Jul 092009
 

Mga kasama, samahan po ninyo akong salubungin ang ating panauhing litratista sa Huwebes na ito. Siya po ay si Doc Emer!

basa2

Kapag, “basa” ang pag-uusapan, tubig agad ang unang pumapasok sa isip ko. Ang tubig ang pinakamabisang pambasa dito sa mundo. Dahil maagang pumasok ang tag-ulan ngayong taon na ito dito sa Pilipinas, madalas akong mamangha sa iba’t-ibang larawan ng mga basang dahon ng mga halaman sa likod ng aking bakuran. Ang mga nakikita ninyo ay ilan sa mga napili ko na ipakita sa LP.

basa1

Ang larawan naman ng baso na puno ng malamig na tubig ay basa din. Bakit nga ba nababasa ang labas ng baso eh hindi naman ito butas? Ang tubig na bumabasa sa baso ay galing sa hangin nakapaligid dito. Dahil sa lamig ng baso, nahahatak ang tubig sa kapaligiran at ito ang nakikita natin sa lahat ng baso na may malamig na inumin. Kapag nauuhaw ka, isipin mo lang ang larawan ng basong malamig at tiyak na masisiyahan ka kahit papaano.

basa3

Nagpapasalamat po ako kay Mdm. LP sa imbitasyon na maging panauhin ngayong linggo na ito.

Maligayang ‘basang’ linggo ng LP sa inyong lahat!