kasama?! Isa na namang Huwebes ng kasayahan sa Litratong Pinoy. Muli ay pinapasalamatan ko po KAYONG LAHAT na walang sawang itinataguyod ang ating munting samahan. Hindi nyo lang alam ay nag uumapaw (ang lalim, whew!) ang saya sa aking puso (peksman, totoo po yan!) dahil sa inyong lahat, sa pagmamahal ninyo sa Litratong Pinoy. Napansin nyo ba nang magsimula ang Litratong Pinoy ay hindi na ‘corny‘ gamitin ang ating wikang Tagalog kapag nag-iiwan tayo ng komento sa mga iba’t-ibang blogs? Nakakatuwa, hindi po ba?! Sa munting paraan ay ating naitataguyod ang ating pagiging Pilipino. :=)

O sya, baka kung saan mapunta pa ang isinusulat ko. Sa Huwebes po na ito ay mayroon tayong panauhing litratista, si Bb. Marites. Kaya’t halina kayo, umpisahan na natin ang kasayahan!

————————————————–

Unang-una, isang malaking pasasalamat kay Bb. Admin sa tiwalang ibinigay sa akin para maging panauhing litratista. Isang napakalaking karangalan po ito para sa akin. Ito po ay isang magandang pangarap na hindi ko inakalang magkakatutuo ngayong taon na ito.

Ilang taon na rin akong nakikigulo ehe! nakikisaya pala sa pagdaos ng Pista ng Kadayawan. Makulay, masaya, maingay, magulo at laging maraming pagkain sa selebrasyon na ito na nangyayari tuwing ikatlong linggo ng Agosto taun-taon.

Habang nagdaraan ang mga taon ay parami ng parami ang nakikisaya kaya nasanay na rin akong makakita ng pagdami ng nagbibigay ng proteksiyon. Lahat yata ng pulis, sundalo at bombero ng aming lungsod at mga karatig-bayan ay sama-sama sa pagpoprotekta sa lahat ng nakikisaya; siyempre, kasali pa iyong mga taong nag-boluntaryo sa pagtulong para sa maganda at maayos na selebrasyon ng Kadayawan.

kadayawankids2a

Nakikita sila maski saan at mas marami yata sila sa parada ng mga bulaklak at “Indak-indak sa Kadalanan”. Minsan tuloy, napagkakamalang dekorasyon sila kasama ng mga bulaklak o partisipante sa pagsayaw.

kadayawankids1a

Kita ninyo naman ang mukha ng bata, mukhang takot na sa ka-indak nilang sundalo. Kailangan kasi na andon sila sa malapit. O hindi kaya takot silang lahat sa litratista?

Comments

54 Responses to “LP 68: Proteksyon”
  1. CES says:

    makulay na proteksyon! ganda:)

  2. maver says:

    isang palaisipan kung bakit minsan tila kinakatakutan ang mga taong dapat magbigay sa atin ng proteksyon.

    eto po ang aking lahok:
    http://maver.wifespeaks.com/2009/07/lp-634-proteksyon.html

    isang magandang huwebes sa inyong lahat!

  3. gaya ng sabi ko sa aking pangga, nakatutuwa pagmasdan ang mga kasuotan Mindanaoan dahil sa taglay nitong kultura at kulay.

    sana maka punta narin ako sa kadayawan PERO sa ngayon, exited na ako sa pista ng Kagayan (CdeO) ngayung agosto. sana protektado kami sa pistahan na yaon.

    aking lahok
    http://agent112778.blogspot.com/2009/07/lp-68-proteksyon-protection.html

  4. julie says:

    Wow, Kadayawan!

    Ok lang na nandiyan sila at least me proteksiyon.

    Magandang (madaling) Araw ng Huwebes! :smile:

  5. Willa says:

    ang ganda ng mga litrato ah, makukulay. at kailangan talaga na may mag protekta sa mga kasayahan para maging mapayapa at tahimik ang selebrasyon.

  6. emarene says:

    naalala ko tuloy ang high-school days! Happy LP sa lahat.

    Eto naman ang lahok ko
    http://thisrandomness.blogspot.com/2009/07/proteksyon-protection.html

  7. teys says:

    naku, kahit taga dabaw ang aking esposo di ko pa nakita ang kadayawan, sana ay maabutan ko din yan kahit minsan lang – salamat sa pagbahagi!
    hapi lp, sis!

    narito ang aking lahok:
    http://teystirol.com/2009/07/30/lp-proteksyon/

  8. Dr Emer says:

    Kayganda ng Kadayawan!

    Eto po ang sa akin — http://siteseer.blogspot.com/2009/07/underground-city.html

    HAPPY LP!!!

  9. lino says:

    ayos marites… nandyan din ako ng time na yan… :)
    narito po ang aking share for this weeks theme… :) Happy Huwebes peeps… :)

  10. Joy says:

    Aong lungsod ipinagdidiwang iyan? Nakakamiss talaga ang pyesta sa atin.

    Magandang araw ka-LP!
    Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon-protection.html

  11. ian says:

    sa tingin ko… pagod o di kaya’y nerbiyos ang dahilan ng tila kakaiba nilang reaksiyon sa nakapaligid sa kanilang kasundaluhan =]

    maligayang paglilibot sa lahat =]

  12. an2nettea says:

    Makulay pala ang piyesta na iyan, kailangan talaga ng proteksyon upang maging maayos at tahimik ang pagdiriwang, maganda ang mga larawan, happy LP!!

    Eto naman ang akin http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon-protection.html

  13. Thess says:

    Mahusay nga na proteksyon ang tulad nila sa mga ganitong pagkakataon. Marites, nice shots..inggit naman ako kasi hindi pa ako nakakadalo sa ganyang festivals sa atin.

    Happy LP po!

  14. rose says:

    makulay na entry. gusto kong makaranas ng mga ganyang selebrasyon sa atin [pero hinde ako pinapalad.. :( siguro kapag retired na ako, masasaksihan ko din yang mga yan..

    eto ang aking entry. salamat po
    http://revolutionmotion.com/?p=2521

  15. LINNOR says:

    im sure matatakot ang sinumang magbabalak manggulo sa kasiyahan na yan dahil sa presence ng mga sundalo.

  16. Gmirage says:

    Tes, hallo!

    Sa isang banda magandang may mga bantay na sundalo, pero kung iisipin para bang ang ibig sabihin ay may nababadyang gulo kaya nandun sila…anyway,enjoy ako sa napakakulay mong mga litrato…

    Happy LP!

  17. Marites says:

    sang-ayon ako sa iyo, BB. Admin. Sa ganitong paraan, tumutulong tayo kahit paano sa ating sariling bayan. May lahok na po ako para sa linggong ito. Muli, maraming salamat sa magandang pagkakataon na ibinigay mo sa akin:)

  18. komski says:

    Nakakakaba kaya pag ganung ma mga sundalo, lalo na kapag di mo inaasahan, tas may bigla ka makikita nakatamba sa lugar niyo. Well, ako nikakabahan, hehehe. BUti sana kung nakangiti sila lahat ‘tas nakikisayaw din!

  19. upto6only says:

    maganda at makulay na litrato.

    Eto po ang aking lahok: http://upto6only.com/2009/07/30/lp-proteksyon/

  20. Jannesse says:

    protektadong-protektado nga ang mga lumahok sa makulay na parada!

    ITO ang aking lahok.

  21. babie says:

    Maligayang Huwebes! Ako ay nagbabalik. Ito po aking lahok para sa linggong to.

    http://ybabie.com/2009/07/30/litratong-pinoy-proteksyon/

  22. Marites says:

    ngeh! ayaw lumabas ang mga komento ko kaya uulitin ko nalang. Magandang simulain itong LP para mapalabas natin ang kagandahan ng ating bayan at kultura kaya nagustuhan ko ito lalo pa’t enjoy ako sa mga kasamahan dito. maraming salamat sa LP!

  23. sassy mom says:

    Masaya at makulay talaga ang mga pista sa Pinas. Mukhang takot nga ang mga mananayaw sa mga sundalo pano naman di man lang ngumiti. :lol:

  24. carnation says:

    ako takot rin ako makakita ng mga sundalo at mga armas! payong na lang ha ha ha ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon-protection.html

  25. Rico says:

    Tama ka dun! Minsan talaga akala mo parte sila ng show, yun pala spectator rin tulad mo. Maligayang araw mga ka-LP!

  26. karmi says:

    naku, kelangan nga po ng ganyang proteksyon sa mga festival na ganyan:) para naman maging safe ang pakiramdam at makapagenjoy talaga:)

  27. Dinah says:

    ngek, panu ka nga naman makakasayaw ng maayos kung natatakot ka sa sundalo? ay, oo nga pala, proteksyon sila. he he

    ako din ay may lahok sa temang proteksyon :-)

  28. Fhaye says:

    Ang mga larawan na gaya nito ay umaalala at nagpapanatili ng kulturang Pilipino. Magaling!

    Ito naman po ang aking lahok

  29. makulay na selebrasyon yan ah parang nung Aliwan fiest… kailangan talaga my mga nagbibigya proteksyon pag may mga pista etc.

    up na po aking lahok

  30. para ngang ang mga bata ay mas takot pa sa mga sudalong ito:) pero tama rin ito…para maiwasan ang gulo.

  31. carnation says:

    hindi yata na register yong comment ko kanina pa. ako rin takot rin ako makakita ng mga naka-uniporme. pero nagbibigay nga sila ng proteksyon lalo na kung may mga pagtitipon tulad nito. ito ang entry ko : http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon-protection.html

  32. peachy says:

    natatakot din ako kapag sobrang dami ang sundalo, kasi parang may mangyayaring labanan :-)
    ito naman ang akin proteksyon

    magandang araw ng huwebes kaibigan!

  33. luna miranda says:

    hehe ang 2 soldiers mukhang may kaba din e. :razz:

  34. JO says:

    maligayang huwebes sa inyong lahat… eto ang aking lahok –

    http://www.joarduo.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon-protection.html

  35. shie says:

    parang ang saya ng pista, ok lang sa akin na merong sundalo basta nandun sila para magbigay ng proteksyon :)

    meron na rin akong lahok sana mabisita nyo…

    http://shiezar.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon.html

  36. terna says:

    ang ganda mo ng mga pictures nyo this week!!

    eto po ang aking lahok. =)
    http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/2009/07/lp-proteksyon.html

  37. Sreisaat says:

    Isa yan sa mga gusto kong maranasan, ang maki-saya at maki-indak sa Kadayawan! Mas mapapanatag nga ang loob mo kung sa mga ganitong kasayahan ay visible ang mga sundalo, pulis, atbp., nang sa ganon ay maiwasan ang anumang kaguluhan.

    Sa akin naman ay karaniwan at simpleng proteksyon lamang subalit marami ang hindi gumagamit nito.

    http://sreisaat.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-33-protektado.html

  38. rache says:

    magandang larawan ng proteksyon….
    nakakatakot naman talaga mga pulis karamihan :p

    ako rin merong entry -> http://rachetheblogger.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon.html

  39. leira says:

    Happy LP eto ang lahok ko sa linggong ito:

    http://mushings.com/?p=1046

  40. Janelle says:

    at last!, nakapagpili ako ng mga litratong mailalahok ko dito :)

    http://chicpinay.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon.html

  41. Well says:

    gaganda namang proteskyon sa katawan non. tagal ko ng gustong makapanood ng mga local nating festival. hehehe!

    Eto naman ang lahok ko:
    http://sundaymadness.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-68-proteksyon.html

  42. ohmygums says:

    Baguhan po ako dito at sana mabisita nyo ang pinaka-una kong Litratong Pinoy. Salamat :D

    http://ishotthese.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon.html

  43. ang ganda naman ng mga costumes nila! congrats sa pagiging panauhing litratista ngayong linggo, marites! :razz:

    pahabol po ako…. http://fairywinkle.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-59-proteksyon.html

  44. marlster says:

    isang pagsaludo sa mga nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa ating lahat.

    :grin:

  45. Dinah says:

    ako ay may isa pang lahok sa temang proteksyon. Pakidalaw naman po :-)

  46. yami says:

    Hello mga ka-LP, late na ako pero still humabol can’t miss this fun activity every Thursday.

    Bb. Marites, parang nakakaasiwa ang may sundalong nakabantay pero sa isang banda mabuti na ang nandun sila at sigurado na protektado ang mga nakikisiya sa event sa kung anumang banta ng kaguluhan.

    Admin, may puntos ka sa sinabi mo na hindi na korni ang pagiwan ng Tagalog na komento sa blog ng bawat isa. Sa sarili wika natin pa mas maipapahayag ang ating iniisip at nararamdaman.

  47. Ria says:

    ang saya!!! malaki dapat ang pasasalamat natin sa mga sundalo, pulis at iba pang nagbibigay proteksyon sa atin lalo na sa mga okasyong ganyan…ang init siguro ng suot nila ngunit andyan pa rin sila.

    late uli ako pero andito!!! http://www.yapatoots.com/2009/07/panlaban-kay-mr-sun-protection-from-mr.html

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] tingnan natin ang lahok ng iba nating ka-LP You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a [...]

  2. [...] ang aking lahok para sa ika-68 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Proteksyon. Ang litrato ay kinunan ng aking kapatid na babae kahapon. Sana talaga gumaling na ako. Bisitahin [...]

  3. [...] Ito ang aking mga lahok para sa linggong ito ng Litratong Pinoy na may tema na Proteksyon. Tayo na at tignan ang iba pang mga lahok ng mga partisipante dito. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled