LP 52: Paboritong Litrato

April 3, 2009 by admin  
Filed under LP entries

Bago ang lahat ay nais ko po muna na kayong lahat batiin ng HAPPY 1st ANNIVERSARY! Maraming salamat sa malugod na pagsuporta at pagtangkilik sa Litratong Pinoy. Mabuhay kayong lahat! 

Atin pong salubungin ng mainit na pagtanggap si Yuichi Itabashi o Luiji, ang ating panauhing pang dangal. Isa po siyang propesyonal na photojournalist. Tubong Japan. Isa po sya sa mga konting potograpo na kilala ko na hindi gumagamit ng anumang software gaya ng photoshop para lamang ‘pagandahin’ ang kanyang mga larawan. Purong (pure) talento po ang makikita ninyo! Kasama ng kanyang butihing maybahay na si *Atinna ay kanila pong pinagbigyan ang imbitasyon ng Litratong Pinoy na maging panauhin sa ating unang anibersaryo. Ang sumusunod ay pagsasalaysay ni Ginang Atinna.

Atin pong hinihiling na sa salitang Inglis ninyo iwan ang inyong mga komento. Maraming salamat po.

****************************

Ang tatlong litratong ito ang aking pinili na ilagay dito sa  Litratong Pinoy. Kuha ito ng aking asawa na isang photojournalist dito sa Tokyo kung saan kami ay naninirahan. Isa rin syang stringer sa ilang internasyonal dokyumentari magasin at pahayagan.

nicaraguan_girl

Ang batang babaeng nakangiti habang naghuhugas ng kamay ay kuha sa isang refugee camp nung kasalukuyang may giyera sibil sa Nicaragua. Isa siya sa maraming batang nahiwalay o naulila sa kanilang magulang. Naging cover ang larawang ito ng Asahi Photo Magazine noong taong 2001.

landmine_victim

Labing anim na taong gulang ang batang ito, siya ay nakatapak ng mina ng bomba habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa isang lugar sa Cambodia. Bukod sa kanyang paa ay tinamaan din ang kanyang tiyan. Ang larawang ito kasama ng iba pa ay ginawang exhibit sa Tokyo Metropolitan Museum of Photography noong 2004.

tokyokids

Ang litratong ito ay kuha sa isang parke dito sa Tokyo. Maaaring sabihing mapapalad ang mga bata dito sa Japan. Sila ay alaga sa pagkain, edukasyon, at pangkalusugang atensyon at pangangailangan. Walang batang yagit dito sa bansang ito, walang batang kakalat-kalat sa kalsada na nanghihingi ng limos o nagtitinda ng Sampaguita.

Hindi ko na maalala kung sinong pilosopo/manunulat (si Dostoyevsky yata kung hindi ako nagkakamali) ang nagsabi ng: “Kung ano ang ginawa mo sa isang bata, paglaki niya ay ibabalik at gagawin rin niya ito sa lipunan”.

Pero alam ko na ang ating bayaning si Jose Rizal ang nagsabi ng:  “Ang kabataan ang kinabukasan at pag-asa ng bayan”.
Nailathala ang mga kuhang larawan ni Luiji sa iba’t-ibang magasin at pahayagan tulad ng Asahi Shimbun, Mainichi Shimbun, The Japan Times, The New York Times; at ahensya ng balita tulad ng Associated Press, Agence France Presse, at iba pa. Kabilang sa mga prominenteng indibidwal na kanyang nalitratuhan ay sila Bill Gates, former President Bill Clinton, The Dalai Lama, ang Pranses na aktres na si Sophie Marceau, ang Koreanang aktres na si Lee Young Ae  ng popular na dramang ‘Jewel in the Palace’, at ang laging papalit palit na Prime Minister ng Japan at mga miyembro ng kanilang administrasyon.

