Jun 172009
 

Magandang Huwebes po sa inyong lahat! Araw na naman ng kasayahan sa Litratong Pinoy kaya halina kayo at ating samahan ang ating panauhing litratista na si Bb. Pao Alfonso. Narito ang kanyang akda para sa temang ito.

——————————————————–

Imposible ba na ang lahat ng mga bata ay talagang magkaroon ng pagkakataon na maging bata? Na sila’y makapaglaro, makapag-aral, at maging ligtas sa mga sakuna dahil mayroong nagpoprotekta sa kanila? Tuwing nakakakita ako ng mga bata na nagpapalaboy o nagtatrabaho imbes na nag-aaral, nalulungkot talaga ako. Hindi man naging sobrang saya ng kabataan ko, masasabi ko naman na nagkaroon ako ng childhood at hindi lumipas ang mga panahon na iyon na hindi ko na-enjoy ang pagiging isang bata. Yung mga bata na naglalatag ng kamote, nakita ko sila sa Hidalgo, malapit sa simbahan ng Quiapo. Pinagmamasdan ko sila habang hinahanay ng maayos ang mga paninda nila. Minsan wala talagang ibang choice kung hindi ang kumayod din para sa ikabubuhay nila. Kahit saan ka nga tumingin may mga bata na nagtatrabaho sa murang edad. Minsan nagkakarga ng mga paninda sa palengke, nagbubungkal ng mga basura, gumagawa ng mga paputok, at kung anu-ano pa. Sana dumating ang panahon na mag-evolve ang society natin, at maging mas angkop para sa ikabubuti ng mga bata, tutal, sila naman ang pag-asa ng bayan talaga. Sana ang mga magulang, iisipin ng mabuti kung kaya ba nilang magtaguyod ng pamilya bago bumuo ng sangkatutak na mga anak. Imposible din ba na magkaroon ng mas maraming programa ang gobyerno para proactively na maprotektahan ang mga karapatan ng mga bata? Heto ang listahan ng mga karapatan na iyon:

bata-bata

1. Maipanganak, magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
2. Magkaroon ng mag-aalaga at mapagmahal na pamilya.
3. Mabuhay ng mapayapa sa isang komunidad and mabuting kapaligiran.
4. Makakain ng sapat at nagkaroon ng aktibo at malusog na pangangatawan.
5. Magkaroon ng edukasyon at mahubog ang kanilang potensiyal
6. Karapatan sa paglalaro at libangan.
7. Magprotektahan laban sa abuso, pagpapabaya, karahasan at panganib.
8. Madepensahan at matulungan ng pamahalaan
9. Mapahayag ang kanilang mga saluobin at pananaw.

bata-bata2

up-diliman_copy

Ang mga larawan ay kuha gamit ng Yashica FX-3 Film SLR. Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong linggo na may temang “Imposible Ba Ito?”

 Posted by at 23:56

  46 Responses to “LP 62: Imposible ba ito?”

  1. hi pao! makabagbag-damdamin ang B&W photos mo!

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy #54: imposible ba ito? (is this impossible?)

  2. ganda ng mga kuha mo :)

    nakakalungkot nga isipin na ganyan ang estado ng maraming bata ngayon. sana nga ay magkaroon ng pagbabago sa lipunan natin para naman sa kabutihan nila.

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Imposible Ba Ito?

  3. napakagandang lahok mo, gagawin ko pa ang sa akin bukas:)

    Marites’s last blog post..Ruby Tuesday#4 Strawberry Souvenirs

  4. Awww, may kurot sa puso ang entry mo Pao. Galing! :smile:

    Maligayang araw ng Huwebes sa inyong lahat!

    julie’s last blog post..Impossible Nga Ba?

  5. kakalungkot nga…sila pa naman ang ating future, sana mga agawan ng paraan, mukhang imposible pero sabi nga dapat hindi tayo nawawalan ng pag-asa!

    Love your shots Pao, galing!!!

    Happy LP!

  6. Ang mga larawan ay pagpapakita ng isang nakalulungkot na katotohanan sa ating lipunan, na sana ay magbago sa susunod na panahon.

    Napakagandang lahok para sa tema sa linggong ito.

    Maligayang Huwebes sa inyong lahat.

    Nortehanon’s last blog post..Imposible Ba?

  7. Ah, malungkot na katotohanan yan. Hindi nga imposible subalit nagiging ganoon kasi walang matibay na paninindigan ang mga nasa pwesto.

    Eto naman po ang lahok ko — http://siteseer.blogspot.com/2009/06/timing.html

    Happy LP!! :grin:

    Dr Emer’s last blog post..Timing

  8. Iba talaga ang dating ng black and white photos. At naisalin pa sa Tagalog ang Child’s Rights — Good job!
    Ito naman ang mga imposible ko…

    http://thisrandomness.blogspot.com/2009/06/imposible-ba-ito-is-this-impossible.html

    emarene’s last blog post..Imposible Ba Ito? (Is This Impossible?)

  9. Nakakaawa talaga ang mga batang musmos ano? Sana talaga ay mabigyan sila ng suporta ng gobyerno natin.

    Ang ganda ng dating ng B&W photos… kuhang-kuha ang damdamin ng subject ng post. Happy LP!

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Imposible ba ito? (Is this impossible?)

  10. maraming salamat sa mga comments. pasensiya na hindi ko ma-update ng maayos ang blog ko at nagluluko ang aking internet. ayaw mag-upload, download lang ang ginagawa. weird, no? ang wordpress ko din medyo nagloloko, biglang nag-default sa sarado ang comments. :-(

    anyway, happy LP sa lahat. mamaya ako magba-blog hop. :)

    pao’s last blog post..LP #62: Imposible ba ito?

  11. sabi nga “Bob the Builder”:

    “kaya ba nating gawin? OO! basta’t tulong-tulong!”

    walang imposible sa nag tutulungan diba?

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778’s last blog post..LP # 62 : Imposible ba ito? (is it imposible..)

  12. tunay na nakakalungkot isipin. madami na akong nakasalamuhang ganyan ang kalagayan.

    ang aking lahok naman, nawa’y maging comic relief :D
    http://maver.wifespeaks.com/2009/06/lp-59-imposible-ba-ito.html

    isang magandang huwebes sa inyong lahat.

    maver’s last blog post..LP #59: IMPOSIBLE BA ITO?

  13. Nakakalungkot pero paparami pa ng paparami ang tulad nila sa ating naghihirap na bansa :( Kailan kaya magkakaroon ng katuparan ang mga sinabi mo para sa mga batang tulad nila?

    great images, Pao…congrats!

    Happy LP!

    Thess’s last blog post..Imposibleng tirahan ba ito? (LP 62)

  14. salamat sa paggamit ng iyong talento, pao, upang ma-i-angat (muli) ang usapin ng mga batang ito sa kamalayan ng mas nakararami. madalas natin silang nakikita nguni’t sobrang palasak ay parang nawawala na ang “dating” kumbaga.

    hamon din ito para sa ating lahat, hindi lamang sa pamahalaan, na huwag magkibit-balikat, na huwag patalo sa tila kawalan ng magagawa sa laki ng suliranin. sa mumunti nating kakayanan, may magagawa tayo: ang huwag maglimos sa mga batang nakikipagpatintero sa lansangan bagkus ituon ang tulong sa pangmatagalang solusyon sa mga suliranin nila tulad ng pag-ambag sa mga institusyon na nagpapaaral ng libre sa mga bata, atbp

    “May Bukas Pa”, gaya ng makikita sa lahok ko sa linggong ito =]

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy: IMPOSIBLE BA ITO? (Is it impossible?)

