LP 54: Gusali

April 23, 2009 by admin  
Filed under General

Maganda Huwebes po sa inyong lahat! Ang tema sa linggong ito ay GUSALI. Hindi ba kamangha manghang makita ang mga nag tataasang mga gusali lalo na sa siyudad? Minsa’y mapapa wow tayo dahil sa taas at galing sa pagkakagawa nito.

Sadyang malikhain ang mga tao sa pagbuo ng mga istrakutra na nag sisilbing mga higante sa modernong sibilisasyon. Diba’t may mga bansa pa ngang nag uunahan sa pagtatayo ng mga pinakamataas na gusali sa buong mundo at para masali pa sa prestihiyosong Guinness Book of World Records?

Hinanap ko ano ang pinaka mataas na gusali sa buong mundo sa ngayon at ito ang aking napag-alamanan:

As of March 29, 2009 Taipei 101 http://en.wikipedia.org/wiki/Taipei_101 na may 101 palapag ay ang pinakamataas na gusali sa buong mundo PERO ito ay natalo na ng BURJ DUBAI http://en.wikipedia.org/wiki/Burj_Dubai, ng Dubai, United Arab Emirates, ito’y tinatapos pa at may taas na 818 m (2,684 ft). Ang Burj Dubai ay nakatakdang matapos ngayong September 2009.

Eto po ang mga nakunan kong mga gusali ng akoy’ muling nagbakasyon sa Sydney Australia noong isang taon. Ang siyudad ng Sydney ay may mga naggagandahan at nagtataasang mga gusali at ito ay napakagandang tignan lalo na sa gabi.

lp_gusali_sydney1

At sino ba naman ang hindi mamangha sa Sydney Opera house na libo libong turista na ang kumuha ng litrato nito?

lp_gusali_sydney_2

Kung papansinin din natin, may iba’t ibang disenyo ng mga gusali gaya nito mga gusali sa Sydney na halos katapat ng tinuluyan naming hotel.

lp_gusali_sydney_3

Eto pa ang isa

lp_gusali_sydney_4

Eto naman po ay gusali ng Renaissance sa Makati City, kuha ko po ito nung Biyernes lamang nung kami’y nasa BSA Tower .

lp_gusali_makati1

Sana po’y nagustuhan nyo ang aking munting artikulo at mga litrato, ito po ang inyong panauhing litratista na si JENNY L http://jennys-corner.com . Salamat admin sa iyong paanyaya!!

« Previous PageNext Page »