LP 55: Tulay
April 30, 2009 by admin
Filed under LP entries
Magandang araw sa inyong lahat, mga ka-LP! Bago po tayo magsimula ay nais po naming ipaalam sa inyo na naging matagumpay po ang ating EBaliwan sa Litratong Pinoy na ginanap nuong nakaraang Sabado! Abangan po ninyo ang mga litrato at ating ipo-post sa lalong madaling panahon!
Umpisahan na natin ang kasayahan sa Huwebes na ito, ang ating tema: TULAY.
Napakaraming tulay sa kalakhang Maynila na marami sa atin ay araw araw na tumatawid sa mga ito. Naaalala nyo pa ba ang itsura ng mga ito 10 o higit pang taon ang nakaraan? Naaalala nyo ba ang mga panahon na halos ay ayaw nyong tawirin ang mga maliliit na tulay hindi lamang dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa mga estero nito kundi dahil naitatanong mo rin sa iyong sarili kung mabubuhay ka kaya kapag gumuho ang tulay at malibing ka sa mga basura sa ilalim nito?! Nakakatakot isipin!
Pero nagulat ako ng makauwi ako sa Pilipinas nuong nakaraang taon. Ang tulay na ito sa San Juan na malimit ko tawiran ay masasabi kong ‘mas malinis‘ keysa maraming taon ang nakalipas. Dito ako nakakakita ng mga batang paslit na may bitbit na mga plastik ng basura at sa tubig nila mismo inihahagis ang laman! Ang iba naman ay isinasabog ang laman na basura sa tubig at iniuuwi pa muli ang kanilang mga plastik (i-recycle daw!) Nakakapag-init ng ulo na tanawin!
Subalit hindi lamang naman basura ang mga tanawin sa mga tulay. Ayan sila, mga kalalakihat at kababaihan na naghahanapbuhay at hindi iniinda ang tindi ng sikat ng araw. Umulan o bumagyo ay nandyan sila, nagbabakasakaling kumita ng sapat na salapi sa araw- araw upang makabili ng pagkain para sa pamilya.
Tagpo sa tulay sa araw-araw.
Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat!





happy lp!
Narito pa ang isa kong lahok.
http://www.elegancefoodandwine.com/2009/04/litratong-pinoy-38-tulay.html
Something Purple’s last blog post..Litratong Pinoy #38 (Tulay)
sana nga maging malinis na ang mga tubig natin. Magandang Hwebes!
Em Dy’s last blog post..Di Para Kay Tarzan
talagang ganyan ano. ginagawang basurahan ang tubig sa ilalim ng tulay. nawa’y lahat ay makibahagi para ito maging malinis.
milet’s last blog post..LP 55 : Tulay (Bridge)
Nakakatuwa naman at mas malinis siya ngayon. Mabuti naman kung ganon. Ang ganda ng selective coloring na ginawa mo!
Bukas ko pa lang makukuha mga photos ko from EB. I’ll post asap.
Happy LP!
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay
Tipikal na tulay Pinas. Nakaka homesick, pati na rin ang makita ang mga tricycles!
Happy LP!
Thess’s last blog post..Tulay sa Thames (LP 55)
SM Centerpoint ba yan? may Sala na naman diyan for sure!
FickleMinded’s last blog post..LP#24:Tulay(Bridge)
oonga, sana ay magawan pa ng solusyon na maibalik ang dating ganda ng mga ilog at tulay sa atin…
CES’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay [Bridge]
Love ko ang b&w photos. Ganda!
http://sweetagring.com/?p=884
Agring’s last blog post..Silver
nakakalungkot talaga na makita mong ginagawang basurahan ang mga ilog noh, walang mga malasakit,grrrrrrr…
maiba naman, salamat at hindi ako kulelat ngayong linggong to ^_^
HiPnCooLMoMMa’s last blog post..Tulay (Bridge) : 56th Litratong Pinoy
Kakaiba nga ang mga tagpo sa mga tulay sa Pilipinas. Onli in da pilipins ika nga.
…Ito po ang Tulay ni Shuttercow.
Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #55: Tulay (Bridge)
ito pa po ang isa kong lahok…at i agree with titaT…namiss ko bigla ang ganitong tanawin:)
CAL’s last blog post..Black-White Monday Shots: airplane
maligayang huwebes!
ito ang aking nakunang tulay sa cebu…
http://www.amazingsincebirth.com/2009/04/litratong-pinoy-tulay.html
peachy’s last blog post..Litratong Pinoy – Tulay
Yan ang “tulay ng buhay” na tipikal na tipikal sa Pilipinas.
Happy LP sa lahat!
Pinky’s last blog post..LP #55: Tulay
hahaha! lagi ako naglalakad dito ah! master taga saan po ba kayo? n sana po makasali ako sa samahan nyong mga photographer! baguhan lang kasi ako sa pag hawak ng camera… gusto ko po matuto at makisama sa inyo!
maraming salamat poh!
DEADPOOL’s last blog post..NEW YORK street
cool,.saan ito?
anyway, eto ang aking lahok
http://revolutionmotion.com/?p=2287
rose’s last blog post..Bridge o tulay
Nakakatuwa yung pangalawang litrato, very typical Pinoy scene – yung tricycle nasa tulay na.
Ito naman ang lahok ko. http://randomness-deblogged.blogspot.com/2009/04/tulay-bridge.html
emarene’s last blog post..Tulay (Bridge)
kainis na SamrtBRO, 2hrs walang signal, late 2loy ako
2nay ngang matagumpay ang EBaliwan, ubos ang baterya sa kakakuha ng litrato
at ang saya-saya. sa lahat ng nakadalo, patingin ng litrato nyo, lalo na yung nasa aliwan festival
sa SM sta.Mesa ba yan? sana naman malinis nila ang estero para hindi sila ,perwisio sa baha.
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Jay – Agent112778’s last blog post..LP # 55 : Tulay (bridge)
marami pa rin pasaway pagdating sa tamang pagtapon ng basura.
luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: tulay (bridge)
Pasaway is the right term Luna, hindi nga lang masaway…kaya nakakalungkot kasi pag sa ibang bansa naman maayos sinusunod ang panuntunan bakit pag sa pinas walang disiplina…
Anyway tama na lungkot, Happy LP!
Mirage’s last blog post..Tulay/Bridge – Litratong Pinoy
hmmm yun na nga ang naiisip ko… kung dapat bang magpasalamat dahil “kinakaya” ng mga Pinoy ang kahirapan at “nasasanay” na tayo kaya hindi na natin iniinda ang kasalatan na nagdadala sa atin sa estado ng pagkikibit-balikat (we just shrug everything off –> complacency) o dapat hindi tayo kailanman pumayag na masadlak sa kahirapan at pakilusin ang langit at lupa upang umunlad… *haaay*
ian’s last blog post..Litratong Pinoy: TULAY (Bridge)
pila ng tricycle sa tulay, di ba dapat bawal yn?
Masaya ang ipinakikita ng aking tulay. Naisip ko na sa panahon ng mga kalungkutan, krisis, at sakit … kelangan naman nating mangiti minsan.
Kay’s last blog post..Litratong Pinoy # 4: Tulay
yan ang karaniwang tanawin sa tulay sa pinay lalo na sa mga liblib at mataong lugar, kulang pa nga yan e, dapat may nakikita ring lumulutang na mga basura, pasensya na po…
ito naman po ang aking poste http://kulot.shuttered-world.com/?p=64
may pag-asa pa, lilinis ulit ang tubig kung magtutulong-tulong!
maligayang Huwebes ba? o Miyerkoles?
http://www.babyrambutan.net/2009/04/29/litratong-pinoy-55-tulay-bridge/
stel’s last blog post..Litratong Pinoy #55: tulay (bridge)
sa malayo, sa malapitan, sa ilalim, sa tagiliran ang tulay na ito ay napakaganda!
http://pic.blogspot.com/2009/04/tulay.html
Parang alam ko kung saan ito ah! Sa may likod ito ng SM Canterpoint hindi ba?
Maligayang araw mga ka-LP!
Rico’s last blog post..LP007: Tulay
Sana nga ay mapanati;ing malinis ang mga tulay at tubig natin. Maligayang Huwebes!
eto po ang kalahok ko para sa linggong ito..
http://mushings.com/?p=819
leirs’s last blog post..LP 55: Tulay (Bridge)
narito po ang aking lahok
upto6only’s last blog post..LP: Tulay
dasal ko lang na sana mapanatili at magpatuloy na maging malinis ang mga tubig sa tulay para sa kaligtasan at kalusugan ng sambayanan.
ito na ang sa akin..
http://www.pinaylighterside.com/2009/04/litratong-pinoy48-tulaybridge.html
MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#48 Tulay(Bridge)
Down kanina ang LP site.. buti ngayon okay na. Ang kwela naman ng mga tricycle drivers…
Ang aking tulay ay naka post na po.
ShutterHappyJenn’s last blog post..Tulay (Bridge)
nakakatuwa naman yung naka peace sign sa huling litrato.
maligayang huwebes!
babie’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay
Gusto ko ‘yung pangalawa, it’s so typical all over the Pinas.
Ken’s last blog post..Across the universe
Sa atin lang sa Pilipinas, ginagawang terminal ng tricycle ang mga tulay.
Happy LP!!!
Ang aking lahok — http://siteseer.blogspot.com/2009/04/not-london-bridge.html
mukhang mahihirapan sila ibalik sa dati ang tubig sa ilog kung hindi madi-disiplina ang mga tao na pangalagaan ang kalikasan. Nice entry BTW.
eto po ang aking lahok:
http://jayzanne.blogspot.com/2009/04/lp-tulay.html
tambay rin ako sa centerpoint dati pero parang hindi ko maalala ang tulay na ‘to.
tama! sana malinis ang mga ilog natin
marlster’s last blog post..lp 30.04.08 – tulay
sadyang kalungkot nga tignan ang mga tulay natin … minsan marumi , makitid at gaya nyan maraming nakahambalang
eto po akin:
http://jennys-corner.com/2009/04/litratong-pinoy-tulay-bridge.html
~~jennyL~~’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay (Bridge)
eto pa po ang isang lahok ko..
http://jennytalks.com/2009/04/litratong-pinoy-tulay-bridge.html
~jennytalks~’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay (Bridge)
grabe, ang laki na nga ng pagbabago ng tulay na yan. akalain mo noon eh wala pa yung SM na nasa gilid nyan. di na rin ako magugulat kung yung mga dumi sa creek eh galing sm din.
hapy LP sa inyo!
haze’s last blog post..fare thee well, grissom
Sadyang nakakalungkot tlga ang mga tulay dito sa pinay hayy..
Eto ang akin: http://edsnanquil.com/?p=1416
Eds’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay {Bridge}
kakalungkot naman ang nangyari diyan
Ang tulay sa aking blag na naitayo na, salamat sa mga buwis ng taong bayan.
Julie’s last blog post..Tulay Para sa Kaunlaran
Hi! na remind bigla ako ng sitwasyon nung kamiy naninirahan pa sa maynila, tubong maynila talaga ako at nasaksihan ko ang lahat ng development diyan, nice shots and a wake up call sa ating gobyerno, maligayang LP
eto naman ang aking lahok na kahit nasa malayong lugar kami sa spain ay nakaentry pa rin, http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/04/lp-55-tulay-or-bridge.html
an2nette’s last blog post..LP 55- Tulay or Bridge
Maligayang LP sa lahat, sana ay mabigyan pansin ng ating pamahalaan ang mga tulay na nangangailangan ng repair, nice pictures
entry ko sa isa ko pang blog http://2nettestyle.blogspot.com/2009/04/lp-55-bridge-or-tulay.html
2nette’s last blog post..Store Opening Hours
magandang huwebes ng hapon!
eto ang aking TULAY na lahok!
Tere’s last blog post..Litratong Pinoy: Tulay | Old Mactan Bridge in Cebu
ito po ay ang aking unang pagkakataon na sumali sa inyong lingguhang sharing.
napakaraming magagandang tulay ang nakita ng dahil sa inyong pakikibahagi.
eto po ang aking lahok: http://beyondscraps.blogspot.com/2009/04/litratong-pinoy-1-tulay-bridge.html
Liza’s last blog post..litratong pinoy 1 – tulay (bridge)
Ngyahahaha – kulelat na naman ako!
huli man daw at magaling, naihahabol din! eto ang aking lahok sa linggong ito!
magandang gabi!
kg’s last blog post..LP2: tulay
Happy LP Hwebes po. Heto ang aking mga lahok, magkaibang mga tulay
http://www.mariegvergara.com/?p=602
http://vanidosa.blogspot.com/2009/04/lp-55-tulay.html
pahabol bago magtapos ang huwebes
…
http://maver.wifespeaks.com/2009/04/lp-52-tulay.html
happy lp!
maver’s last blog post..LP #52: TULAY