LP 53: Hardin

April 15, 2009 by  
Filed under LP entries

Sa paksang ito ay samahan ninyo ako sa isang maigsing paglalakbay (o paglangoy?) upang patunguhan ang kakaibang uri ng ‘hardin’, na sa Huwebes na ito ay nais kong ibahagi sa inyo.

Sa ating paglalakbay ay kailangan natin ang umupa ng bangkang de motor na tulad nitong nasa larawan….

boats4rent

Nasaan ba tayo?

Tayo ay nasa lugar na tinatawag na “Floating Market’  o “Dumnoen Saduak” na matatagpuan sa bansang Thailand.

floating_market

Sadyang popular ang lugar na ito hindi lamang sa mga lokal na mamayan ng Thailand kundi lalo na sa mga turista. Ilang beses ko na rin nadalaw ang lugar na ito pero tila ba hindi ako nagsasawa. Hindi ko alam kung mayroon tayong ganitong lugar sa bansang Pilipinas pero minsan ay nauusal ko sa aking sarili na sana naman ay mayroon nga dahil nakakatulong ang ganitong ideya para sa industriyang turismo at sa mga mamamayang namumuhay sa lugar na gaya nito.

turista

Talagang siksikan! Kaya’t huwag ka hahawak sa gilid na iyong bangka dahil madudurog at  baka maputol ang mga daliri mo kapag naipit ng mga makakasanggang bangka! Marami sa nagsasagwan ng bangka ay babae. Laman ng kanilang mga bangka ay mga pangkalakal na tulad ng pagkain (oo maari kang bumili ng noodles, chicken satay, kanin na may ulam,  prutas, gulay at pati na rin mga kakanin) na habang kumakain ka ay kanilang hihintayin na matapos upang makuha pabalik ang kanilang mga mangkok (kung noodles ang binili mo.) Mayroon ding itinitindang mga bulaklak, malamig na inumin, sombrerong gawang lokal, bags, pitaka, atbp. Kung marunong ka ng salitang Thai ay mas mainam para makatawad ka sa presyo. May mga tindahan din sa paligid na kung saan ang mga ito ay nagbebenta ng mga souvenirs. Marami ding pekeng mga bags tulad ng LV o Chanel. Kung sa Greenhills (San Juan, Pilipinas) ito ay ibinibenta sa halagang P 5,000.00 asahan mong sa Thailand ay  kalahati lang ang presyo nito (o mas mababa pa kung marunong kang tumawad.)

tayo na…..malapit na sa kaibuturan ng ating paksa….

bangka

Nandito na tayo!

Maraming bahay sa paligid ng ilog na ito. Marami dito ay  hindi yari sa bato o konkreto, bagkus ay yari sa kahoy na nabubulok dahil sa pagkaka-babad sa tubig at nagigiba. Mayaman ang paligid ng ilog na ito sa mga berdeng pananim, maraming mga puno. Subalit marami sa mga naninirahan dito ay nagkakasya sa pag alalaga ng mga tanim sa paso! Yan ang kanilang mga hardin. Sino ang maysabing ang hardin ay kinakailangang may piraso ka ng lupa at duon ka lamang maaring magtanim?

hardin1

Dahil sa hitik sa mga puno at masukal na lugar, makakakita ka ng mga hayop na tulad ng bayawak sa tubig na eksperto sa paglangoy! (maari mong i click ang larawan para mas makita ang bayawak)

bayawak

Ang lalaking ito ay nag re-relax sa silong ng kanyang bahay kasama ang kanyang alagang sawa. Nahuli lang kaya nya ito sa paligid?

lalaki_at_sawa

Isa pang simple subalit payak na hardin.

hardin2

Sana ay nagustuhan nyo ang ating mini tour.

Isang maligayang Huwebes ng L.P. sa inyong lahat. Khop Khun Mak!

Comments

82 Responses to “LP 53: Hardin”
  1. uy…ang aga pala ng hardin theme ngayon! hehe :lol:

    wish kong makapunta ng thailaaaaand! (at kumain ng kumain ng thai food!) :lol:

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#46:hardin (garden)

  2. milet says:

    ang ganda naman ng mini tour. happy LP!

    milet’s last blog post..LP 53 : Hardin

  3. CES says:

    hinanap ko pa talga ang hardin haha! may similarity sa Pinas ang ganyang larawan ano? maligayang LP! and belated happy easter to all!

    CES’s last blog post..Litrato: Hardin [Garden]

  4. yes…first honor pa rin pala ako! akala ko na-wow mali ako kanina. haha! :wink:

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#46:hardin (garden)

  5. milet says:

    pasensya po. mali ung link na nailagay ko. nde na copy. kaya iba ang napaste.

    milet’s last blog post..LP 53 : Hardin

  6. maver says:

    sana, makapunta din ako dyan balang araw.

    eto ang aking lahok:
    http://maver.wifespeaks.com/2009/04/lp-50-hardin.html

    maver’s last blog post..LP #50: HARDIN

  7. betchay says:

    hindi pa ako nakarating diyan… sana makapunta rin ako

    happy lp!

    betchay’s last blog post..LP: Hardin/Garden

  8. naalala ko rin ang water village o kampong ayer sa Brunei sa mga larawang ito lalo na ang huli…

    cakeandladders’s last blog post..Hardin [Litratong Pinoy]

  9. jeanny says:

    salamat sa pag tour. Lovely place!

    Happy LP

    jeanny’s last blog post..LP: Hardin sa probinsya

  10. Mirage says:

    may trip to the garden na may boat ride pa! Unique! Happy LP!

    Mirage’s last blog post..Hardin – Litratong Pinoy

  11. Cookie says:

    namiss ko ang thailand. minsan pa lang ako nakakarating dyan nung honeymoon ko :)

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Hardin

  12. Yen says:

    Na miss ko tuloy ang Thailand and Floating Market!

    Mine is up;)

  13. Thess says:

    Yan ang gusto ko balik-balikan…ngayon na! :mrgreen:

    Hello ka LPs! na miss ko kayo ha! :mrgreen:

    Thess’s last blog post..Hardin ni Augustus (LP 53)

  14. gusto ko rin ma experience ang floating market :D

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778’s last blog post..LP # 53 : Hardin (garden)

  15. Pinky says:

    Salamat sa pagbabahagi ng kakaibang mga hardin na ito! :mrgreen:

    Maligayang LP at belated happy Easter sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #53: Hardin

  16. Dr Emer says:

    Ang galing naman ng Thailand tour na ito. Salamat sa napakagandang pakikibahagi mo ng iyong paglalakbay sa amin, Madam LP.

    Ito po ang aking lahok — http://siteseer.blogspot.com/2009/04/only-when-it-rains.html

    Happy LP sa inyong lahat!

    Dr Emer’s last blog post..Only When It Rains

  17. Dr Emer says:

    Magandang pumunta sa Thailand ngayon, balita ko ay bababa daw sa susunod na buwan ang pamasahe. :-)

    Dr Emer’s last blog post..Only When It Rains

  18. emarene says:

    Magandang Huwebes po! Napakaganda ng inyong ideya sa linggong ito. Para na rin akong nakapunta sa Thailand, at naalala ko pa ang mga tanim sa Pilipinas.

    Ito na man po ang aking lahok.

    http://randomness-deblogged.blogspot.com/2009/04/hardin-garden.html

    emarene’s last blog post..Hardin (Garden)

  19. Em Dy says:

    Di ko ito napuntahan sa Bangkok. Sayang, lalo na’t ngayon nakakatakot ng bumalik.

    Magandang Hwebes!

    Em Dy’s last blog post..Paraiso

  20. Wow…maaga ako ngayon hehehe…

    medyo mahirap sa akin ang tema ngayon pagkat wala akong hardin dito sa Abu Dhabi pero sana magustuhan nyo pa din ang aking litrato :-)

    Happy LP

    laagansagayud’s last blog post..Litratong Pinoy: Hardin

  21. Kaje says:

    hindi ko napuntahan yan nung bumisita ako sa bangkok…salamat sa pagdala sa akin duon sa pamamagitan ng mga larawan mo :)

    andito naman ang aking lahok http://kajesalvador.com/?p=229

    maligayang huwebes!

    Kaje’s last blog post..LP53 – Hardin

  22. an2nette says:

    Happy LP! i miss it. nagpunta kami diyan pero di kami sumakay ng bangka kasi mahiluhin ako, nice and clear photos
    my entry http://tonette-bachmann.blogspot.com/2009/04/litratong-pinoy-nr-53-hardin.html

    an2nette’s last blog post..Litratong Pinoy Nr. 53- HARDIN

  23. rose says:

    wow.. para na rin akong nakarating ng thailand..hihi

    isa yan sa mga gusto kong puntahan.. dahil gusto kong matikman ang original na padthai hehe..

    eto naman ang sa aking hardin..
    http://revolutionmotion.com/?p=2239
    happy thursday sa lahat and happy easter na din kahit late

    rose’s last blog post..Hardin

  24. 2nette says:

    Nice tour idea, tama ka kahit sa paso lang ang tanim ay mistulang hardin na rin yon.

    my other blog’s entry http://2nettestyle.blogspot.com/2009/04/lp-53-hardin-or-garden.html

    2nette’s last blog post..LP 53- Hardin or Garden

  25. adinille says:

    kakaibang hardin pala ito… hahah! ang galeng!!!

  26. Isa ito sa naibigan ko noong nagpunta kami ng Thailand :)
    salamat sa pag-paalala kung gaano kaganda ang tour na iyan :)

    narito ang aking lahok: http://www.stripeatyellow.com/2009/04/litratong-pinoy-41-hardin.html :smile:

    Stripe&Yellow’s last blog post..Litratong Pinoy #41 (Hardin)

  27. Eto naman ang isa ko pang lahok:
    http://www.elegancefoodandwine.com/2009/04/litratong-pinoy-36-hardin.html

    maligayang LP sa lahat! :smile:

    Something Purple’s last blog post..Litratong Pinoy #36 (Hardin)

  28. Buti ka pa at napuntahan mo ang floating market … at nakakatuwa na kahit lumulutang sila sa tubig eh nakakapagayos pa sila ng kanila hardin.

    Heto ang aking lahok: http://chryseisvivienne.wordpress.com/2009/04/15/imperial-garden/

    chryseisvivienne’s last blog post..Imperial Garden

  29. kiwi.pino says:

    prang “venice of the east”, yan ang kalyeng forever na baha :lol:

  30. sha says:

    just came back from trip pero ces reminded me hardin daw at sure daw sya marami ako pics… so hayon nakasali na rin..

    sha’s last blog post..hardin.. Litratong Pinoy 53

  31. MArites says:

    parang venice na magulo hehehehe! pero, in fairness, natuwa ako sa lumalangoy na bayawak ha. ang tapang niya.

    MArites’s last blog post..Litratong Pinoy#46 Hardin (Garden)

  32. julie says:

    Ang ganda kaya lang, kakatakot yung mga bayawak at sawa :lol:

    Happy LP sa lahat!

  33. Hindi dapat palampasin ang ganitong pagkakataon kapag ang isang tao ay pumunta ng Thailand.

    Ang aking lahok ay naka-post na rin! Gandang araw!

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Hardin (Garden)

  34. Marc Cruz says:

    Balang araw makakapunta din ako dyan…
    magsisikap ako!

    Eto ang aking lahok http://www.hobbyista.com/?p=50

    magandang umaga sa lahat ng lahok!

    Marc Cruz’s last blog post..Hardin o Hardinero

  35. Leah says:

    kakaiba ngang hardin yan!

    narito naman ang lahok ko: http://leahjoseph.com/2009/04/16/lp-hardin-garden/

    Leah’s last blog post..LP: Hardin (Garden)

  36. Leah says:

    wow, kakaiba ngang hardin yan!

    narito naman ang lahok ko: http://leahjoseph.com/2009/04/16/lp-hardin-garden/

    Leah’s last blog post..LP: Hardin (Garden)

  37. Marites says:

    huhuhu! sana pumasok na ito, kanina ko pa sinusubukan pero ayaw pa rin..

    eto na…parang Venice nga siya na magulo :) katuwa naman iyong bayawak at buhay pang lumalangoy. Buti hindi kinain :D

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#46 Hardin (Garden)

  38. Sana makarating ako diyan.

    Naka-post na ang aming hardin.

    FamiliaKhuletz’s last blog post..Hardin (Garden)

  39. peachkins says:

    Noong nagpunta kami sa Thailand ay hindi kami nakapunta dyan.Marami sigurong mabibili ano?

    peachkins’s last blog post..LP: Hardin

  40. Shuttercow says:

    Astig! Nais ko ring marating ang lugar na iyan.

    Ito po ang Hardin ni Shuttercow

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #53: Hardin

  41. sassy mom says:

    Ang galing ng mini-tour. Parang nakapunta na rin ako. :lol:

    sassy mom’s last blog post..Litratong Pinoy : Hardin

  42. Mauie says:

    Ayos na ayos ang tour, para na rin akong nakapunta sa floating market. Akala ko puro pagkain lang ang nabibili diyan, para rin pala siyang Greenhills. May nagtitinda din kaya diyan ng dibidi? :mrgreen:

    Eto po ang aking lahok ngayong Huwebes: :mrgreen: http://www.maureenflores.com/2009/04/litratong-pinoy-hardin-garden.html

  43. stel says:

    Madame LP, maganda ang hardin sa tabing ilog, ang gaganda ng iyong mga larawan! pero ayoto talaga ng bayawak at sawa, takot ato!
    http://www.babyrambutan.net/2009/04/15/lp-53-good-luck-in-the-garden-hardin/

    stel’s last blog post..LP 53: good luck in the garden (hardin)

    stel’s last blog post..LP 53: good luck in the garden (hardin)

  44. upto6only says:

    ito ang bahagi ng Thailand ang hindi ko nakita ng nakapunta ako duon nuong isang taon. :)

    Ito ang aking lahok. http://upto6only.i.ph/blogs/upto6only/2009/04/16/lp-hardin/

    upto6only’s last blog post..LP: Hardin

  45. Mitch says:

    Ganda naman ng mga litrato!

    Eto nga pala ang akin http://www.etc-atbp.com/2009/04/lp-hardin/

    Mitch’s last blog post..LP : Hardin

  46. carnation says:

    common sight nga talaga ang mga iyan dito sa thailand.

    carnation’s last blog post..LP53: Hardin (Garden)

  47. Rico says:

    Salamat sa tour ng Thailand.
    Nakatutuwa nga na may hardin pa rin ang mga taong nakatira dyan.
    Paborito ko yung pang apat na kuha. Kitang kita yung siksikang mga tao at bangka.

    Rico’s last blog post..LP005: Hardin

  48. jes says:

    wow nakakatakot naman na me bayawak na lumalangoy sayung paligid..ngunit mukhang sanay na sanay na sila! =0 narito po ang aking lahok – http://ishiethan.blogspot.com/2009/04/lp-hardin.html

    jes’s last blog post..My Husband and I will Marry Again!

  49. Eds says:

    Tunay na kakaibang hardin nga ito… sa wakas at nakasali ako sa linggong ito :)

    http://edsnanquil.com/?p=1393

    Eds’s last blog post..Litratong Pinoy: Garden

  50. scart says:

    yay! sa wakas litratong pinoy na hehehe

    ganyan pala sa thailand ano matubig. ganda po ng mga kuha nyo. ako rin po may lahok para sa linggong ito. bukas na po ako dadalaw sa mga bahay bahay nyo. Happy LP!

    http://www.scarty.com/pictures/lp53-hardin-garden

    scart’s last blog post..LP#53 Hardin (Garden)

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] Andito ang iba pang lahok ng ibang litratistang Pinoy! (Click the link to view the other entries) [...]

  2. [...] Para sa ika-53 na Litratong Pinoy, Hardin. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge