LP 60: Misyon

June 4, 2009 by  
Filed under LP entries

Halina kayo at salubungin natin ng mainit na pagtanggap ang ating panauhing litratista sa unang Huwebes na ito sa buwan ng Hunyo!

——————————————

Wala akong maisip na maganda-gandang larawan na pwede kong mai-post ngayon.  At habang ako’y nagmumuni-muni, bigla ko na lang narining ang tawag ng aking anak na “Mommy!!!!” at sumilay ang ngiti ko hangang tenga, dahil ayun na pala sa harapan ko ang kailangan ko. :D

Misyon

Iyan ang tanong ng bawat isa sa atin, kung ano ang Misyon natin sa buhay. Kung ako sana ay isang doktor o abogado, napakadaling sagutin ng tanong na iyan. Pero dahil ako ay isang magulang, ang buhay ko ay nakalaan na sa isang misyon na panghabang buhay. Misyon na mapalaki ng maayos ang aking mga anak at mabigyan ng magandang kinabukasan. Hindi lang sa kanila nagtatapos ang misyon na iyon bagkus eh sa kanilang dalawa pa lang maguumpisa at sa mga henerasyon na magsisimula sa kanila. Matagal-tagal pa bago ko masabi ang salitang “Mission Accomplished:D

Ang misyon naman ng mga anak ko eh ang bigyan ako ng araw-araw na kunsu”misyon” :D

Ako nga pala si Willa, ang nahilingang maging panauhing litratista para sa temang ito. Lubos na nagpapasalamat sa LP Admin.

Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat!

« Previous Page