  15. HAPPY LP sa lahat!

    nagawa ko na ang lahok ko para sa IMPOSIBLE BA ITO, sana mabisita ninyo :smile:

    shie’s last blog post..Litratong Pinoy : IMPOSIBLE BA ITO?

  16. kaka-awa talaga mga kids who don’t have the opportunity to be kids. sana lang maging bright ang future nila….

    happy thursday!

    kg’s last blog post..LP: Imposible ba ito?

  17. hay! isang buntong hininga ang akin unang reaksyon. dalangin ko na sila’y magkaroon sana ng magandang at masayang hinaharap at makaahon sa ganitong sitwasyon…at lalong maging matibay sa buhay.

    Reflexes

    RoseLLe’s last blog post..Imagination is Child’s Play

  18. sana naman, hindi imposibleng makamtan nila ang magandang bukas. maligayang LP!!

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#55 Imposible Ba Ito?

  19. sana makamtan nila ang magandang kinabukasan.

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#55 Imposible Ba Ito?

  20. Eto nanaman ako at naghihinanakit sa tadhana dahil iisa lang ang anak ko samantalang kaya ko namang bumuhay ng higit pa. Kawawa talaga ang mga batang hindi nararanasan ang sarap ng buhay bata.

    Ito ang aking “imposibleng” larawan ngayong linggo: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-imposible-ba-ito.html

    Mauie’s last blog post..Photo Hunt: Lock

  21. wow i’m back hahah :D

    uhmm pao..pao for president!

    charing hehehe

    uhmmm ang kabataan pa naman ang pag-asa ng bayan.sana talaga mapagtuunan sila ng pansin ngayon ano..masaya pa naman maging bata :)

    yeye’s last blog post..imposible ba ito? – LP#62

  22. parang ang hirap makalagay ng komento ngayon, pang-ilang subok ko na ito. Pwde na pong tingnan ang lahok ko sa..

    http://www.pinaylighterside.com/2009/06/litratong-pinoy55-imposible-ba-ito.html

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#55 Imposible Ba Ito?

  23. Nakalulungkot nga na ganyan ang mga bata ngayon. Dapat talaga may magawa tayo at ang gobyerno upang maayos iyan at mapangalagaan sila.

    Rico’s last blog post..LP013: Imposible ba ito?

  24. kawawa naman ang mga batang ito,ang tinaguriang “pag-asa ng bayan” ay walang maasahan sa bayan.

    Willa’s last blog post..LP#30:Imposible Ba Ito?

  25. napaka ganda ng lahok mo para sa linggo na ito. Galing. Nakaka-antig ng damdamin :)

    upto6only’s last blog post..LP: Impossible Ba Ito?

  26. Poignant.

    Ken’s last blog post..Imposible ba ito?

  27. hay makabagbag damdamin, ate pao. nalulungkot ako tuwing nakakakita ng mga batang namamalimos sa kalye. kapag may pagkain ako sa kotse saka ko lang sila binibigyan. mamaya pambili pa nila ng rugby yung pera.

    iris’s last blog post..Fate [lp]

  28. http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/06/imposible-ba.html
    sana maibigan ninyo. Sana malaman ng mga bata ang kanilang karapatan.

    rachel galvez’s last blog post..Imposible ba? (Impossible )

  29. ang unang may responsibilidad para protectahan ang mga bata ay ang kanilang magulang. wala na tayong magagawa sa mga maraming anak na naghihirap—pero sana yong mga magsisimula pa lang ng pamilya, pag-isipan muna bago manganak ng sangkatutak. At wag sisihin ang gobierno sa kanilang paghihirap, kasi kung 10 ang anak mo at tindera ka, walang trabaho ang asawa mo, bakit umabot ka sa 10 anak? :roll:

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: Impossible ba ito? [Is this impossible?]

  30. nice pao… katotohanan yang mga yan…
    narito po ang aking lahok… Maligayang huwebes mga kasama…

    lino’s last blog post..imposible ba ito?…

  31. kaawa-awang mga bata..

    ikaw ba eh maaawa sa t-shirt sa litratong lahok ko ngyong linggo? hehehe
    http://www.thesilentprincess.com/?p=604

    silentprincess’s last blog post..Very Good

  32. Ang mga kuhang iyan at simbolo ng kahirapan sa bansa natin. Ewan ko anu ang mangyayari nito sa atin after 2010 election. :)

    Pinoy Showbiz News’s last blog post..Comey drama Love or Bread on ABS-CBN

  33. Ganda ng mga kuha at magandang mensahe!

    iska’s last blog post..Dancing on Air – Imposible ba ito?

  34. ang mga bata ang pagasa ng bayan, palasak na kasabihan pero ano nga ba ang ginagawa ng kinauukulan upang masolusyunan ang problema ng mga kabataan?

    yami’s last blog post..Litratong Pinoy: Imposible ba ito?

  35. masarap maging bata pero sana lahat ng bata ay mabigyan ng bawat magulang ng magandang kinabukasan

    Happy LP!

    bang’s last blog post..Litratong Pinoy: Imposible ba ito?

  36. hindi imposible na matupad ang mga karapatan nga mga bata kung ang mga nasa puesto sa ating gobyerno pati na rin ang iba pang mga organisasyon at mga magulang ay taospusong magtrabaho para sa kapakanan ng mga bata. Magaling ito na adbokasya…sana mapublish nyo rin ito sa mga dyaryo at magasin upang marami ang makakabasa at matuto nito. salamat.

    sori medyo na late ako ang hirap kasi ng tema natin….parang imposible nga!

    carnation’s last blog post..LP: Imposible Ba Ito?

  37. narito po ang lahok ng Living In Australia para sa temang ngayong Huwebes. happy LP!

    Liau’s last blog post..Rail Network

  38. wala na tayong magagawa dyan dahil yung pinas ata ginawa para pugaran ng mahihirap :D

    Pansin ko lang medyo mahirap ang mga tema ngayon ng LP. dahil kailangan na pagtuunan ng panahon para makaisip at makakuha ng tamang litrato para sa tema. which mahirap para sa mga pamilyado at madaming business online like me lol. Maligayang Huwebes sa lahat :D

    scart’s last blog post..LP #62 Imposible ba ito? (is this impossible?)

  39. nakakalungkot naman po ang akda mo Pao…. kawawa talaga ang mga bata…but sometimes ang mga parents nila ang nag force nila to do things na hindi dapat gawin sa isang bata… :(

    Eto po ang lahok ko ngayon.

    Zee’s last blog post..TWTW: At the Staples Center

  40. ito po ang aking lahok sa linggong ito
    http://mushings.com/?p=989

    leira’s last blog post..LP62:Impossible Ba Ito?

  41. Nakakaiyak talaga ang mga eksenang ganyan at nakakafrustrate na din… :cry: Sana mabigyan sila ng pagkakataong iahon ang kanilang sarili at makapag-aral sila… salamat sa pagbahagi!

    Narito ang aking lahok : http://teystirol.com/2009/06/20/lp-imposible-ba-ito/

    Hapi LP!

  42. :cry: kaka sad naman talaga. hopefully, they will get a chance to better their lives…

    MissP’s last blog post..Dito lang

  43. Hello!!! Pasensya na po sa napaka-late na post… Exams ko po kasi buong June.. pasensya na..

    eto po yung post ko para sa LP: Pangarap ko.. karugtong po ito ng entry ko ng LP Misyon.
    http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/2009/06/lp-pangarap-ko.html

    tapos eto po yung sa LP: Imposible ba ito?
    http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/2009/06/lp-imposible-ba-ito.html

  44. sana tuunan ito ng pansin ng ating gobyerno!!!!!!!!!!!

 Leave a Reply

(required)

(required)

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge