LP 56: Simula pa lamang

May 6, 2009 by panauhing_litratista  
Filed under LP entries

Sa Huwebes na ito ay mayroon po tayo muling panauhing litratista. Halina kayo’t samahan natin sya sa temang  ‘ Simula pa lamang’ . Magandang Huwebes ng L.P. sa inyong lahat! – admin

Sa 1994 Miss Universe pageant, naitanong sa huling tatlong kandidata ang tanong na, “What for you is the essence of being a woman?” Bukod sa pagmamahal, ang tatlong kandidata ay nabanggit ang pagiging ina bilang isa sa mga esensya ng pagiging babae.

litratong-pinoy

*Charmy kasama ang kanyang pamangkin na si Precious Meciel

Ang nasa larawan ay ang aking kaibigan na si Charmy. Siya ngayon ay pitong buwang buntis at manganganak sa huling linggo ng Hulyo. Bilang isang babaeng nagkaroon ng ilang problemang pangkalusugan, ang pagkakataon upang magdala ng isang buhay sa kanyang sinapupunan ay isang matamis na regalo para sa kanya. Sa loob ng tatlong buwan, magaganap na ang esensya niya bilang isang babae.

Kaakibat ng excitement at antisipasyon at takot at kaba. Siguro lahat naman ng naging ina at magiging ina ay ganoon ang nararamdaman. Sabi nga, kasamang ipinapanganak ng bata ang kanyang ina. Para kay Charmy at sa kanyang kabiyak, at pagbubuntis na ito ay simula pa lamang ng kanilang buhay bilang isang pamilya.

Ito po si ShutterHappyJenn, ang inyong panauhing litratista para sa linggong ito.

Comments

72 Responses to “LP 56: Simula pa lamang”
  1. toni says:

    tunay ngang napakagandang litratuhan ang isang babaeng nagdadalantao. maligayang huwebes sa inyo. ito ang aking lahok. http://paulandtoni.com/?p=797

    toni’s last blog post..LP: Simula Pa Lamang

  2. SketchDood says:

    ganda naman nya magbuntis. puro kasi stretch marks ang tyan ko nung buntis kaya hindi ko nagawang magkaron ng ganitong mala-demi moore na larawan :-)

    happy LP!

    SketchDood’s last blog post..LP56: Sotanghon Guisado

  3. kulot says:

    napakaganda talagang kunan ang isang nanay na nagdadalan tao…

    sana po inyo ring matunghayan ang pagsisimula ng aming pamilya http://kulot.shuttered-world.com/?p=70

  4. luna miranda says:

    ang gandang buntis. :smile:

    luna miranda’s last blog post..Aerating roots at Palaisdaan – Think Green Thursday

  5. yami says:

    Magandang gabi sa lahat.
    Unang paglahok ko po sa inyong lingguhang aktibidad dito sa Litratong Pinoy.
    Heto po mga kuha ko. http://penname30.blogspot.com/2009/05/pahabol-na-entry-para-sa-litratong.html

    yami’s last blog post..Pahabol na entry para sa Litratong Pinoy: Tulay at Simula Pa Lamang

  6. Arlene says:

    Hi Jenn, ang cute ng hugis ng tiyan ni Charmy! My sis at 7 months ay malaki na as in! Sa tingin ko dyan ma normal delivery yan. Si Sis pina CS kasi malaki medyo si baby kesa labasan nya.

    Wish her safe delivery!

    Maligayang huwebes sa lahat! Buntis sa OR din ang lahok ko! :)

    Arlene’s last blog post..LP – Simula Pa Lamang

  7. haze says:

    bagay sa mother’s day ang lahok! =)

    nakahanap rin ng lahok!

    happy LP!

    haze’s last blog post..LP#56: Simula pa lang

  8. stel says:

    napakatamis, gustong gusto ko lalo na yung huling larawan.

    saling pusa na ata, late na naman…*sigh.stel

    stel’s last blog post..Litratong Pinoy#56: simula pa lamang (just the beginning)

  9. Mauie says:

    Nakakainggit naman si Charmy. Ni hindi man lamang tumaba kahit buntis na. :grin:

    Eto po ang aking litrato ngayong linggong ito. http://www.maureenflores.com/2009/05/litratong-pinoy-simula-pa-lang.html

  10. Ms Admin, paki delete po yung # 50 mali po kasi yung domain name, salamat po :D

    Lagot ka ate, pinaiyak mo si Meciel nung kumuha ka ng mga litrato. Hehehe…

    Nakapost na rin po ang aking lahok.

    FamiliaKhuletz’s last blog post..Simula Pa Lamang (Just the Start)

  11. Ria says:

    ang ganda ng konsepto ng litratong iyan! ito ang aking unang pagsali dito…at tinaon ko talaga sa temang ito. sana ito na nga ang simula pa lamang ng aking lingguhang pagsali dito! hanggang sa susunod na linggo!

    Ria’s last blog post..Sa Simula ng Habangbuhay (At The Beginning of Forever )

  12. shie says:

    I’d like to share my first try at Litratong Pinoy for the theme “Simula pa Lamang”

    shie’s last blog post..Litratong Pinoy : May 7 – Simula Pa Lamang

  13. beybigurl says:

    nakahabol din! tila parang simula para sa akin! hahaha!
    magandang hwebes!

    http://beybi-gurl.blogspot.com/2009/05/lp-56-simula-pa-lamang.html

  14. Ternski says:

    hellloooooooo!!!

    alam ko po super late… kakabalik ko lang po ng melbourne kanina galing pinas.. pasensya na sa late post…

    eto po ang entry ko: http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/2009/05/lp-simula-pa-lamang.html

    Ternski’s last blog post..LP – Simula Pa Lamang

  15. Girlie says:

    parang gusto kong magbuntis ulit para may ganung litrato

  16. ako ay muling nagbabalik sa bago kong URL at natagalan ang pamamahinga ko sa LP. Ito po ang aking lahok ngyong linggong ito.. Happy Mother’s day sa lahat ng mga mommies!
    http://www.thesilentprincess.com/?p=280#more-280

    silentprincess’s last blog post..LP: Simula pa lamang

  17. Sana itong buwan na ito buntis na ako. magandang huwebes!

    http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/05/simula-palamang.html

    rachel galvez’s last blog post..Simula Palamang

  18. Ken says:

    Those are incredible pictures … how do the color versions look like? Just a small critique – pregnancy is such a happy event, rendering it in b/w sort of diminishes the joyfulness …

    Eto, huling-huli na …

    http://www.ilio.ph/?p=216

    Ken’s last blog post..Handa na sa pagtanim (Ready for planting)

  19. charmy says:

    Hello po sa lahat! Gusto ko po sanang magpasalamat kay Ate Jenny sa pagpili sa akin bilang modelo nya at gayun din sa lahat ng nag-wish sa akin ng safe delivery. Boy po ang baby namin! :razz:

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] mong isang larawan to na paborito ko mula sa aming byahe. Sa tingin ko lang, akma ito sa tema ng Litratong Pinoy ngayong linggong [...]

  2. [...] Para sa Litratong Pinoy, Simula pa Lamang. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled