LP 61: Pangarap Ko
June 11, 2009 by admin
Filed under LP entries
Bago po tayo magsimula ay nais ko po muna bumati sa mga sumusunod na miyembro ng Litratong Pinoy na nagseselbra ng kanilang mga kaarawan sa buwan ng Hunyo. Ipagpaunmanhin po ninyo na nakalimutan kong bumati nuong nakaraang Huwebes.
Mauie: 5 | Silent Princess: 5 | Shalimar: 8 | Raqgold: 9 | Upto6only: 10 | Cathy: 11 | Reflexes: 11 | Bunnygirl: 15 | Fotorista: 17 | Kaye: 17 | Paula: 18 | HipNCoolMomma: 18 | Cookie: 22 | Carol: 23 | Purplesea: 24 | Tanchi: 28 | Kerslyn: 30
Maligayang Kaarawan sa inyong lahat! Pagpalain kayo ng Mahal na Poong Maykapal.
"Years wrinkle the skin, but to give up enthusiasm wrinkles the soul. - Douglas MacArthur"
—————————————————————–
“Paglaki mo, saan mo gusto pumunta?”
“Sa Amerika”
Madalas kong marinig ito sa aking mga kalaro o ka-eskuwela nuong bata pa ako. Alam naman nating sikat na sikat ang bansang Amerika sa maraming Pilipino. Maraming nangarap at patuloy pa ring nangangarap na marating ang bansang ito sa pagnanasang umayos ang buhay (hindi ko lang alam kung ganuon pa rin ang pangarap nila dahil sa nagaganap na krisis pangpinansyal) .. for greener pasture, ika nga. O kaya naman ay upang makapiling ang ibang miyembro ng kanilang pamilya na duon ay naninirahan.
Subalit ako naman ay kakaiba. Nuon ay hindi namutawi sa aking mga labi ang katagang ‘Amerika” kapag natatanong kung saang bansa ko gusto pumunta. Hanggang sa ngayon ay ewan ko ba, sadyang wala yata talaga akong interes na mapuntahan ang bansang ito dahil makailang ulit na ako nagkaroon ng tsansa na lumipad patungo duon ay lagi na lamang akong ‘may dahilan’.
Subalit may isang bansa na tunay kong pinapangarap na mapuntahan. Maging ang aking kabiyak ay ito rin ang pinakamimithi-mithi!
Ang bansang Egypt. Ehipto. Bata pa lang ako ay sadyang ‘fascinated’ na ako sa bansang ito. Kapag subject na ‘world history’ nuong highschool at tungkol sa Egypt ang paksa, asahan mong gising na gising ang diwa ko sa pakikinig sa aking guro. Pangarap ko na makita ang naggagandahan at puno ng misteryo na mga pyramids at ang Sphinx na “walang ilong” (si Napoleon Bonaparte talaga pati ilong ng may ilong pinagdiskitahan pa!) Hanggang sa mga libro at Discovery Channel ko lamang sila natutunghayan sa ngayon.
Makita ko pa kaya ang bansang ito? Patuloy akong nangangarap at mananatiling positibo na sa darating na panahon, ako at ang aking kabiyak ay malayang maglalakbay sa kanyang lupain! Hindi rin namin palalagpasin ang siudad na Alexandria.
Sa ngayon ay magkakasya na lamang muna akong tingnan ang rebultong ito na mula sa isang Pilipinang kaibigan na ilang taong nanirahan sa Ehipto. Alam na alam nya ang tungkol sa pangarap ko kaya naman sa unang tsansa nyang makapag bakasyon ay talagang hinanap nya ako upang ibigay ang regalong ito. Sa kasalukyan ay naglakbay na itong rebultong ito sa 4 na bansa dahil sa aking paglipat-lipat.
Ikaw, ano naman ang pangarap mo? Maari bang ibahagi mo sa amin?
Magandang araw ng Huwebes po sa inyong lahat!!




nawa’y matupad ang pangarap nating lahat! gusto ko rin makita ang sphinx!
fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#53: pangarap ko (my dream)
di ko alam kung saan at kailan ako dapat pumunta pero ang isa sa mga gusto ko namang makita in my lifetime ay ang northern lights. wish ko lang magkaroon ng chance… happy huwebes!
iRonnie’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap Ko
ay pangarap ko ding makarating dya. sige, kung mararapatin, sabay na tayong bumisita
eto na lahok ko…
http://scroochchronicles.com/?p=1727
tsaka, salamat sa bati
Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Pangarap Ko
Gusto ko din po makapunta dyan sa Egypt. Andyan daw po kasi ang mga ninuno ko.
Eto po ang lahok ko – http://siteseer.blogspot.com/2009/06/be-happy.html
HAPPY LP!!!
Dr Emer’s last blog post..Be Happy
Gusto ko rin mapuntahan ang Ehipto. Marami kasing magagandang structure sa bansabg ito na tunay na kahanga hanga.
Happy LP!!!
Jeanny’s last blog post..LP:Simpleng Pangarap lang!!!
Happy Birthday po sa mga nagdiriwang na kanilang kaarawan, cheers to you!!
*sana matupad….sana matupad…lahat ng ating pangarap!*
Happy LP!
Thess’s last blog post..Pangarap na natupad! (LP 61)
pangarap ko rin makapasyal dyan at sa iba pang magagandang lugar sa mundo. Sana nga ganun kadali heheh
magandang araw!
peachy’s last blog post..LP 61: Pangarap Ko
Ako rin kasama ang Egypt sa mga bansang nais mapuntahan. Haayy, kailan kaya.
Eto naman ang aking pangarap…
http://thisrandomness.blogspot.com/2009/06/pangarap-ko-my-dream.html
Hapi Birday sa lahat ng mga may kaarawan!
Napakaganda ng larawan, pangarap maliit man o malaki ay maaaring matupad, habang buhay ay may pag asa, magandang huwebes!!
Ito naman ang aking lahok http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/06/lp-pangarap-ko-my-wish-or-dream.html
an2nette’s last blog post..Diversities
narito ang simple kong pangarap. http://www.amazingsincebirth.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
happy bday sa lahat ng may kaarawan.
maligayang huwebes
peachy’s last blog post..Litratong Pinoy – Pangarap Ko
Una sa lahat, binabati ko rin ang mga ka-LP na nagseselebra ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Hunyo.
At sana matupad mo ang mithing makatungtong sa Ehipto sa hinaharap.
Andito naman ang munti kong pangarap.
http://penname30.blogspot.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
yami’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap Ko
Una sa lahat, nais kong MAGPASALAMAT sa mga nag iwan ng magagandang komento tungkol sa aking larawan noong nakaraang linggo, at SALAMAT ulet sa admin sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na maishare ang aking larawan dito sa Litratong Pinoy.
Happy Birthday din sa mga may kaarawan.
Willa’s last blog post..LP#29:Pangarap Ko
parang immunity idol
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Jay – Agent112778’s last blog post..LP # 61 : Pangarap ko (i dream of)
ako rin makikitingin nalang muna sa larawan:) malay natin sabay pa tayo pumunta sa ehipto:)
CES’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap Ko [DREAM]
Sana matupad na rin ang pangarap mong makalipad sa Ehipto.
Ken’s last blog post..Natupad na Pangarap: Magkaroon ng mga larawan sa Getty Images
sana nga matupad ang pangarap mo. fascinating talaga ang ancient Egypt. ako rin namangha nang makita ko ang mga Egyptian artifacts sa British Museum at Museum of Modern Art. e kung sa Egypt pa kaya…
luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap ko [My dream]
Sana matupad ang pangarap mo
pangarap ko din makapunta ng Egypt, may ka-penpal ako dati dun nung gradeschool ako hahah!
eto lahok ko:
http://www.elegancefoodandwine.com/2009/06/litratong-pinoy-40-pangarap-ko.html
Something Purple’s last blog post..Litratong Pinoy #40 (Pangarap Ko)
Awww pangarap ko ring pumunta sa Egypt! I;m a sucker for history! hehehehe
Happy Beerday sa mga celebrants!
eto na po ang lahok ko http://www.zdarkroom.info/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko/
Zee’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap Ko
Awww pangarap ko ring pumunta sa Egypt! I;m a sucker for history! hehehehe
Happy Beerday sa mga celebrants!
Zee’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap Ko
Napakagandang bansa na makasaysayan. Pangarap ko din marating ang mga ruins.
Maligayang Kaarawan sa lahat ng may birthday ngayong Hunyo
Julie’s last blog post..Ano Kaya ang Pangarap Nila?
eto pa ang isa kong lahok
http://www.stripeatyellow.com/2009/06/litratong-pinoy-46-pangarap.html
Naway matupad ang iyong pangarap sa takdang panahon.
Mai’s last blog post..LP: Pangarap Ko (My Dream).
Maligayang Kaarawan sa inyo!
Ang aking pangarap…sana matupad balang araw. Silipin mo naman sa http://maarte.me/?p=46
Salamat po!
Noreen’s last blog post..Litratong Pinoy: PANGARAP KO
magandang LP!!!
sana mabisita nyo rin ang pangarap ko
shie’s last blog post..Litratong Pinoy : PANGARAP KO
biyaya ang makapaglakbay… ibayong biyaya ang mahanap ang langit kung nasaan man tayo =]
ian’s last blog post..Litratong Pinoy: PANGARAP KO (I hope for…)
Ang ganda ng pagkakakuha sa larawan.Parang ang laki-laking rebulto nyan.
peachkins’s last blog post..Yummilicious si Father..
Marami pong salamat sa pagbati sa aking kaarawan.
Eto po ang pangarap ko na kahit noong birthday ko ay hindi ko pa rin natikman: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
Mauie’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap Ko
Ang pangarap ko na malibot ang buong mundo at makita ang kagandahan ng kalikasan.
Ito po yung link ng post ko para sa araw na ito. Sana bisitahin ninyo.
http://lasislasfilipinasworld.blogspot.com/2009/06/pangarap-ko-my-dream.html
eto naman ang aking napakasimpleng pangarap
http://maver.wifespeaks.com/2009/06/lp-58-pangarap-ko.html
happy lp!
maver’s last blog post..LP# 58: PANGARAP KO
eto naman po ang aking napakasimpleng pangarap
http://maver.wifespeaks.com/2009/06/lp-58-pangarap-ko.html
happy lp!
maver’s last blog post..LP# 58: PANGARAP KO
Happy birthday sa mga celebrants ngayong buwan!
Matutupad yan… panigurado.
Ang aking lahok ay naka-post na po.
ShutterHappyJenn’s last blog post..Pangarap Ko (My Dream)
ito naman ang pangarap ko sa aking anak
http://www.wifeynibangis.com
it’s good to be back!! happy thursday!
farah’s last blog post..MY FOOD BLOG.
Panagarap ko din makapunta ng ibang bansa pero siguro hindi pa cya ang priority ko sa ngayon hehehe.
Oo nga pala, sa July pa po ang aking kaarawan
salamat na din in advance sa pagbati hehehe.
Eto po ang aking lahok.
upto6only’s last blog post..LP: Pangarap Ko
ito na ang isa sa aking mga pangarap…
http://www.pinaylighterside.com/2009/06/blog-post.html
Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#54: Pangarap Ko(My Dream)
magandang araw mga kasama… narito po ang aking lahok…
Happy LP everyone…
lino’s last blog post..pangarap ko…
napaka-exotic na lugar ang egypt. sa konting napuntahan ko na, sana maisama ko din yan sa listahan balang araw.
Linnor’s last blog post..LP: Dream Ko
ay nakech. gustong-gusto ko din makapunta diyan someday at makita ang mga pyramids at makasakay sa camels.
pao’s last blog post..LP #61: Pangarap Ko
Pasensya na at ngayong lang ako nakadalaw… Magandang lugar ang Egypt. Gusto ko ring mapunta diyan.
sassy mom’s last blog post..LP : Pangarap ko (My dream …)
my dream:
http://alphadf.com/2009/06/11/lp-61-pangarap-ko/
alpha’s last blog post..Freebies.
nako gusto ko rin makapunta jan! hehehe
eto po pala ang aking munting lahok sa araw na to.
http://lizzieness.info/?p=280
magandang huwebes sa lahat!
pareho tayo ng pangarap
isa din yan sa mga gusto kong puntahan…
nandito po ang aking lahok. http://chicpinay.blogspot.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
Janelle’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap Ko
sensya na po.. late na entry ko.. nagtulog ng nagtulog eh.. kulang ako sa tulog hehe.. kaya walang pumasok sa utak ko.. wahhhh..
ako naman ang gusto kong puntahan ay greece..
silipin ang aking entry ngayong linggong ito.. mwahh
http://revolutionmotion.com/?p=2418
rose’s last blog post..LP 61: Pangarap Ko
http://mushings.com/?p=985 eto ang lahok ko sa linggong ito
leirs’s last blog post..LP 61: Pangarap Ko
mukhang magandang puntahan ang Egypt. Kailan kaya ako makakapunta dun?
bang’s last blog post..Litratong Pinoy: Pangarap
nakikisilip po…salamat po sa pagsagot sa aking email *lol* (pormal pa din haha!)
nais ko ring makarating sa Egypt at sa Israel…sana nga at ito’y magkaroon ng sakatuparan.
RoseLLe’s last blog post..Travel Essentials
Maligyang kaarawan po pala sa mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan na ito. Sana mabusog nyo po kami…
The Explorer’s last blog post..Anawanging Beach Resort Ground
may isang simpleng pangarap di ako
Dinah’s last blog post..LP61: Pangarap Ko
Hello!!! Pasensya na po sa napaka-late na post… Exams ko po kasi buong June.. pasensya na..
eto po yung post ko para sa LP: Pangarap ko.. karugtong po ito ng entry ko ng LP Misyon.
http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/2009/06/lp-pangarap-ko.html
ternski’s last blog post..LP – Alam mo ba