LP 55: Tulay
April 30, 2009 by admin
Filed under LP entries
Magandang araw sa inyong lahat, mga ka-LP! Bago po tayo magsimula ay nais po naming ipaalam sa inyo na naging matagumpay po ang ating EBaliwan sa Litratong Pinoy na ginanap nuong nakaraang Sabado! Abangan po ninyo ang mga litrato at ating ipo-post sa lalong madaling panahon!
Umpisahan na natin ang kasayahan sa Huwebes na ito, ang ating tema: TULAY.
Napakaraming tulay sa kalakhang Maynila na marami sa atin ay araw araw na tumatawid sa mga ito. Naaalala nyo pa ba ang itsura ng mga ito 10 o higit pang taon ang nakaraan? Naaalala nyo ba ang mga panahon na halos ay ayaw nyong tawirin ang mga maliliit na tulay hindi lamang dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa mga estero nito kundi dahil naitatanong mo rin sa iyong sarili kung mabubuhay ka kaya kapag gumuho ang tulay at malibing ka sa mga basura sa ilalim nito?! Nakakatakot isipin!
Pero nagulat ako ng makauwi ako sa Pilipinas nuong nakaraang taon. Ang tulay na ito sa San Juan na malimit ko tawiran ay masasabi kong ‘mas malinis‘ keysa maraming taon ang nakalipas. Dito ako nakakakita ng mga batang paslit na may bitbit na mga plastik ng basura at sa tubig nila mismo inihahagis ang laman! Ang iba naman ay isinasabog ang lamanĀ na basura sa tubig at iniuuwi pa muli ang kanilang mga plastik (i-recycle daw!) Nakakapag-init ng ulo na tanawin!
Subalit hindi lamang naman basura ang mga tanawin sa mga tulay. Ayan sila, mga kalalakihat at kababaihan na naghahanapbuhay at hindi iniinda ang tindi ng sikat ng araw. Umulan o bumagyo ay nandyan sila, nagbabakasakaling kumita ng sapat na salapi sa araw- araw upang makabili ng pagkain para sa pamilya.
Tagpo sa tulay sa araw-araw.
Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat!




