LP 57: Nang Matapos

May 13, 2009 by admin  
Filed under LP entries

Magandang araw ng Huwebes, mga kasama! Simula na naman tayo ng isang tema na sana naman ay hindi kayo nahirapan sa pag-iisip ng inyong lahok, dahil sa totoo lang nahirapan ako! Pero kasabihan nga natin na ‘kung may tiyaga, ay may nilaga’ kaya naman sana ay tumama sa tema ang lahok ng inyong abang lingkod.

Pero bago ang lahat, atin munang batiin ang mga miyembro na nagseselbra ng kanilang kaawaran ngayon buwan ng Mayo! Ito ay sina:

Cez’t La Vie : 7 | Peachy: 10 | Shutter Happy Jen: 13 | Jeprocks: 14 | Clicking Away: 24 | Drstel: 25 | The Fickle MInded-NRC: 25 | Fran: 28 |  Scart: 29

Maligayang Kaarawan sa inyong lahat! Nawaý makamtan ninyo ang mga dalangin ng inyong puso!

Simulan na po natin. Ang tema sa Huwebes na ito ay ‘Nang Matapos’. Sa atin pong mga kasama na mahuhusay sa wikang Pilipino, alin po ba ang tamang gamitin:  ‘nang’ o ‘ng’ ? Marami po sa ating mga tema ay kontribusyon ng mga miyembro na nagsi-email o nag-iwan dito ng kanilang mga proposed themes [na bago ko makalimutan ay mag email lamang kayo (litratongpinoy@gmail.com) kung may mga proposal kayong tema] ang iba naman ay likha lamang ng inyong lingkod, tulad ng tema ngayong araw na ito. ‘Nang’  o ‘ng’ ay itama lang po ninyo ako dahil,   ‘matanda man ang kabayo, ay tumatanggap pa rin ng payo’ ;)

Bago mapunta sa edad ang usapan ay bumalik na tayo sa tema. Ito ang naisip kong ilahok.  Naisip ko na maraming bagay sa paligid na madaling kuhanan ng litrato pero may kanya-kanya silang istorya. Kagaya ng maigsing istorya ng botelya ng pabango na ito.

Bagong alay na regalo subalit isang araw, sa kasamaang palad ay nabangga at bumagsak sa konkretong sahig. Sumambulat hindi lamang ang halimuyak subalit pati na rin ang kanyang likido at pira-pirasong bubog. Masama man ang loob ay kinailangang linisin ang sahig at nang matapos ay ito ang tanging naiwan na alaala ng mabangong regalo…..

bottle

Magandang Huwebes ng L.P. sa inyong lahat!!

Comments

65 Responses to “LP 57: Nang Matapos”
  1. NANG para sa akin, d ako henyo sa wikang tagalog pero ang alam ko ay nang nga:) ganda ng larawan! syempre!:)

    cakesandladders’s last blog post..my mother’s day tulip plant, part 2 [Litratong Pinoy]

  2. CES says:

    narito pa po ang isa:) at maligayang bati sa lahat ng may beerday!:)

    CES’s last blog post..Litrato: in the end [nang matapos]

  3. sayang naman yung perfume….anong scent ito? :sad:

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#49: nang matapos (when it ended)

    ADMIN: ‘BOSS FEMME’ SAYANG TALAGA.

  4. Meeya says:

    sayang naman yang pabango mo! di bale, at least simula naman ito ng pagbango ng iyong bahay haha! great shot! :D

    Pagtatapos sa MyMemes
    Nang Matapos ang Paghahari sa MyParty

    Meeya’s last blog post..Ang Pagtatapos

  5. karmi says:

    happy birthday po sa mga LP celebrants! :)

    kahit po ako ay medyo nahirapan sa tema, pero challenge naman po. :) hehe.

    ilang beses na rin pong nangyari yan sa nanay ko, at minsan eh ako ang may kasalanan.. pero un nga, naging mabango naman ang kwarto nya. :) nakakatuwa namang ang isang simpleng bagay na yan ay magawan pa ng istorya :)

    karmi’s last blog post..nang matapos ang gabi..

  6. FickleMinded says:

    sayang nga, pero at least may naiwan naman na litrato :)

    FickleMinded’s last blog post..LP#25: Nang Matapos

  7. Thess says:

    HAPPY BIRTHDAY SA LAHAT NG MAY CELEBRANTS!!

    Mabangong sahig, lol! Happy LP, dear ka-LPs!

    Thess’s last blog post..Tapos na sa wakas! (LP 57)

  8. julie says:

    maligayang kaarawan sa mga binabati sa itaas! Nawa kayo ay pagpalain ng maraming biyaya! :smile:

    Naku, sayang naman ang pabangong iyan :cry:

    Maligayang araw ng Huwebes sa inyong lahat!

    julie’s last blog post..Ang Pagtatapos, Bow!

  9. Meeya says:

    ay, ang tama palang kataga ay “nang matapos”. kasi ang “nang” ay shotcut ng “na ang”, so parang kung babaguhin mo yung structure ng sentence parang magiging ganito: (example) “pagkatapos “na” lumubog “ang” araw”. ang “ng” kasi may patungkol sa pagmamay-ari: paglubog “ng” araw. or pagkawala “ng” pag-ibig. or pagtatapos “ng” pag-aaral. :)

    ayun lang, sana nakatulong (at hindi nakagulo, haha!)

    Pagtatapos sa MyMemes
    Nang Matapos ang Paghahari sa MyParty

  10. Pinky says:

    Di bale, at least kahit nabasag man siya, nakapagsabog naman siya ng halimuyak at bango sa isang bonggang-bonggang paraan, di ba? :mrgreen:

    Up na rin po ang aking 2-in-1 na lahok. Maligayang LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #s 56 & 57: Simula Pa Lamang…Nang Matapos

  11. peachy says:

    Salamat sa pagbati sa aking kaarawan.

    Narito ang aking lahok sa huwebes na ito. http://www.amazingsincebirth.com/2009/05/litratong-pinoy-nang-matapos.html

    peachy’s last blog post..Litratong Pinoy – Nang Matapos

  12. Dr Ener says:

    Alaala ng kabanguhan. Ang galing po ng interpretasyon!

    Heto po ang sa akin — http://siteseer.blogspot.com/2009/05/closed.html

    HAPPY LP!!! :)

    Dr Ener’s last blog post..Closed!

  13. naku naalaal ko yung tita ko, ang kanyang pinakakaingat-inagatang D&G na pabango ay mabasag din kasi tinago nya sa aparador para di makita ng mga pinsan kong babae. nakalimutan nyan doon nya tinago kaya nung may hablutin syang damit kasama ang pabango at nabasag…cheer up, the good thing is, may mabango kang room :D , as like for my tita, 3 days ang tinagal ng amoy. mas matagal pa sana kung may kisame kami

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778’s last blog post..LP # 57 : nang matapos (in the end)

  14. maver says:

    sa mata ng marami, ang hudyat ng pagtatapos ay ang paglubog ng araw kung kaya’t ito ang aking lahok:
    http://maver.wifespeaks.com/2009/05/lp-54-nang-matapos.html

    isang masayang huwebes sa inyo, mga kapwa litratista!

    maver’s last blog post..LP #54: NANG MATAPOS

  15. ilang araw naman kaya nangamoy pabango ang inyong bahay?

    HiPnCooLMoMMa’s last blog post..Nang Matapos : 48th Litratong Pinoy

  16. luna miranda says:

    sayang naman ang pabango! pero kahit basag ang bote, maganda pa rin ang litrato. :lol:

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: nang matapos (when it’s over)

  17. Ken says:

    Simple ang kagandahan ng pagkuha.

    Ken’s last blog post..Ani/Harvest

  18. Buge says:

    Nais ko munang bumati sa mga may kaarawan ngayong buwan na to… Maligayang kaarawan!!! :mrgreen:

    Nacoo, sayang naman ang pabango… pero di bale kase at least talagang naging memorable siya! Hihi!

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Nang Matapos

  19. Agring says:

    Happy Birthday sa lahat ng Birthday celebrants! God Bless you all!

    Great photo! Sayang nga pero bili nalang ulit..hehehe

    Agring’s last blog post..When it’s Finished/Nang Matapos (LP)

  20. babie says:

    Maligayang Huwebes!

    babie’s last blog post..Litratong Pinoy: Nang Matapos

  21. Mirage says:

    wahahaha @kabayo! :D

    Di ko napansin agad ang basag lol….ganda naman ng ilaw dito, naku sinetup mo na naman sa studio mo ano?

    shensha na late, hirap kasi ng tema hahaha jokish Ms Admin! Happy LP!

    Mirage’s last blog post..Nang Matapos/Finished – Litratong Pinoy

    ADMIN: SIGE KA, SIPAIN KA NG KABAYO! LOL! FLOURESCENT LAMP LANG YAN ;)

  22. yami says:

    Magandang Araw at Maligayang Kaarawan sa mga nagdiwang at magdiriwang ng kanilang kapanganakan ngayong buwan.

    Ikalawang lahok ko na po ito. :)

    yami’s last blog post..LP # 2: Nang Matapos

  23. rose says:

    sa totoo lang po nahirapan ako dito sa theme na ito.. pero i can manage hehe..
    eto po ang sa akin
    http://revolutionmotion.com/?p=2352

    happy bday sa mga me bday

  24. kiwipinoy says:

    :arrow: pupunasan ko ng panyo ang natapong pabango at ipaaphid ko saking sarili prang buong araw daig ko pa ang isang artista sa tindi ng pabango sa katawan :lol:

    http://kiwipinoy.blogspot.com/2009/05/nang-matapos-ang-45-minutong.html

  25. yeye says:

    3 in one plus one happy kaarawan sa lahat ng mga may babies!

    awww…sayang naman ung pabango…

    naku. akod in minsan hirap sa ng. alam ko ang “NG”, kasunod nun ay noun or pronoun. ang “NANG” naman kasunod nun ay adverb or verb. haha ewan di ako sigurado :D

    yeye’s last blog post..nang matapos na – LP#57

  26. kg says:

    napaganda! gusto ko ang tema ngayon linggo dahil maraming pwedeng maging kahulugan ito para sa bawat isa sa atin!

    maligayan huwebes! :)

    kg’s last blog post..LP: Nang matapos

  27. Cookie says:

    ay sayang naman. di bale, hiritan na lang uli ang nagregalo :D

    eto na pa ang lahok ko ngayong linggo….

    LP : Nang Matapos

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Nang Matapos

  28. peachkins says:

    Sayang naman ang pabangong iyan….

    Happy Kaarawan sa lahat ng may kaarawan ngayon buwan!

    peachkins’s last blog post..Funsize Bunwich

  29. pehpot says:

    aw! ang saklap naman nyan!

    eto po ang entry ko hihi

    http://pehpot.blogspot.com/2009/05/lp-done.html

    pehpot’s last blog post..In Bloom

  30. iris says:

    happy birthday sa mga May celebrants!
    at “nang” nga dapat ang gamitin :)
    matagal-tagal na din akong di nakasali ulit, kaya eto na ulit :)

    iris’s last blog post..Everything Everywhere

  31. Linnor says:

    marami ngang puedeng paksa para sa tema ngayon ng lp… :)

    Linnor’s last blog post..LP: Nang Matapos – A Surprise Award

  32. sassy mom says:

    naku. sayag naman! siguro ilang araw ding tumagal ang bango sa bahat nyo

    sassy mom’s last blog post..LP : Nang Matapos

  33. JUNNIE says:

    nang matapos ang paglago ng Cherry Blossoms…hindi ko na naabutan…

    http://pic.blogspot.com/2009/05/nang-matapos.html

  34. upto6only says:

    ang ganda ng iyong lahok. hindi ko naisip yan hehehe

    sana ay maibigan nyo din ang lahok ko :)

    upto6only’s last blog post..LP: Nang Matapos

  35. Tama po ang inyong paggamit ng “nang”.

    Ang “nang” po ay naglalarawan sa isang pangyayari o kung paano naganap ang isang bagay–kaya tama po ang salitang “nang matapos” o “nang tumakbo ang magnanakaw”.

    Ang “ng” ay ginagamit naman na pang-ugnay sa pangngalan o panghalip. Halimbawa: Ang laraman ng nanay, Ang nagnakaw ng litrato…

    “Nang” matapos ang boksing ay nagwagi “ng” 12 milyong piso si Paquiao.

    Nais ko po sanang lumahok sa Litratong Pinoy kung inyong mamarapatin.

    Marami pong salamat.

    dennis villegas’s last blog post..The Diving Boys of Quezon Bridge

  36. Awww, sayang naman! Parang maiiyak ako kung sa akin mangyari yan.

    Ang aking lahok ay naka post na.

    Salamat sa mga bumati para sa aking kaarawan, maligayang kaarawan din sa mga taong nagseselebra ng kani-kanilang kaarawan.

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Nang Matapos

  37. Rico says:

    Nangyari rin sa akin yan mga dalawang linngo na ang nakakaraan. Hindi pa nga nangangalahati yung bote. Sayang talaga!

    Rico’s last blog post..LP009: Nang Matapos

  38. kg says:

    napakaganda! gusto ko ang tema ngayon linggo dahil maraming pwedeng maging kahulugan ito para sa bawat isa sa atin!

    maligayang huwebes! :)

  39. Marites says:

    Sayang ang perfume, mahal pa naman ngayon yan:) maligayang LP sa lahat!!

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#50 Nang Matapos (When It Ended)

  40. peachy says:

    magandang huwebes!

    “Nang” ata siya kasi ginamit siya sa pagturing sa isang pandiwa? hehe! hindi ko rin sigurado :-) sayang naman ang pabango….

    ito naman ang sa akin http://mpreyes.blogspot.com/2009/05/litratong-pinoy.html

    happly LP!

    peachy’s last blog post..Litratong Pinoy

  41. scart says:

    sayang naman yung pabango dibale bibili nalng bago diba po? hehehe

    nakapost narin po yung akin sana may tumingin :p

    Maligayang Huwebes sa lahat!

    scart’s last blog post..LP#57 Nang Matapos (After)

  42. Ria says:

    Maligayang Huwebes! Na excite na ako dumalaw na mga blog ng mga ka-LP! Ito ang aking ikalawang pagsali at inaabangan ko ang aking pagiging tunay na ka-LP.

    Kitakits sa susunod!

    Ria’s last blog post..Nang Matapos. (In the End)

  43. an2nette says:

    Happy LP sa lahat. Maganda ang pagkakakuha ng nabasag na bote ng pabango, sabagay may mga nangyayari na di maiwasan.
    Mayo din ang birthday ko kaya lang tapos na nung mothers day-May 10
    Ito naman ang aking lahok http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/05/lp-57-nang-matapos.html

    an2nette’s last blog post..LP 57- Nang Matapos

  44. Ay… sayang! ganda pa naman ng bote.

    Ang aming lahok ay nakapost na rin.

    FamiliaKhuletz’s last blog post..Nang Matapos

  45. 2nette says:

    Magandang Huwebes sa lahat ng kasapi dito sa LP. Sa palagay ko tama ang paggamit ng “nang”, ilang araw din sigurong kumalat ang halimuyak ng pabango.

    Ito naman ang pangalawa kong lahok http://2nettestyle.blogspot.com/2009/05/lp-57-nang-matapos.html

    2nette’s last blog post..Plunger

  46. haze says:

    sayang naman yung pabango… ang ganda rin ng bote niya. sana makahanap ng kapalit. :)

    gandang araw ng LP!

    haze’s last blog post..LP#57: Nang Matapos

  47. ian says:

    sang-ayon po ako sa paliwanag = ang NANG ay ginagamit bilang pang-abay o panglarawan sa isang kilos (adverb). kung kaya’t tama mo ang paggamit sa tema =]

    salamat sa kwento ng babasaging sisidlan na nasa larawan! nawa’y hindi ka nabubog nang bumagsak ang naturang pabango =]

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy: NANG MATAPOS (After it was finished)

  48. iska says:

    Ako ay nasayangan din sa natapong pabango lalo na sa sentimental value dahil regalo pala ito.

    Sa abot ng aking nalalalaman sa wikang Tagalog, tama ang “nang” dahil iba ang gamit ng “ng”. :-)

    iska’s last blog post..LP57: Nang Matapos…

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled