LP 55: Tulay
April 30, 2009 by admin
Filed under LP entries
Magandang araw sa inyong lahat, mga ka-LP! Bago po tayo magsimula ay nais po naming ipaalam sa inyo na naging matagumpay po ang ating EBaliwan sa Litratong Pinoy na ginanap nuong nakaraang Sabado! Abangan po ninyo ang mga litrato at ating ipo-post sa lalong madaling panahon!
Umpisahan na natin ang kasayahan sa Huwebes na ito, ang ating tema: TULAY.
Napakaraming tulay sa kalakhang Maynila na marami sa atin ay araw araw na tumatawid sa mga ito. Naaalala nyo pa ba ang itsura ng mga ito 10 o higit pang taon ang nakaraan? Naaalala nyo ba ang mga panahon na halos ay ayaw nyong tawirin ang mga maliliit na tulay hindi lamang dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa mga estero nito kundi dahil naitatanong mo rin sa iyong sarili kung mabubuhay ka kaya kapag gumuho ang tulay at malibing ka sa mga basura sa ilalim nito?! Nakakatakot isipin!
Pero nagulat ako ng makauwi ako sa Pilipinas nuong nakaraang taon. Ang tulay na ito sa San Juan na malimit ko tawiran ay masasabi kong ‘mas malinis‘ keysa maraming taon ang nakalipas. Dito ako nakakakita ng mga batang paslit na may bitbit na mga plastik ng basura at sa tubig nila mismo inihahagis ang laman! Ang iba naman ay isinasabog ang laman na basura sa tubig at iniuuwi pa muli ang kanilang mga plastik (i-recycle daw!) Nakakapag-init ng ulo na tanawin!
Subalit hindi lamang naman basura ang mga tanawin sa mga tulay. Ayan sila, mga kalalakihat at kababaihan na naghahanapbuhay at hindi iniinda ang tindi ng sikat ng araw. Umulan o bumagyo ay nandyan sila, nagbabakasakaling kumita ng sapat na salapi sa araw- araw upang makabili ng pagkain para sa pamilya.
Tagpo sa tulay sa araw-araw.
Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat!





Kakalungkot naman yan. Meron talagang walang pakundangan kung agtapon ng basura kahit saan pero positive ako na gaganda rin ang lugar na yan.
Gandang gabi…. Hahabol po ako
Huli man ay nakahabol pa rin!
Joy’s last blog post..LP: Tulay (Bridge)
hay! ngayon ko lang naidagdag ang aking komento. nahirapan ako mag-konek sa LP site kahapon. Sana’y mabigyan niyo pa rin ng oras na bisitahin ang aking lahok:
http://www.maureenflores.com/2009/04/litratong-pinoy-tulay-bridge.html
Magandang araw mga ka-LP!
Eto ang aking lahok –
http://www.joarduo.com/2009/04/litratong-pinoy-tulay-bridge.html
JO’s last blog post..Freedom!
kung lahat lang ay magtutulong-tulong, kaya namang buhayin pa ang mga ilog.
ako na siguro ang pinakahuling sumali sa LP. Pasensya na – huli man daw at magaling – huli pa din.
magandang araw sa inyo!
bunnygirl / chryseisvivienne’s last blog post..Bridges (mga tulay)
Eto po ang aking lahok sa linggong ito…
http://ruthay.net/2009/05/litratong-pinoy-8-tulay.html
ruthay’s last blog post..Litratong Pinoy #8: Tulay
itong post na ito at isang realidad…nakakalungkot pero sana lang ay matugunan pa din ng pansin ng mga may katungkulan. natuwa talaga ako sa posing ni manong bosing sa huling picture
dito po ang sa akin kahit na huli na : Hampden Suspension Bridge: Oldie But Goodie sana’y inyong mabisita pa din.
paumanhin po kung ako ay nahuli…narito ang lahok kong Sydney Harbour Bridge para sa temang ‘tulay’.
Liau’s last blog post..Sydney Harbour Bridge
hello mga ka-litratista. Yung tulay ko po naka post na. pasensya na late na naman ako.
ang ganda mo ng mga kuha nyo. san po yan sa Quiapo?
Maligayang LP sa lahat! Bukas ako dadalaw sa mga bahay nyo dahil madaling araw na dito at gising paako
scart’s last blog post..LP#55 Tulay!
sana naman magkaroon na ng disiplina ang mga tao sa tamang pagtatapon ng basura..
andito po ang aking entry:
http://pehpot.blogspot.com/2009/05/lp.html
pehpot’s last blog post..X Men Origins: Wolverine
Sana maging bukas na sa tao ang karunihan ng mga tulay. sana magustuhan ninyo ang aking larawan
rachel galvez’s last blog post..Walking
http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/05/tulay.html
rachel galvez’s last blog post..Walking
nahuhuli ulit…
magandang lp!
korky’s last blog post..LP #55 Tulay
Magandang araw sa lahat.
Ako po ay isang baguhan dito sa LP at baguhan din sa larangan ng pagkuha ng litrato. Natuwa po akong sumali rito dahil nakita kong aktibo ang grupo. Sana ay magustuhan ninyo ang aking unang lahok.
Sana matuto ang mga tao ng tamang pagtatapon. Nakakaawa yung mga katubigan natin.
Marc Cruz’s last blog post..Tulay
ako po c marinel sasabihin ko po na super ang ganda ng mga picture na ipinapakita ng LITRATONG PINOY swak na swak po talaga minsan nagigising po ako
ng maaga para lang po bukasan yung computer kac ang ganda po talaga eh