Sa gulang na 23, nung umpisa pa lamang ng dekada 90, katatapos niya ng kursong Photojournalism sa University of Illinois ng siya ay nagsimulang kumuha ng litrato at magdokumento ng giyera sibil sa Central America (Nicaragua, El Salvador at Guatemala). Nasaksihan niya at nakuhanan ng larawan ang  kalupitan ng giyera, ang pagkawasak ng kalikasan, ari-arian, at buhay ng mga inosenteng mamamayan; at ang nakapanlulumong epekto nito, lalung lalo na sa mga bata.

4Malakas ang kanyang loob na makisabay sa mga rebeldeng sundalo na  nakikipagbarilan at hinahagisan ng granada ang habul-habol na mga kaaway na militar. Sa kung saan saang bundok, ilog at kapatagan siya napapadpad. Dala-dala niya sa kanyang likod ang isang backpack na puno ng films at nakasakbit sa balikat ang camera bag na may 15 kilos ang bigat. Hindi niya alintana ang gutom, uhaw at kagat ng kung anu-anong insekto, iisa ang nasa kanyang isipan: ang makakuha ng mga larawan. Natuto siyang kumain ng nilagang hilaw na saging na isinawsaw sa asin, inihaw na kuneho, bubuli, ibon at kung anu-anong hayop na nahuhuli sa bundok na pwedeng ipantawid gutom. Walang bottled mineral water sa bundok; tubig ulan na inipon sa kantina at tubig batis ang pamatid uhaw.

Sa kalahating taong pamamalagi niya sa mga nasabing lugar ay nagkaroon ng malaking puwang sa kanyang puso ang mga batang nakatigil sa mga refugee camps. Maraming larawan din ang kinuha niya dito, ang isa sa mga dokumentaryong kanyang ginawa ay naka sentro sa mga batang nagkaroon ng kapansanan o naulila dahil sa giyera.

2Isa sa mga adbokasiya ni Luiji bilang photographer ang isulong ang pagpoprotekta at pagpataas sa karapatan  ng mga bata. Lalung-lalo na yung mga biktima ng karahasan dulot ng giyera. Nakita niya kasi kung paanong hirap at abuso ang dinanas ng mga ito, sa pisikal, sikolohikal at emosyonal na aspeto. Kahit ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang mga adhikain at adbokasiya na makatulong sa mga bata lalo na yung mga nasa ampunan, at isulong ang katayuan at ipreserba ang dignidad nila sa lipunan. Katuwang na niya ako ngayon sa adhikaing ito.

1Sa kasalukuyan ay hindi na siya do-or-die photographer na sumusugod sa giyera. Ang kanyang paboritong kamera – Nikon F3/T (isa sa pinakamatibay at pinakamagaan na kamera gawa sa titanium kaya tinaguriang “kamerang pangharabas” ng mga photojournalists at war photographers), na lagi niyang kasama noong mga panahong iyon ay nakatago na ngayon sa kanyang camera storage cabinet.


*3Si Atinna ay nagtuturo ng Ingles at Literatura sa isang pribadong High School sa Tokyo. Papel din niya ang pagiging maybahay, assistant, sekretarya, at tagahawak ng ilaw at reflector sa mga photography projects ni Luiji – ang mga papel na ito, kadalasan,  ay gratis.

(YUICHI ITABASHI San, thank you so much for sharing your talent with us.  ATINNA, thank you so much for your generosity. Forever grateful. – admin )

Comments

106 Responses to “LP 52: Paboritong Litrato”
  1. Rico says:

    Maligayang anibersaryo sa LP!
    Maganda ang pagkakakuha ng likrato, photojournalistic ika nga.

    Rico’s last blog post..LP004: Paboritong Litrato

  2. it has been a good 52 Thursdays to all of us. i am most grateful to LP most importantly because i met a lot of Pinoys who share the same passion as i do and this made me strive more to better this craft. i have learned so much from you guys! you know who you are…and i, thank you! hee! here’s to more fun and exciting Thursdays to all of us! and to Yuichi and Attina, thanks for taking time for LP with such a wonderful Anniversary post!

    cakesandladders’s last blog post..Paboritong Larawan [Litrato]

  3. Mauie says:

    Children are the most affected in a war because they are the most helpless. Hay, I wish there will be less sad children and more of the happy and healthy ones.

