LP 57: Nang Matapos

May 13, 2009 by  
Filed under LP entries

Magandang araw ng Huwebes, mga kasama! Simula na naman tayo ng isang tema na sana naman ay hindi kayo nahirapan sa pag-iisip ng inyong lahok, dahil sa totoo lang nahirapan ako! Pero kasabihan nga natin na ‘kung may tiyaga, ay may nilaga’ kaya naman sana ay tumama sa tema ang lahok ng inyong abang lingkod.

Pero bago ang lahat, atin munang batiin ang mga miyembro na nagseselbra ng kanilang kaawaran ngayon buwan ng Mayo! Ito ay sina:

Cez’t La Vie : 7 | Peachy: 10 | Shutter Happy Jen: 13 | Jeprocks: 14 | Clicking Away: 24 | Drstel: 25 | The Fickle MInded-NRC: 25 | Fran: 28 |  Scart: 29

Maligayang Kaarawan sa inyong lahat! Nawaý makamtan ninyo ang mga dalangin ng inyong puso!

Simulan na po natin. Ang tema sa Huwebes na ito ay ‘Nang Matapos’. Sa atin pong mga kasama na mahuhusay sa wikang Pilipino, alin po ba ang tamang gamitin:  ‘nang’ o ‘ng’ ? Marami po sa ating mga tema ay kontribusyon ng mga miyembro na nagsi-email o nag-iwan dito ng kanilang mga proposed themes [na bago ko makalimutan ay mag email lamang kayo (litratongpinoy@gmail.com) kung may mga proposal kayong tema] ang iba naman ay likha lamang ng inyong lingkod, tulad ng tema ngayong araw na ito. ‘Nang’  o ‘ng’ ay itama lang po ninyo ako dahil,   ‘matanda man ang kabayo, ay tumatanggap pa rin ng payo’ ;)

Bago mapunta sa edad ang usapan ay bumalik na tayo sa tema. Ito ang naisip kong ilahok.  Naisip ko na maraming bagay sa paligid na madaling kuhanan ng litrato pero may kanya-kanya silang istorya. Kagaya ng maigsing istorya ng botelya ng pabango na ito.

Bagong alay na regalo subalit isang araw, sa kasamaang palad ay nabangga at bumagsak sa konkretong sahig. Sumambulat hindi lamang ang halimuyak subalit pati na rin ang kanyang likido at pira-pirasong bubog. Masama man ang loob ay kinailangang linisin ang sahig at nang matapos ay ito ang tanging naiwan na alaala ng mabangong regalo…..

bottle

Magandang Huwebes ng L.P. sa inyong lahat!!

« Previous PageNext Page »