LP 58: Lahat ay payak.

May 20, 2009 by admin  
Filed under LP entries

Ang sabi sa Tagalog-English online dictionary:

Payak 1. easy to do: madaling gawin, magaan, madali 2. easy to understand: madaling intindihin, madaling unawain 3. bare, mere, with nothing added: payak, walang iba kundi… 4. plain, without ornament, not rich or showy: simple 5. natural, not affected, not showing off: natural, likas 6. common, ordinary: karaniwan, pangkaraniwan
Gamitin natin ang salitang ‘payak’ sa pananaw ng isang musmos. Para sa maraming inosenteng musmos, ang mabuhay ay isang simpleng bagay. Nandyan si nanay at si tatay na laging nakaantabay sa kanyang mga hakbang kaya’t mas madalas ay wala siyang nararamdamang pangangamba sa kanyang paligid. Kapag nagutom ay hihingi lamang ng pagkain, makukuntento na sya. Kapag kinakailangang maglambing ay kusang maggagawad ng halik sa pisngi ni nanay o bibigyan naman ng mainit na yapos si tatay, mapapangiti na sya. Pagmulat ng mata, madalas ay gustong maglaro kaagad kahit hindi pa nakakapag almusal, masaya na sya.
Ang musmos ay ‘walang problema’, ika nga. Hindi ba’t may ilan sa atin na minsan kapag dumadaan sa matinding pagsubok ay nakakapagsabi ng: ‘Sana ay bata na lang ako ulit. Walang problema.’

Kung maaari nga lang na manatili na lamang tayong mga paslit. Inosente. Walang komplikasyon. SIMPLE ang buhay.

pero……

kabakabayuhang_bakal

Batang-bata ka pa at marami ka pang
kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
ay isang mumunting paraiso lamang
Batang-bata ka lang at akala mo na na alam
mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw
ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang makinig ka na lang……

Magandang Araw ng Huwebes sa inyong lahat!

Comments

57 Responses to “LP 58: Lahat ay payak.”
  1. Naalala ko pa nung bata pa ako, may mga bahagi sa aking kabataan na masalimuot at malungkot, Ngunit ako’y napapasalamat at napagdaanan ko ang mga iyon.. At dahil dun ako’y naging matatag (ngak! ang drama.. hahaha) :mrgreen:

    Goryo Dimagiba’s last blog post..She’s Out Of My Life…

  2. Mahalia says:

    sa aking lahok sa linggong ito, magiiwan po ako ng tanong, ano ang payak, ang inosenteng buhay ng isang bata o ang mga payk na laruang madali nila kaaliwan?

    ito ang aking lahok: http://chocolateword.net/2009/05/payak/

  3. scart says:

    very nice sepia color. tama ang bata ay simple lang walang mabibigat na problema tulad ng nararasanan ng matatanda :mrgreen:

    Naka post nari po yung akin. Maligayang LP sa lahat!

    scart’s last blog post..LP#58 Payak (Common)

  4. Marc Cruz says:

    ito po ang aking lahok sa linggo na ito..sana po magustuha ninyo.. :smile:

    Marc Cruz’s last blog post..Lahata ay Payak =D

  5. Dinah says:

    habol ako! eto ang aking lahok Payak

    Dinah’s last blog post..LP 58: Payak

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...


Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled