LP 53: Hardin

April 15, 2009 by  
Filed under LP entries

Sa paksang ito ay samahan ninyo ako sa isang maigsing paglalakbay (o paglangoy?) upang patunguhan ang kakaibang uri ng ‘hardin’, na sa Huwebes na ito ay nais kong ibahagi sa inyo.

Sa ating paglalakbay ay kailangan natin ang umupa ng bangkang de motor na tulad nitong nasa larawan….

boats4rent

Nasaan ba tayo?

Tayo ay nasa lugar na tinatawag na “Floating Market’  o “Dumnoen Saduak” na matatagpuan sa bansang Thailand.

floating_market

Sadyang popular ang lugar na ito hindi lamang sa mga lokal na mamayan ng Thailand kundi lalo na sa mga turista. Ilang beses ko na rin nadalaw ang lugar na ito pero tila ba hindi ako nagsasawa. Hindi ko alam kung mayroon tayong ganitong lugar sa bansang Pilipinas pero minsan ay nauusal ko sa aking sarili na sana naman ay mayroon nga dahil nakakatulong ang ganitong ideya para sa industriyang turismo at sa mga mamamayang namumuhay sa lugar na gaya nito.

turista

Talagang siksikan! Kaya’t huwag ka hahawak sa gilid na iyong bangka dahil madudurog at  baka maputol ang mga daliri mo kapag naipit ng mga makakasanggang bangka! Marami sa nagsasagwan ng bangka ay babae. Laman ng kanilang mga bangka ay mga pangkalakal na tulad ng pagkain (oo maari kang bumili ng noodles, chicken satay, kanin na may ulam,  prutas, gulay at pati na rin mga kakanin) na habang kumakain ka ay kanilang hihintayin na matapos upang makuha pabalik ang kanilang mga mangkok (kung noodles ang binili mo.) Mayroon ding itinitindang mga bulaklak, malamig na inumin, sombrerong gawang lokal, bags, pitaka, atbp. Kung marunong ka ng salitang Thai ay mas mainam para makatawad ka sa presyo. May mga tindahan din sa paligid na kung saan ang mga ito ay nagbebenta ng mga souvenirs. Marami ding pekeng mga bags tulad ng LV o Chanel. Kung sa Greenhills (San Juan, Pilipinas) ito ay ibinibenta sa halagang P 5,000.00 asahan mong sa Thailand ay  kalahati lang ang presyo nito (o mas mababa pa kung marunong kang tumawad.)

tayo na…..malapit na sa kaibuturan ng ating paksa….

bangka

Nandito na tayo!

Maraming bahay sa paligid ng ilog na ito. Marami dito ay  hindi yari sa bato o konkreto, bagkus ay yari sa kahoy na nabubulok dahil sa pagkaka-babad sa tubig at nagigiba. Mayaman ang paligid ng ilog na ito sa mga berdeng pananim, maraming mga puno. Subalit marami sa mga naninirahan dito ay nagkakasya sa pag alalaga ng mga tanim sa paso! Yan ang kanilang mga hardin. Sino ang maysabing ang hardin ay kinakailangang may piraso ka ng lupa at duon ka lamang maaring magtanim?

hardin1

Dahil sa hitik sa mga puno at masukal na lugar, makakakita ka ng mga hayop na tulad ng bayawak sa tubig na eksperto sa paglangoy! (maari mong i click ang larawan para mas makita ang bayawak)

bayawak

Ang lalaking ito ay nag re-relax sa silong ng kanyang bahay kasama ang kanyang alagang sawa. Nahuli lang kaya nya ito sa paligid?

lalaki_at_sawa

Isa pang simple subalit payak na hardin.

hardin2

Sana ay nagustuhan nyo ang ating mini tour.

Isang maligayang Huwebes ng L.P. sa inyong lahat. Khop Khun Mak!

Comments

82 Responses to “LP 53: Hardin”
  1. kulot says:

    wow, thailand! binabalak ko rin mamasyal sa thailand, pero hanggang ngayon hindi pa natutupad, napakagandang mga litrato.

    ito naman po ang aking lahok http://kulot.shuttered-world.com/?p=52

  2. JoyD says:

    Tama nga naman kahit nakatanim lang sa paso ay ma aapreciate pa rin ang mga halaman o hardin….

    eto naman sa akin….. http://aussietalks.com/2009/04/litratong-pinoy-hardin.html

    JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy (Hardin)

  3. Fhaye says:

    Ito naman ang aking lahok sa Hardin.

    Fhaye’s last blog post..Hardin or Garden

  4. lino says:

    di ko mahagilap yung ibang garden shots ko…. hehehe… pero medron ng konti, check it out…

    lino’s last blog post..hardin…(garden)

  5. babie says:

    Maligayang Huwebes mga ka-lp!

    babie’s last blog post..Litratong Pinoy: Hardin

  6. ~~jennyL~~ says:

    ayan d na ko pupunta ng thalinad kais na i tour mo na ko hehe..d kaya madaming lamok dyan kasi puro tubig hehe

    ~~jennyL~~’s last blog post..Litratong Pinoy: Hardin (Garden)

  7. Ken says:

    Gusto kong pumunta diyan!

    Ken’s last blog post..Sabog

  8. Agring says:

    Ang ganda naman ng tour. Parang nakarating din ako dyan!

    Agring’s last blog post..Garden/Hardin (LP)

  9. luna miranda says:

    exciting talaga ang floating market sa bangkok. bakit kaya di nauso yan dito sa Pinas?

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: Gusali (building)

  10. luna miranda says:

    ngekk..hardin pala ang theme :roll: bakit gusali ang theme ko????

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: Gusali (building)

  11. bang says:

    Sana makarating din ako dyan! Maligayang LP!

    bang’s last blog post..Mga kulisap sa hardin

  12. marlster says:

    enjoy ako sa tour. galing!

    marlster’s last blog post..lp 16.04.2009 – hardin

  13. Arlene says:

    Hi Admin, nakapunta ako ng Bkk at isa ito sa mga lugar na di ko napuntahan. :) sa sunod ko na punta dun pupunta talaga ako dyan kasi ang galing ng pagka describe mo. Looks like you had great fun!

    Ang lahok ko ngayon ay ang Valdia Gardens ng Dipolog, Zamboanga del Norte

    Arlene’s last blog post..LP – Hardin & This Way Thurs-Way

  14. Sreisaat says:

    Naku, nung pumunta kami dyan ay kasama ko ang staff ng isang wildlife NGO para mag-imbestiga ng mga endangered wildlife na binibenta dyan. Dyan kasi binabagsak ang mga endangered animals na galing sa iba’t-ibang lugar sa Thailand at Cambodia. Pwera sa ilegal na gawain na ito, gustong-gusto ko ang vibe sa floating market :)

    Sreisaat’s last blog post..Litratong Pinoy #29: Hardin (Garden)

  15. I so enjoyed the ‘tour’. Gusto ko ring makarating sa hardin-hardinan na yan. :-)
    Those are the gardens that we take for granted, but you must commend those who take care of the plants – at least they try!

    Pinay MegaMom’s last blog post..Patawá

  16. alpha says:

    ang aking paboritong hardin.

    http://alphadf.com/2009/04/16/lp-53-hardin/

    alpha’s last blog post..Tuesday Hunt.

  17. Buge says:

    Nahuli ako! Hehe. Nacoo, paano naman magkakaroon ng ganyan sa atin eh puro patay ang mga ilog dito at mababaho. Kung sa Thailand ay may floating bayawak, dito sa atin ay iba ang floating. Bahala na kayong mag-isip kung ano. Haha!

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Hardin

  18. ness says:

    magandang gabi po sa inyong lahat!

    ito po ang aking lahok sa LP temang Hardin.

    tenks.

    http://atrandomness.blogspot.com/2009/04/binahang-hardin.html

  19. Ethel says:

    naku tama si Buge hahaha
    eto aking lahok.

    Ethel’s last blog post..LP # 9 – Hardin

  20. denden says:

    ito ang aking unang lahok :)

    denden’s last blog post..LP: Hardin

  21. JUNNIE says:

    Spring na…simula na naman ng mga sakit. Kainis…

    http://pic.blogspot.com/2009/04/going-green.html

  22. Jim says:

    i miss thailand kahit medyo magulo. :smile:

    Jim’s last blog post..End of the day

  23. iska says:

    :-) ang naalala ko dito ay ang Kampong Ayer ng Brunei. Hmm… buhay pa kaya ito doon?

    iska’s last blog post..Hardin Kulinarya

  24. SketchDood says:

    Mayroon pa akong pahabol na isang entry :-)
    Happy LP!

    SketchDood’s last blog post..Baliktanaw: Beijing

  25. ayayay huli na naman ako! sowee!

    HiPnCooLMoMMa’s last blog post..Hardin : 44th Litratong Pinoy

  26. korky says:

    ang sarap talaga mamasyal…

    korky’s last blog post..LP #53 Hardin

  27. jaz says:

    happy LP po sa lahat. Narito ang aking lahok sa linggong ito… :razz:

    jaz’s last blog post..LP53:(Ika-2 Lahok) Hardin

  28. Jim says:

    sa wakas may entry na ako sa linggong ito. :grin: salamat sa mga bibisita at mga bumisita na. :wink:

    Jim’s last blog post..The Post Office

  29. pehpot says:

    ang galing! namamaximize nila ang maliit na espasyo ng lugar nila, tatak ba yan ng mga tiga Asia? LOL narito po ang entry ko, humahabol :

    http://pehpot.blogspot.com/2009/04/lp-garden.html

    pehpot’s last blog post..Drink Then Dress Up

  30. VIAJERO says:

    ang hardin sa gilid ng World’s CrookedEST street…ang Lombard St.

    http://salika.blogspot.com/2009/03/crooked-lombard-street-san-francisco.html

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] Andito ang iba pang lahok ng ibang litratistang Pinoy! (Click the link to view the other entries) [...]

  2. [...] Para sa ika-53 na Litratong Pinoy, Hardin. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge