LP 56: Simula pa lamang
May 6, 2009 by panauhing_litratista
Filed under LP entries
Sa Huwebes na ito ay mayroon po tayo muling panauhing litratista. Halina kayo’t samahan natin sya sa temangĀ ‘ Simula pa lamang’ . Magandang Huwebes ng L.P. sa inyong lahat! – admin
Sa 1994 Miss Universe pageant, naitanong sa huling tatlong kandidata ang tanong na, “What for you is the essence of being a woman?” Bukod sa pagmamahal, ang tatlong kandidata ay nabanggit ang pagiging ina bilang isa sa mga esensya ng pagiging babae.
*Charmy kasama ang kanyang pamangkin na si Precious Meciel
Ang nasa larawan ay ang aking kaibigan na si Charmy. Siya ngayon ay pitong buwang buntis at manganganak sa huling linggo ng Hulyo. Bilang isang babaeng nagkaroon ng ilang problemang pangkalusugan, ang pagkakataon upang magdala ng isang buhay sa kanyang sinapupunan ay isang matamis na regalo para sa kanya. Sa loob ng tatlong buwan, magaganap na ang esensya niya bilang isang babae.
Kaakibat ng excitement at antisipasyon at takot at kaba. Siguro lahat naman ng naging ina at magiging ina ay ganoon ang nararamdaman. Sabi nga, kasamang ipinapanganak ng bata ang kanyang ina. Para kay Charmy at sa kanyang kabiyak, at pagbubuntis na ito ay simula pa lamang ng kanilang buhay bilang isang pamilya.
Ito po si ShutterHappyJenn, ang inyong panauhing litratista para sa linggong ito.


