EBaliwan sa Litratong Pinoy!

April 17, 2009 by  
Filed under News & Updates

Magandang araw mga kasama! Pasensya na kayo at ngayon lang natin na-i post ang ukol sa nalalapit na Summer EB/ PHOTO OPEBaliwan sa Litratong Pinoy! Sadyang naging abala talaga kami sa pag-aayos ng ating t-shirts (tunghayan ninyo sa dulo ang update ukol dito!).
Inaanyayahan po natin ang lahat ng miyembro sa araw ng Sabado, Abril 25, 2009 petsang aming napili para po sa ating EB/ Photo Op, at saan ito? Syempre pa sa darating na  ALIWAN FESTIVAL 2009! Paki-click lamang po ninyo itong link para malaman nyo ang ukol sa Festival na ito.
Bukod sa pagtitipon ng mga Litratong Pinoy na miyembro ay tiyak na gaganahan din kayo sa  pagkuha ng mga larawan  dahil may pa-contest po ang  MBC (Manila Broadcasting Company) sa araw na ito na bukas para sa mga amateur at propesyonal na potograpo!
Manila Broadcasting Company will again mount a photography competition in line with this year’s Aliwan Fiesta celebrations.  Because the festival literally bursts into a riot of colors that sizzle with the heat of summer, this year’s theme will be “Sining Makulay.”

Eligibility
Open to both amateur and professional photographers.Photos should be taken on April 25, 2009, during the grand parade/competition proper, and should not have won nor have been published in any manner of form; Participants may use any digital or film-based camera. Entries must be printed in full colour on any brand of photo paper in 8R size (8 inches x 10 inches).

Manually retouched and/or painted over print outputs, and any form of major manipulation of the main image are not allowed, although. digital retouching on density, contrast adjustments, minor cropping, burning, and dodging may be tolerated.  Creative effects done within the camera at the time of exposure e.g. multiple exposures, flash fill, lighting, filtration, etc. are allowed.

Maximum of three entries per photographer.

Prizes at Stake
First Prize                   P50,000
Second Prize              P25,000
Third Prize                  P10,000

Basahin nyo pa DITO ang ukol sa pa-contest na ito. Aba eh, malay nyo may L.P. litratistang manalo, o di ba?!
Saan at anong oras po tayo magki-kita-kita:
Meeting time and place (let’s have lunch!) :
  • 11am (Alas onse ng umaga po)
  • Dencio’s Bar and Grill

Ground Level, Building 2
Harbor Square
Pedro Bukaneg St.
CCP Complex, Malate
Manila, Metro Manila

after lunch and chikachika:
- Grand Parade : Aliw Theater Complex to Quirino Grandstand - 3:00 p.m.
- Awarding Ceremonies :Quirino Grandstand – 9:00 p.m.
Depende na po sa inyo kung magtipon-tipon pa rin para sa parada. Pag-usapan na lang natin sa araw na ito. Magdala po kayo ng extrang baterya para sa mga camera ninyo at baka magkaubusan dahil sa dami ng floats at streets dancers na participants, tiyak mag eenjoy kayo sa pagkuha ng mga larawan!
Mga siguradong dadalo sa EB:
  • Ronnie
  • Lino
  • Eloise
  • Jenny L
  • Buge
  • Jay
  • ShutterHappyJenn
  • Sassy Mom
  • Julie
  • Ajay
  • next! (iwan mo lang sa komento ang pangalan mo kung interesado ka)

——————————————————

Update po ng t-shirt printing! Naipasok na po kahapon (Lunes, April 13) ang order natin. Pipilitin pong maipa-ship agad sa inyo ang inyong mga order sa lalong madaling panahon!

Sa mga hindi po umabot ang bayad, magkakaroon po tayo ng pangalawang batch ng printing kaya hintayin nyo lang po ang announcement.
Sa mga nagpadala  naman ng bayad na pero nahuli sa printing nitong Lunes, kailangan ninyong i-email ang mga impormasyon: pangalan ng nagdeposito, SAAN (branch ng BDO)  PETSA ( kung kailan kayo nagdeposito) at halaga na inyong idineposito. Kung PAYPAL naman ay ibigay ang pangalan at halaga na ipinadala. Kailangan din ang inyong  shipping info.

Comments

20 Responses to “EBaliwan sa Litratong Pinoy!”
  1. MArites says:

    ay eksayting! kaya lang, hindi ako makakasali. ang layo ko kasi. sa susunod nalang. inggit ako sa inyo.

    MArites’s last blog post..Happy Christ’s Resurrection Day!

  2. Buge says:

    Yay! Super excited na ko! Kita-kits!!!

    Buge’s last blog post..This Never Happened Before

  3. sali po ako sa EB

    yung pong pera ko na ipit kaya po up to now (4/14/09) kaya di ko pa po deposito. sa second batch nalng po ako. pero kung OK lang po COD nalang po sa EB :D

    Jay – Agent112778’s last blog post..Taste my Life # 05 : Reflections on Black Saturday and Easter Sunday

  4. jeprocks says:

    ay sayang… wala ako :cry: :mrgreen:

    jeprocks’s last blog post..Easter Sunday Reflection Music : In My Heart

  5. yeye says:

    may review ako. huhu :(

    di rin ako naka-order ng shirt
    next time na lang

    gusto ko sumama. waaaahhh

    yeye’s last blog post..Protected: deep vein thrombosis

  6. Pinky says:

    Wow naman, may 50K papremyo pa! Sayang di kami makakasama… :( Ba’t wala nito nung 1st EB? Unfair!!! Hahaha! :lol:

    Pinky’s last blog post..SSS #150: Spa-ntastic!

  7. carnation says:

    wow kaya lang wala pa ako dyan sa time na yan…

    carnation’s last blog post..Blogger Friendship Award

  8. Mauie says:

    waaah! nataon naman sa company summer outing namin. sayang hindi ako makakasali. :sad:

    Mauie’s last blog post..Where Credit Cards Aren’t Needed

  9. lino says:

    kitakits peeps… :D

    lino’s last blog post..DZMM teleradyo…

  10. Sasama po ako sa EBaliwan! :lol:

    Super sorry, dahil sa mga schedules di kami nakapag deposito ng bayad. Kakalungkot, wala akong LitratongPinoy.Com shirt sa Aliwan… pero okay lang, sa next batch na lang po kami.

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Taoist Temple

  11. meeya says:

    ayon sa aking utusan (haha!), naideposit na daw pala yung payment namin nung monday morning, pero hindi niya na-email sa akin ang details so hindi ko rin na-email pabalik yung details sa inyo. di bale, ok lang kahit sa second batch kami tutal *hikbi* hindi naman kami makakasama sa LPEB *huhuhu*

    kakainggit kayo!!! ikain niyo na lang ako ng sisig sa dencios haha! have fun! :)

  12. pwede ba maki exchange link?

    Cebu Pictures’s last blog post..Kabanhawan Festival 2009 Schedule

  13. ~~jennyL~~ says:

    ka excite naman to.. see u guys!

    ~~jennyL~~’s last blog post..Litratong Pinoy: Hardin (Garden)

  14. sassy mom says:

    Sali ako sa EBaliwan :smile: Sayang di ako naka-abot ang payment ko sa shirts. Excited pa naman mga bata.

    sassy mom’s last blog post..Litratong Pinoy : Hardin

  15. julie says:

    Sama ako! Ayusin ko ang sked ko ng Saturday para makahabol

    At hindi din nakahabol ang payment ko :sad: at naging busy at makalimutin ako

    julie’s last blog post..Oh My Gulay!

  16. dang says:

    yun pong nautusan ko eh nag deposit last april 8 before deadline pero ako naman eh nagemail sa inyo ngayon lang april 15. tsk.. kelan po ako magkakatshirt??
    sayang di kami makakasali sa eb! alam kong masaya yan!:)

    dang’s last blog post..To all single moms/dads–hooray!

  17. Arlene says:

    Good luck sa big EB ha! Sana magkatbing city lang ang Manila at Mindanao. Sana mag EB kayo dito sa Mindanao sasali for sure na ako.

    Re: Tshirt printing. na late na ako so i hope there would be a second batch printing. sasali na ako sa 2nd batch.

    Am now off to make my Hardin entry. :)

  18. Dinah says:

    ngek, wala pa ko camera :???:
    sayang!
    but best of luck sa mga ka-LP!

    Dinah’s last blog post..In The News

  19. arls says:

    wala rin ako. so sad! i was excited pa naman for this!!!!

    arls’s last blog post..Bacolod – Day 7 & 8 (April 19 & 20)

  20. vanidosa says:

    Sayang! Di ako pwede maglakwatsakasi nasa MAcau si hubs :cry: :cry: :cry:

    vanidosa’s last blog post..Dreaming of a beach house

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge