LP 64: Kandado

July 2, 2009 by admin  
Filed under LP entries

Hulyo na at eto na naman tayo! Umpisahan natin ang buwan ng ito sa pamamagitan ng napakadaling tema : “Kandado”! pero bago tayo magsimula ay atin munang batiin ang ating mga kasamahan na magdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong Hulyo:

Dr.Emer: 3 | Jher: 4 |Vangie: 6 | Mapped Memories/ Munchkin Mommy: 10 | Iris: 14 | GreenBucks: 14 | Eds: 16 | Vera: 17 | Azrael: 19 | Jason: 19 | Sunshine: 23 | Grey: 24 | Toni: 30 | KotsengKuba : 31

Maaring ang iba po sa kanila ay ilang buwan na nating hindi nakakasalamuha (sana ay pangsamantala lamang ang kanilang ‘bakasyon’ ) ganun pa man ay isa pong MALIGAYANG BATI SA INYONG KAARAWAN, pagpalain po kayong lahat!!

*****************************

Bakit nga ba naimbento ang kandado? Palagay ko ay dahil lamang sa iisang ugat ang rason nito. Proteksyon.

Nasabing ang pinakaunang kandado ay natagpuan sa mga guho na malapit sa Ninevah, ito ay ipinagpapalagay na halos 4,000 taon ang edad…

“The oldest known lock was found by archeologists in the Khorsabad palace ruins near Nineveh. The lock was estimated to be 4,000 years old. It was a forerunner to a pin tumbler type of lock, and a common Egyptian lock for the time. This lock worked using a large wooden bolt to secure a door, which had a slot with several holes in its upper surface. The holes were filled with wooden pegs that prevented the bolt from being opened.” – history of locks

kandado_1

Nakakalungkot man isipin subalit hindi natin maikakaila na sa panahong ito, ang kapirasong kandado na gaya nito ay nakakapagbigay sa atin ng kapayapaan ng isip tuwing tayo ay lumalabas ng ating tahanan. Nakakalungkot dahil halos wala na tayong tiwala sa mga tao sa ating paligid!

At kung iisipin natin, libong taon na nakaraan ay kinailangan na nilang gumamit ng kandado.

Napapailing na lang ako.