LP 58: Lahat ay payak.

May 20, 2009 by admin  
Filed under LP entries

Ang sabi sa Tagalog-English online dictionary:

Payak 1. easy to do: madaling gawin, magaan, madali 2. easy to understand: madaling intindihin, madaling unawain 3. bare, mere, with nothing added: payak, walang iba kundi… 4. plain, without ornament, not rich or showy: simple 5. natural, not affected, not showing off: natural, likas 6. common, ordinary: karaniwan, pangkaraniwan
Gamitin natin ang salitang ‘payak’ sa pananaw ng isang musmos. Para sa maraming inosenteng musmos, ang mabuhay ay isang simpleng bagay. Nandyan si nanay at si tatay na laging nakaantabay sa kanyang mga hakbang kaya’t mas madalas ay wala siyang nararamdamang pangangamba sa kanyang paligid. Kapag nagutom ay hihingi lamang ng pagkain, makukuntento na sya. Kapag kinakailangang maglambing ay kusang maggagawad ng halik sa pisngi ni nanay o bibigyan naman ng mainit na yapos si tatay, mapapangiti na sya. Pagmulat ng mata, madalas ay gustong maglaro kaagad kahit hindi pa nakakapag almusal, masaya na sya.
Ang musmos ay ‘walang problema’, ika nga. Hindi ba’t may ilan sa atin na minsan kapag dumadaan sa matinding pagsubok ay nakakapagsabi ng: ‘Sana ay bata na lang ako ulit. Walang problema.’

Kung maaari nga lang na manatili na lamang tayong mga paslit. Inosente. Walang komplikasyon. SIMPLE ang buhay.

pero……

kabakabayuhang_bakal

Batang-bata ka pa at marami ka pang
kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
ay isang mumunting paraiso lamang
Batang-bata ka lang at akala mo na na alam
mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw
ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang makinig ka na lang……

Magandang Araw ng Huwebes sa inyong lahat!

Comments

57 Responses to “LP 58: Lahat ay payak.”
  1. ahhh..oo nga pala..payak ay simple…sa akin kasi, maliit ang interpretasyon ko…hehe. :razz:

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#50: lahat ay payak (everything’s small)

  2. syempre napakanta ako dun! ganda ng larawan…parang sarap alalahanin ng sarili nating kabataan sa kulay nito, parang luma:)

    cakesANDladders’s last blog post..Simpleng Kaligayahan [Litratong Pinoy]

  3. FickleMinded says:

    hay naku, iyan ang paboritong lugar ng mga alaga ko! walang kapaguran,kahit araw araw hindi pinag sasawaan! :)

    FickleMinded’s last blog post..LP#26:Lahat ay Payak. . .

  4. nakakainggit ngang madalas ang mga bata…payak ang pananaw sa buhay at napakadali nilang paligayahin. kung minsan, ang akala natin mas gusto nila ang mga mamahaling laruan. pero nakakatawa dahil yung mga napupulot lang na kung anu-anong gamit sa bahay ay masaya na sila. :)

    mabuhay!

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #57 & #58: Sa Pagtatapos & Lahat at Payak

  5. karmi says:

    tumanda man tau, pwede pa rin namang may matirang kainosentehan sa atin :)

    karmi’s last blog post..simpleng kaligayahan

  6. ces says:

    at heto pa po ang isa kong lahok:) at tama…marahil lahat tayo kung minsan ay nangangarap na maging bata muli, wlaang problema, wlang intindihin..simpleng buhay ika nga..

    ces’s last blog post..Litrato: life begins with a simple celebration

  7. Thess says:

    nalito din ako sa ibig sabihin ng payak kaya dali dali akong naghanap ng entry pics, whew!
    Minsan nawi-wish ko din maging bata uli…d maiwasan.

    Happy LP everyone!

    Thess’s last blog post..Wala ng mas papayak pa! (LP 58)

  8. Jeanny says:

    Oo nga naman, ang mga bata walang problema, sarap talaga maging musmos pero masarap din naman maging adult hehehehe!!!

    Happy LP :)

    Jeanny’s last blog post..LP: Kaligayang payak

  9. Mirage says:

    Favorite ito ni little boy na sakyan sa playground. Gustong gusto ko ang kantang iyan! Happy LP!

    Mirage’s last blog post..Lahat ay Payak/Everything Simple

  10. Napakanta din ako dun :) May ganyan sa playground ng community namin at kahit ako napapasakay hehe :)

    narito ang aking lahok: http://www.stripeatyellow.com/2009/05/litratong-pinoy-45-payak.html

    Stripe&Yellow’s last blog post..Litratong Pinoy #45: Payak

  11. emarene says:

    sa bata talaga, lahat ay payak — walang kumplikado, katulad sa laruan ng litratong mo.
    Eto naman ang aking lahok sa linggong ito http://thisrandomness.blogspot.com/2009/05/everything-is-simple-lahat-ay-payak.html

    emarene’s last blog post..Everything is Simple (Lahat ay Payak)

  12. Dr EMER says:

    Medyo nahuli po dahil late na naman nakauwi, pero humahabol pa din.

    http://siteseer.blogspot.com/2009/05/no-problem.html — ang akin pong lahok

    Happy LP sa inyong lahat!!! :grin: :grin: :grin:

    Dr EMER’s last blog post..No Problem

  13. luna miranda says:

    masarap talaga maging bata…pa’no kung di na bata pero isip bata? :roll:

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: Lahat ay Payak (everything is simple)

  14. peachy says:

    maligayang huwebes..

    ang maga bata talaga ang isang tumay na halimbawa ng payak na papanaw sa buhay.. narito ang aking anak para sa LP

    http://www.amazingsincebirth.com/2009/05/litratong-pinoy-payak.html

    peachy’s last blog post..Litratong Pinoy – Payak

  15. Dr EMER says:

    Humahabol po, eto ang sa akin:

    http://siteseer.blogspot.com/2009/05/no-problem.html

    Happy LP sa lahat!!! :smile: :smile: :smile:

    Dr EMER’s last blog post..No Problem

  16. Yen says:

    Ang galing ng entry! Galing din ng kuha:)

    Mines up too!

  17. ian says:

    *buntung-hininga*

    kabataan…

    ngayon, bilang balik-tanaw, napakapayak ng buhay natin noong mga musmos tayo. pero habang naroon tayo sa *panahon na iyon*, ang pinakasimpleng suliranin animo’y sunung-sunong natin ang daigdig: unang ligaw, unang basted, unang bagsak na eksam, gimik na hindi pinayagan… kung ihahambing nga ngayon, parang sisiw ang buhay noon… pero kung malagpasan natin ang mga pagsubok sa buhay ng isang “matanda”, sigurado ako masasabi rin natin na- e ang dali-dali lang pala ng mga pinagdaanan ko noon!

    everything’s so easy in hindsight, ‘ika nga =]

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy: LAHAT AY PAYAK (Everything is simple)

  18. ang ganda naman nyan, mukhang malinis at kaayaayang sakyan

    Happy LP sa Lahat

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778’s last blog post..LP # 58 : Lahat ay Payak (all are simple)

  19. shie says:

    magandang umaga sa lahat :smile:

    sana bisitahin nyo ang aking lahok!

    shie’s last blog post..Litrarong Pinoy : Lahat ay Payak

  20. Pinky says:

    Uy, magkahawig ang ating interpretasyon ng tema ngayong linggo – galing! :mrgreen:

    Happy LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #58: Lahat ay Payak

  21. Pao says:

    ito ang aking lahok para sa LP ngayong araw. mamaya na po ako magba-blog hop pag-uwi ko galing trabaho. :D

    http://blog.pao-alfonso.info/?p=365

    Pao’s last blog post..LP #58: Lahat Ay Payak

  22. yami says:

    Masarap balikan ang pagkamusmos gaya nga ng sinabi mo admin walang iniindang mabigat na alalahanin…sana lahat ng tao manatiling bata na lang para walang gulo… :)

    Eto po ang aking lahok sa linggong ito…sana nakuha ko ang tamang tema…http://penname30.blogspot.com/2009/05/litratong-pinoy-3-lahat-ay-payak.html

    yami’s last blog post..Litratong Pinoy #3: Lahat ay Payak

  23. Zee says:

    First time ko pong majoin dito…hehehe :)

    Nahirapan akoong maghanap ng litrato with the theme payak…hehehe kaya gamit ko talaga yung online dictionary at translator….heheheh

    Tama nga…noon bata pa tayo parang lahat ng bagay kinaliligayahan natin…hehehe if only we can go back to the innocent days… :)

    I love the sepia tint of the photo :)

    Zee’s last blog post..LP: Lahat ay Payak

  24. sassy mom says:

    Masarap talaga pag ika’y bata… lahat ay simple, walang problema.

    Maligayang Huwebes!

    Narito ang aking lahok.

    sassy mom’s last blog post..Malcapuya Island : A Paradise on its own

  25. Kung pwede lang sanang bumalik sa pagiging bata…

    Ang aking lahok ngayong linggo ay naka-post na!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Lahat Ay Payak (All Are Simple)

  26. Rico says:

    Tama, masarap ngang maging bata, lahat ng gusto mo ibinibigay lang sa iyo, isang iyak lang at lahat nng tao ey nagkakagulo. Kung posible lang maging bata habang buhay.

    Rico’s last blog post..LP010: Lahat ay payak

  27. Ang aking lahok ngayon ay tungkol sa mga bata, din.

    Magandang Huwebes sa lahat!

    FamiliaKhuletz’s last blog post..Lahat Ay Payak (All Are Simple)

  28. JUNNIE says:

    Simple – Payak

    yan ang buhay na ninanais natin…maigsi lang ang tagal natin sa mundo…dapat tayo maging simple sa pamumuhay at garbo sa panaginip. libre ang mangarap, bakit di mo simulan ngayon.

    Eto – ang litrato ko – larong Pinoy – http://pic.blogspot.com/2009/05/simple.html

  29. Kerslyn says:

    ang sarap maging bata! narito po ang aking lahok matapos ang ilang linggong pananahimik sa LP.

    Magandang araw ng Huwebes!

    Kerslyn’s last blog post..Litratong Pinoy: Lahat ay payak

  30. upto6only says:

    napaka-gandang interpritasyon para sa tema ngayon.

    upto6only’s last blog post..LP: Lahat Ay Payak

  31. babie says:

    Maligayang Huwebes! Payak na coin purse naman ang akin.

    babie’s last blog post..Litratong Pinoy: Lahat Ay Payak

  32. MariTes says:

    minsan, naiisip ko rin iyan. Sana ay makabalik sa pagiging bata. WAlang komplikasyon, walang gulo.

    MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#51 Lahat Ay Payak (Everything Is Simple)

  33. ~jennyL~ says:

    pwede pa naman ayong maging bata eh….

    eto po lahok ko

    ~jennyL~’s last blog post..Litratong Pinoy: Lahat Ay Payak ( All are Simple)

  34. maver says:

    tunay nga’t kay simple at saya ng buhay noon.

    eto po ang aking lahok sa lingong ito:
    http://maver.wifespeaks.com/2009/05/lp-55-payak.html

    maver’s last blog post..LP# 55: PAYAK

  35. peachy says:

    simple nga lang ang buhay ng mga bata, walang masyadong komplikasyon… sana ganun din ang buhay kahit hindi na bata :-P happy thursday!

    peachy’s last blog post..LP 58: Lahat ay Payak

  36. Napakagandang larawan, nagpapakita ng payak na pag-iisip ng isang bata.

    ito naman po ang sken: http://www.thesilentprincess.com/?p=414

    silentprincess’s last blog post..LP: Lahat ay Payak

  37. Arlene says:

    Magandang Huwebes sa lahat!

    Nahirapan kung intindihin ang tema pero my entry is now up -http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2009/05/lp-lahat-ay-payak.html

    See ya around!

    Arlene’s last blog post..LP – Lahat Ay Payak

  38. Cookie says:

    mali..eto pala lahok ko :)

    http://scroochchronicles.com/?p=1714

    Cookie’s last blog post..Photohunt : Painted

  39. alpha says:

    masarap maging bata, walang problema, simple lang ang kaligayahan.

    ang aking LP:

    http://alphadf.com/2009/05/21/lp-58-lahat-ay-payak/

    alpha’s last blog post..Let’s Tweet.

  40. mommy jes says:

    hay sinabi mo pa…angpagiging bata ang pinaka -payak sa lahat =) narito angaking lahok – http://ishiethan.blogspot.com/2009/05/lp-payak-na-hapunan.html

    mommy jes’s last blog post..LP : Payak na Hapunan

  41. magandang huwebes sa inyo.ito ang aking lahok

    http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/05/lahat-payak.html

    rachel galvez’s last blog post..Lahat Payak

  42. Ria says:

    ang ganga ng pagkakakuha at kulay ng litratong ito! kabataan din at palaruan ang unang pumasok sa isip ko para sa temang ito…sa katunayan, naghahanap na ako ng makukunan sa palaruan ng eskwelahan namin kanina…ngunit naiba ang aking ginawa.

    Ria’s last blog post..Sa Gitna Ng Kaguluhan, Ang Kasagutan sa Lahat ay Payak (In the Midst of Chos, the Answer is Simple)

  43. Janelle says:

    nandito po ang lahok ko… medyo nahirapan ako sa tema ngayong linggo :)

    http://chicpinay.blogspot.com/2009/05/litratong-pinoy-lahat-ay-payak.html

    Janelle’s last blog post..Litratong Pinoy: Lahat Ay Payak

  44. Buge says:

    Ang saya nga maging bata… di bale pede naman tayong maging child at heart. :D Happy Thursday!

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Lahat Ay Payak (Everything Is Simple)

  45. pehpot says:

    parang nag sarap talaga maging bata.. walang problema puro tawa lang.. konting halik at kilita sobra sobrang ligaya na.. haaay..

    http://pehpot.blogspot.com/2009/05/lp-payak.html

    pehpot’s last blog post..Being Organized Without The Hassle

  46. Ken says:

    Hankering for a simple innocent life … :-) . I’m all for it.

    Ken’s last blog post..Ang payak na buhay na ninanais …

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] ang aking lahok para sa Litratong Pinoy na may temang Lahat ay Payak. Ang litratong ito ay kuha ko gamit ng Yashica FX-3 Super. Centuria 135 ASA 100 ang gamit kong [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled