Litratong Pinoy is proud to present to you….
June 12, 2009 by admin
Filed under General, News & Updates
“Aba eh, malay nyo may L.P. litratistang manalo, o di ba?!“
Naalala nyo pa ba ang mga katagang binitiwan ko na iyan nuong buwan ng Abril, dito sa akdang ito?Ang tungkol sa EBaliwan at photo contest na isinagawa ng Manila Broadcasting Company na may temang “Sining Makulay” , naaalala nyo ba?
Masaya ko pong ipinapaalam sa inyo na isa nga sa ating miyembro, ang ating opisyal na potograpo sa Pilipinas na si LINO ay nagwagi sa patimpalak na ito!
HALAKI-AYKI-AY
nakuha po nya ang pang-apat na puwesto at sya din po ay nagwagi ng salapi! (hindi ko na ilalagay ang halaga kasi nakahingi na po ako ng balato, ha! ha! ha!) Hindi pa po updated ang website ng aliwanfiesta.com.ph pero abangan nyo na lang po.
Mabuhay ka Lino! Pinatunayan mong may puwang ang mga amateur na gaya mo sa mundo ng propesyonal na potograpo! Litratong Pinoy is proud of you! Mga kasama, halikayo at batiin po natin sya!