    Happy anniversary LP! Way to go!

    Here’s my entry for this week: http://www.maureenflores.com/2009/04/litratong-pinoy-paboritong-litrato.html

    Mauie’s last blog post..Litratong Pinoy: Paboritong Litrato (Favorite Picture)

  4. upto6only says:

    Happy Anniversary. It’s my first time to join LP.

    The pictures are great. Being a newbie in photography I find it interesting to take pictures of of people or being a photojournalist. It somehow brings emotions to the pictures and see the reality of life.

    Anyway, mine is up :)

    upto6only’s last blog post..LP: Paboritong Litrato

  5. Shuttercow says:

    These photos are superb!

    Here is my entry: Paboritong Litrato

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #52: Paboritong Litrato

  6. Linnor says:

    the pictures are well-taken, the emotion of the subject/s is very evident. it makes one empathize. i wish i could take photos like that.

  7. RoseLLe says:

    Beautiful! beautiful…the photos and how it was taken are very inspiring. Thanks to Yuichi Itabashi and Atinna.

    Happy Anniversary Litratong Pinoy!

    http://manillapaper.com/2009/04/lp-looking-back/

    RoseLLe’s last blog post..LP: Looking Back

  8. RoseLLe says:

    Happy Anniversary again to Litratong Pinoy!

    http://livinginau.com/2009/04/sydney-landscape/

    RoseLLe’s last blog post..Sydney Landscape

  9. yeye says:

    HAPPY ANNIVERSARY to LITRATONG PINOY COMMUNITY! :D

    Luiji, great job :D and also to Atinna. Thank you for sharing us your touching photos. it made me realize that some of us here very blessed indeed, and still parying that God will also pour out his graces to those unfortunate ones…just like how he blessed those Japanese children. :)

    Admin. mabuhay ikaw. weeeee… :D

    yeye’s last blog post..peborits – LP#52 Paboritong Litrato

  10. Kay says:

    Its my first time to join. I hope to see lots of spectacular and moving shots. Mine is of my son. =)

    Kay’s last blog post..Litratong Pinoy # 1: Paboritong Litrato

  11. scart says:

    hello ka-LP. wow ang ganda ng entry ngayon linggong ito. very informative and inspiring. Maraming salamat sa pagbahagi ng kwentong ito.

    nakapost narin po ang aking paboritong litrato :)

    Happy 1st anniversary Litratong Pinoy :wink:

    scart’s last blog post..LP#52 Paboritong Litrato

  12. pehpot says:

    Happy first year Anniversary LP..

    This is a very inspiring entry.

    My entry is here:

    http://pehpot.blogspot.com/2009/04/lp-favorite-photo.html

    pehpot’s last blog post..LP: Favorite Photo

  13. carnation says:

    happy anniversary to all LP’ers. and thanks to the admin of this site and for the great things that are happening here!

    the photos featured this week are so touching and they tell so many stories. great shots. the photographer is very talented and may he bring out more stories from his works to advocate for change and a better life for all, esp children!

    my entry is found here: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/04/lp52-paboritong-litrato-favorite-photos.html

    carnation’s last blog post..LP52: Paboritong Litrato (Favorite Photos)

  14. komski says:

    uhm… hi!? uhm.. grabe, iglesan pala dapat. hello! H-how are y-y-you? hehehe. Happy anniversary to all LP’ers. Whoa, a year has already passed, I think I posted just 20+ out of 52 weeks, hehehe.

    For Luiji, thanks for sharing your photos with us:D

    komski’s last blog post..Cam-whores

  15. anapb says:

    HAPPY ANNIVERSARY!!!!

    anapb’s last blog post..Paboritong Litrato para sa LP

  16. betchay says:

    Happy Anniversary sa Litratong Pinoy!
    Salamat sa pagkakataon na maibahagi ang mga litrato linggo-linggo

    betchay’s last blog post..LP: Paboritong Litrato

  17. ~~jennyL~~ says:

    happy Anniversary to all of us. Mr. Luiji thanks for sharing your talent and your photos with us..

    My entry is up http://jennys-corner.com/2009/04/lp-paboritong-litrato-fave-pic.html

    ~~jennyL~~’s last blog post..LP: Paboritong Litrato (Fave Pic)

  18. babie says:

    Happy Anniversary!

    babie’s last blog post..Litratong Pinoy: Paboritong Litrato

  19. purplesea says:

    Happy Anibersaryo sa lahat! Ang galing naman at ang laking parangal na nabisita tayo ng isang tanyag at napakagaling na photographer. Nakaka-inspire talaga.

    purplesea’s last blog post..LP 52: Paboritong Litrato

  20. Mhay says:

    Pasensiya na nahuli ang ,a href=”http://inloveforlife.blogspot.com/2009/04/lp-51-paboritong-litrato.html”>aking lahok..sana makadaan kayo :) Happy Anniversary!

  21. MarkFe says:

    The photos are rich in stories. They are “Asia’s Unseen”! I love these photos.

    Happy Anniversary Litratong Pinoy!

    MarkFe’s last blog post..Eggs

  22. sassy mom says:

    Ang gaganda naman ng mga litratong iyan. Tunay na nakakapaagbigay ng inspirason ang mga larawan ni Luiji. It’s one of my dreams to take photos that reflect life. Salamat Attina!

    Happy Anniversary sa LP! More power!

    sassy mom’s last blog post..LP : Paboritong Litrato

  23. peachkins says:

    Happy Anniversary LP!

    humahabol ako ngayong araw ng biernes!

    peachkins’s last blog post..LP: Paboritong Litrato

  24. Kaje says:

    happy anniversary everyone! i was “gone”, now I’m back, i hope for good hehehe…my entry is up http://kajesalvador.com/?p=221

    thank you luiji for sharing your talent, you are an inspiration! thank you attina for putting words into the photos :)

    Kaje’s last blog post..LP52 – Paboritong Litrato

  25. redlan says:

    these photos are so real, real situation and real happiness. Gandang LP sa lahat!

    redlan’s last blog post..THE STORY OF A PIN HOLDER

  26. Sreisaat says:

    Maligayang bati sa unang anibersaryo ng Litratong Pinoy!

    Excellent pictures!
    I knew right away that the second photo was taken in Cambodia without looking at the description. The red cloth covering the girl’s torso is called a krama, a traditional multi-purpose cloth.

    Thanks to Atinna and Luiji for sharing these photos — what a privilege!

    Sreisaat’s last blog post..Sreisaat on holiday

  27. kulot says:

    una sa lahat nais ko munang batiin ang lahat ng bumubuo at miyembro ng LP ng maligayang kaisang taonan. Mabuhay ang lahat.

    ito naman po ang aking peborit — http://kulot.shuttered-world.com/?p=41

  28. toni says:

    wow! those are very nice photos! Happy Anniversary LP! here’s my entry http://paulandtoni.com/?p=662 :)

    toni’s last blog post..LP: Paboritong Litrato

  29. iska says:

    magandang mga larawan! kakaiba talaga ang mga kuha ng mga propesyonal na litratista :-)

    huli man at magaling, nakahabol pa din!
    Hapi anniv sa Litratong Pinoy!

    iska’s last blog post..LP52: Paboritong Litrato

  30. Ann says:

    ang gandang mga litrato niyan … eto naman ang aking lahok!

    http://jayzanne.blogspot.com/2009/04/lp-paboritong-litrato.html

    Happy Anniversary Litratong Pinoy!

  31. kaye says:

    maligayang anibersaryo mga ka-lp!!!
    mag-isang taon na din mula nang ako’y sumali.
    ako’y bumabati ng marami pang masasayang pagkuha ng larawan! hehehe

    kaye’s last blog post..LP: Paboritong Litrato

  32. Dinah says:

    ang paborito kong larawan ay yung puro mukha namin :-)
    heto ang aking lahok sa linggong ito!

    Dinah’s last blog post..Catholic Chat City

  33. Mirage says:

    Itabashi-san, あなたの写真を共有していただきありがとうございます。

    Atinna, Arigatou nimo…for sharing your hubby’s works with us. Continue in your endeavors…its a blessed profession! Genki de ne?

    Happy Anniversary fellow LPers!

    Mirage’s last blog post..Fevorit – Litratong Pinoy

  34. alpha says:

    maligayang anibersaryo. masaya ako at kasama ako sa grupong ito.

    ilan sa aking mga paboritong larawan:
    http://alphadf.com/2009/04/03/lp-52-paboritong-litrato/

    alpha’s last blog post..Wii.

  35. kengkay says:

    habol ako kasi medyo nag emote pa ako dun sa aking paboritong litrato
    http://kwentongkengkay.com/2009/04/02/paboritong-litrato/

  36. Ken says:

    Great stuff! The first one has full of emotions.

    Ken’s last blog post..Boo!

  37. stel says:

    domo arigato Luiji-san! haunting and beautiful…the children’s faces always tell us what’s pure.

    happy anniversary to all…

    here’s mine, late as always

    stel’s last blog post..Litratong Pinoy#52: pinakatatanging larawan (pinoy photomeme: favorite picture)

  38. stel says:

    p.s. so happy to see *Atinna* here heehee

    stel’s last blog post..Litratong Pinoy#52: pinakatatanging larawan (pinoy photomeme: favorite picture)

  39. Kat says:

    happy anniv LP!

    sorry kung late post ng comment.. kagabi ko pa nagawa ito pero naghihintay ako dito sa LP pero d pa na-popost and then late na akong nakauwi ngayon..

    pasensya na po!

    —> http://ternski-mycandidmemoir.blogspot.com/

  40. jaz says:

    happy anniversary LP!!
    dunno anything about photography except for pointing the camera and clicking. i also don’t know anything about judging if a picture is beautiful or not. what i know is… pictures talk.
    and each of the picture above is telling their own story. a book all on its own.
    —————————————————————–

    makiki-LP po! makikisabay sa pagsisimula ng pangalawang taon ng LP. :grin: pagpasensyahan po lamang ang aking mga larawan dahil tulad ng sabi ko sa taas, wala po akong alam sa potograpiya maliban sa ‘point and click’. :lol:

    jaz’s last blog post..LP: (Unang Lahok) Paboritong Litrato

  41. Ethel says:

    ang ganda ng mga litrato.
    eto lahok ko.
    Happy weekend!

    Ethel’s last blog post..LP # 9 – Paboritong Litrato

  42. bang says:

    ang ganda ng unang litrato!

    Hay huli na naman ung entry ko dahil down ung site ko ng 2 days. haay

    bang’s last blog post..An achievement

  43. Emir says:

    Happy anniversary LP!
    Lucky Japanese children. Very interesting photos! Thank You!

    Emir’s last blog post..Puno (LP)

  44. Shoshana says:

    http://unsealmylips.com/?p=777

    My boys, my favorite post!

    Happy 1 year!

    Shoshana’s last blog post..PH: Stripes | LP: Favorite Picture

  45. ness says:

    Congratulations, LP!

    Thank you for sharing these beautiful and touching photos.

    Here’s my entry: http://atrandomness.blogspot.com/2009/04/binibining-dragon.html

  46. adinille says:

    sensya na.. medyo mabagal ako nitong mga nakaraang araw.. nahuli na naman ang lahok ko. :neutral:

  47. peachy says:

    the kids looked all cute. Happy Anniversary!

    peachy’s last blog post..LP 52:Paboritong Litrato

  48. L I B A Y says:

    Happy Anniversary to Litratong Pinoy!

    my entry ===> http://wouldificould.wordpress.com/2009/04/05/litratong-pinoy-9-paboritong-litrato/

    libay – (proud member)

    L I B A Y’s last blog post..Litratong Pinoy (9) – Paboritong Litrato

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...


Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled