LP 61: Pangarap Ko
June 11, 2009 by admin
Filed under LP entries
Bago po tayo magsimula ay nais ko po muna bumati sa mga sumusunod na miyembro ng Litratong Pinoy na nagseselbra ng kanilang mga kaarawan sa buwan ng Hunyo. Ipagpaunmanhin po ninyo na nakalimutan kong bumati nuong nakaraang Huwebes.
Mauie: 5 | Silent Princess: 5 | Shalimar: 8 | Raqgold: 9 | Upto6only: 10 | Cathy: 11 | Reflexes: 11 | Bunnygirl: 15 | Fotorista: 17 | Kaye: 17 | Paula: 18 | HipNCoolMomma: 18 | Cookie: 22 | Carol: 23 | Purplesea: 24 | Tanchi: 28 | Kerslyn: 30
Maligayang Kaarawan sa inyong lahat! Pagpalain kayo ng Mahal na Poong Maykapal.
"Years wrinkle the skin, but to give up enthusiasm wrinkles the soul. - Douglas MacArthur"
—————————————————————–
“Paglaki mo, saan mo gusto pumunta?”
“Sa Amerika”
Madalas kong marinig ito sa aking mga kalaro o ka-eskuwela nuong bata pa ako. Alam naman nating sikat na sikat ang bansang Amerika sa maraming Pilipino. Maraming nangarap at patuloy pa ring nangangarap na marating ang bansang ito sa pagnanasang umayos ang buhay (hindi ko lang alam kung ganuon pa rin ang pangarap nila dahil sa nagaganap na krisis pangpinansyal) .. for greener pasture, ika nga. O kaya naman ay upang makapiling ang ibang miyembro ng kanilang pamilya na duon ay naninirahan.
Subalit ako naman ay kakaiba. Nuon ay hindi namutawi sa aking mga labi ang katagang ‘Amerika” kapag natatanong kung saang bansa ko gusto pumunta. Hanggang sa ngayon ay ewan ko ba, sadyang wala yata talaga akong interes na mapuntahan ang bansang ito dahil makailang ulit na ako nagkaroon ng tsansa na lumipad patungo duon ay lagiĀ na lamang akong ‘may dahilan’.
Subalit may isang bansa na tunay kong pinapangarap na mapuntahan. Maging ang aking kabiyak ay ito rin ang pinakamimithi-mithi! Read more

