LP 57: Nang Matapos
May 13, 2009 by admin
Filed under LP entries
Magandang araw ng Huwebes, mga kasama! Simula na naman tayo ng isang tema na sana naman ay hindi kayo nahirapan sa pag-iisip ng inyong lahok, dahil sa totoo lang nahirapan ako! Pero kasabihan nga natin na ‘kung may tiyaga, ay may nilaga’ kaya naman sana ay tumama sa tema ang lahok ng inyong abang lingkod.
Pero bago ang lahat, atin munang batiin ang mga miyembro na nagseselbra ng kanilang kaawaran ngayon buwan ng Mayo! Ito ay sina:
Cez’t La Vie : 7 | Peachy: 10 | Shutter Happy Jen: 13 | Jeprocks: 14 | Clicking Away: 24 | Drstel: 25 | The Fickle MInded-NRC: 25 | Fran: 28 | Scart: 29
Maligayang Kaarawan sa inyong lahat! Nawaý makamtan ninyo ang mga dalangin ng inyong puso!
Simulan na po natin. Ang tema sa Huwebes na ito ay ‘Nang Matapos’. Sa atin pong mga kasama na mahuhusay sa wikang Pilipino, alin po ba ang tamang gamitin: ‘nang’ o ‘ng’ ? Marami po sa ating mga tema ay kontribusyon ng mga miyembro na nagsi-email o nag-iwan dito ng kanilang mga proposed themes [na bago ko makalimutan ay mag email lamang kayo (litratongpinoy@gmail.com) kung may mga proposal kayong tema] ang iba naman ay likha lamang ng inyong lingkod, tulad ng tema ngayong araw na ito. ‘Nang’ o ‘ng’ ay itama lang po ninyo ako dahil, ‘matanda man ang kabayo, ay tumatanggap pa rin ng payo’
Bago mapunta sa edad ang usapan ay bumalik na tayo sa tema. Ito ang naisip kong ilahok. Naisip ko na maraming bagay sa paligid na madaling kuhanan ng litrato pero may kanya-kanya silang istorya. Kagaya ng maigsing istorya ng botelya ng pabango na ito.
Bagong alay na regalo subalit isang araw, sa kasamaang palad ay nabangga at bumagsak sa konkretong sahig. Sumambulat hindi lamang ang halimuyak subalit pati na rin ang kanyang likido at pira-pirasong bubog. Masama man ang loob ay kinailangang linisin ang sahig at nang matapos ay ito ang tanging naiwan na alaala ng mabangong regalo…..
Magandang Huwebes ng L.P. sa inyong lahat!!




sayang naman pero debali mabango naman yong sahig
eto rin aking lahok
ethel’s last blog post..nang matapos…
minsan di na napapansin kung tama ba ang mga gamit natin sa mga salitang atin, at sa pabango na nasayang, ayos lang yun, ngayon pa at may litrato na ang bote
at nang matapos http://kulot.shuttered-world.com/?p=75
eto po ang lahok ko ngayong linggo!! =)
http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/2009/05/lp-nang-matapos.html
ako’y nangingilabot sa bubog nguni’t Madame Admin, ang gara ng larawan niyo po, maari na kayong mag exhibit sa art gallery
!
habol ulit…STEL
stel’s last blog post..Litratong Pinoy #57: when it was over…nang matapos na…
it’s another huwebes mga kapatid!
Ang lahok ko sa linggo na ito ay sequel ng lahok ko last week.
See ya at my post.
Arlene’s last blog post..LP – Nang Matapos
ito ang lahok ko para sa linggong ito
shie’s last blog post..Litratong Pinoy : Nang Matapos
ang katapusan ng simula nuong isang linggo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2009/05/lp-57-nang-matapos.html
beybigurl’s last blog post..LP #56 :: Simula Pa Lamang
unang taon kong sumali dito. nandito ang lahok ko…
http://chicpinay.blogspot.com/2009/05/litratong-pinoy-nang-matapos.html
Janelle’s last blog post..Litratong Pinoy: Nang Matapos
hahabol pa din kahit byernes na. eto po ang aking lahok http://paulandtoni.com/?p=825 maligayang LP!
toni’s last blog post..LP: Nang Matapos
sayang naman… mahal pa naman ang pabango.
purplesea’s last blog post..LP 57: Nang Matapos
Ito po ang aking lahok sa LP ngayong linggo. Ang tagal ko nang di nakakasali sa mga pagkuha ng litrato ngunit nang makita ko ang bagong palahok ay nabuhay muli ang inspirasyon ng pagkuha mula sa mga anak ko.
http://chocolateword.net/2009/05/lp-nang-matapos/
Mahalia’s last blog post..Tara na’t Kumain
malamang kaysarap ng amoy ng pabango na ito…
ito naman po ang lahok ko sa linggong ito http://www.thesilentprincess.com/?p=362
silentprincess’s last blog post..LP: Nang Matapos
Heto na po ang aking lahok!
Sana po magustuhan ninyo
Marc Cruz’s last blog post..Nang Matapos
sa unang tingin akala ko ay ilaw para sa nakaraang Earth Day. Very deceiving.
Soye at huli…nag lakwatsa kasi.
Eto naman ang aking lahok…http://randomness-deblogged.blogspot.com/2009/05/nang-matapos.html
emarene’s last blog post..Vanity Plates
hahabol ako bago matapos ang thema na ito
ang aking lahok ay nang matapos ang aming bakasyon sa pinas
http://homeworked.blogspot.com/2009/05/nang-matapos-when-it-ended.html