Jul 162009
 

Magandang Huwebes, mga kasama? Kamusta na kayo ulit?!

Gusto kong magpasalamat sa mga nagpahatid ng kanilang pagpirmi at pagliban na rin sa ating grupo. Sana naman ay mag paramdam ang hindi pa nagpaparamdam para malaman natin ang balak nila …o kaya ay kung kilala nyo ang mga hindi pa nagiiwan ng komento, paki kalabit naman po sila? Maroon pa tayong 2 linggo bago maglinis ng ating listahan. Maraming salamat  po! ;)

Eto na: TUYO or dry, ang ating tema sa Huwebes na ito.

Simpleng tanong lang. Mapagdidingas o masisindihan mo ba ang kandila kung ito ay basa?

tuyo

Magandang Huwebes ng Litratong Pinoy sa inyong lahat! Mabuhay kayo!

 Posted by at 00:01