Reaksyon para sa Anibersaryo, t-shirt, at EB.
March 20, 2009 by admin
Filed under General, News & Updates
Update: Sa mga magsusumite ng mga disenyo, basahin lamang po ninyo ng husto ang sumusunod.
- Submission of designs is extended to March 22, 2009. Send to: litratongpinoy@gmail.com
- Please DO NOT COPY other photo group’s print designs. Be ORIGINAL.
- No ‘embellishment’ of the Phil flag! Prohibited to add any word, figure, mark, picture, designs, drawings, advertisement, or imprint of any nature on the flag. [ REPUBLIC ACT NO. 8491] And this caused us, unfortunately, to take down submitted designs by 2 of our members.
- March 23-25, 2009 voting period. We will choose the design.
- Online printing size: min width: 900 px | min height: 600px
- (just scroll down to see submitted designs.)
——————————————————————-
1. by: iRonnie
Design 1 (size for online printing available)
2. by: Tanchi
3. by Rose
4. by Rose
5. by Rose
6. by Rose
7. by Rose
8. by Arlene
Thay

9. by Arlene
Thay
10. by Arlene
Thay
11. by Thess
12. by Rose
13 . by Rose
14. by: Thess
15 by: Thess
16 by: Thess
17 & 18 by Thess
(available in black and white)
19. by Thess
20. by Thess
Mga kasama, kailangan lang ng inyong reaksyon. Malapit na ang Unang Taon na Anibersaryo ng Litratong Pinoy (April 3, 2009) kaya kailangan ko lamang ang inyong tulong, sama -sama tayong magdesisyon. May katanungan lamang po:
1. Nais nyo ba ng Litratong Pinoy t-shirt? Kasalukuyang nakikipag usap po ako sa isang nag p-print ng tshirts sa Pilipinas at kung nais ninyo, mayroon nito sa puti at iba’t ibang kulay. Ang price range po ng puting t-shirt ay hindi lalagpas ng 300Php. Ito ay kung simpleng print lang ang ating ipapagawa. Huwag po ninyong pansinin ang manggas sa larawan (hindi po kasi sa Pilipinas ipinagawa ang suot namin) pero sample print po nung nasa likod ang pagtuunan nyo ng pansin:

wala po yang print sa harap pero kung gusto ninyo palagyan ay pwedeng pwede syempre.
2. Kung matutuloy po itong proyektong t-shirt, nangangailangan ng paunang bayad. Mayroon po tayong L.P. member na nasa Pilipinas na mamahala ng inyong pera , si Ronnie po ay subok na mapagkakatiwalaan. Yung mga nasa probinsya po naman ay kailangan lamang magdadag ng pera para po sa shipping. Via PAYPAL po ang bayaran pero siguraduhin nyo lang na ang account nyo ang magbabayad ng Paypal charge at hindi po si G. Ronnie. Kung kilala nyo naman ng personal si Ronnie ay maari nyong iabot ng cash. Hindi po pwede ang tseke.
3. Kung may ibang ideya o disenyo kayo para sa t-shirt ay ipadala lamang ninyo sa madaling panahon. Pagbotohan natin ang disenyo kung nais ninyo.
4. May nagtanong po sa akin at gusto nyang bumili ng L.P. payong tulad ng nasa larawan. Hindi ko po sa Pilipinas ipinagawa ang mga ito (baka mamahalan po kayo) kaya mag email na lang po sa akin at ibibigay ko mismo ang website kung saan ko yan ini-order.
5. Usapang EB naman. Nais ba ninyo ng Summer EB/Photo Op? Suhestyon lamang po itong sa akin. Alam nyo ba yung ALIWAN PIESTA!?! (<<–paki click na lang ng link) Tipong magandang pagkakataon po ito para sa isa na namang EB/Photo Op. Pipilitin nating matapos na maipa-print ang t-shirts kung sakali para sa EB na ito! Tiyak maraming Pilipinong may grupo sa potograpiya ang dadalo dito. O eh di lusob tayo, mga kasama!
By the way, expert po ang ating kasamang si Lino sa Aliwan Fiesta na ito kaya pwede nyo po sya tanungin sa kanyang karanasan dito. Kung may ibang suhestyon po kayo para sa isang Summer EB, comment away!!
6. Sa mga nasa ibang bansa naman po, bakit hindi po ninyo i-check ang mga online custom t-shirts. Depende po sa lugar ninyo, minsan ay libre pa ang shipping! Kapag po nagkasundo tayo sa design ay i-e-mail ko sa inyo ang kopya.























gusto ko yung t-shirt, meron din ba para sa bata,kasi gusto ko para sa anak ko at ako din syempre, dahil sya ang nagmana ng luma kong digicam at ngayon ay aliw na aliw sya sa pagkuha ng litrato, tapos kung halimbawa,magkano naman ang shipment pag order ko,kasi ako ay wala sa ‘pinas, at kung pwede na paypal sana ang form of transaction, kasi mahal naman pag iba pa,like WU na may transaction fee.Sorry po at ang dami kong tanong, eksited kasi eh!
Willa’s last blog post..Another Postcards
Meron din po bang size para sa bata, para tig isa kami ng anak ko,
, at magkano naman po kaya ang shipment para ipadala dito, dahil ako ay wala sa pinas, isa pang tanong (na parang suggestion)pwede po ba na paypal ang form of transaction,kasi kung iba naman,mapapamahal pa tayo sa pagsend ng baya,katulad ng WU,minsan mas mahal pa ang transaction fee kesa sa amt ng ipapadala mo.
*ito po ay pang-3 ko ng comment,dahil tuwing i ki-click ko ang post, ang sabi eh mali daw ang spam words ko,pero tama naman,kung nagkaron po ng glitch,paki delete na lang yung iba kong comment.
FickleMinded’s last blog post..Another Postcards
pwede po kaya lagyan ng ako’y litratista?
may mga nakikita akong tshirt na naka imprenta ay necktie or scarf sa harap ng tshirt ano kaya ay camera na nakasabit sa leeg ang nakaimprenta. sorry, sorry, thinking out loud lang. sa susunod na lang or kung sakaling gustong damihan ang mga disenyo. hehehe!
maver’s last blog post..NOW SHOWING
ADMIN: KAILANGAN NATIN YANG THINKING OUT LOUD! MARAMI DIN AKONG NAKITANG GANYANG DISENYO. MGA GRUPO SILA SA FLICKR (ANG ISA AY MIYEMBRO AKO HE HE) MAGANDA SANA KUNG ORIHINAL TAYO, KAHIT SIMPLE? BASTA LET’S WAIT FOR MORE REACTIONS…SALAMAT MAVER!!
Ang gandang print ad nung eb photo!
Gusto ko po ng tshirt at payong din! Ok nga din ang pambatang size! Silip ko na lang design at later at oorder na din…
OOrder din ako, small ang size ko at join din ako sa EB, paki contact nalang ako sa 09189851946 kung ano man.
vanidosa’s last blog post..Cyber Monday Shopping
gusto ko nyan… wahh excited na ako..
rose’s last blog post..Tips On Filling Your Vehicles
uy sali ako diyan sa EB… sana masabi agad kung kailan para maitapat sa bakasyon ko
sana nga mapadalhan din kami ng kopya ng print para pwede kami magpagawa dito.
salamat.
libay’s last blog post..First in Flight – North Carolina
:excited mode:
lino’s last blog post..at the bay…
ay gusto ko nyan. Excited na ko!
Iyong sa EB, galing pa ako ng probinsiya. Kung sino iyong mga galing sa malalayo, baka naman pwd tayong magkaisa para sa iisang hotel na matutulogan natin:)
MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#39 Tipanan
Gusto ko rin yung shirt! I think kung magkaka-EB, magandang lahat nakasuot ng LP shirt!
Yung EB ay isa ring magandang pagkakataon para sa lahat, sana maraming maka-attend ngayon.
ShutterHappyJenn’s last blog post..Bulaklak (Flowers)
Marites, feel na feel ko excitement mo, nakakahawa
Hayaan mo, pagtutuunan natin ng pansin ang mungkahi mo para sa mga miyembro na sasali at manggagaling pa ng probinsya.
sayang nga at magaling sana si Tanchi, pero hindi na sya aktibo sa L.P.
Ronnie, pede ba ideposit nalang sa bank account mo? Sana meron tiny tee para sa mga girls, parang mas gusto ko yun
HiPnCooLMoMMa’s last blog post..Bulaklak (Flower) : 39th Litratong Pinoy
suggestion sa disenyo…what if digicam pero philippine flag ang exterior nya. or something like that. yun bang camera na philippine flag ang takip parang ganun ba
Cookie’s last blog post..Monochrome Friday : Bird’s Stoop
hahaha. wow.panu ba umorder? hehehe
KOMSKI, kaw muna magbayad para sakin. lols.
puntahan kita sa technohub. lols ulet
weeee..kakaexcite naman ang EB ng LP. haha.hawa hawa na sa excitement.
yeye’s last blog post..i kissed dating goodbye
merong bang XXL sa tshirt? for sure eh bibili ako
NeLLya’s last blog post..Sardonic Nell, Strikes Back
gusto ko yung design ng tshirt at shempre sasama din ako sa eb!!! hehehe
missy’s last blog post..LP: Puso (o hugis-puso)
comment ko lang po dun sa design ni iRonnie. actually maganda ang design kaso lang baka magkaproblema sa printing ang may gradient colors. baka di kayanin ng silkscreen so babagsak sya sa print press. mas makakamura po sa t-shirt printing kung sa silk screen lang natin ipapagawa so ayos siguro kung i-hard color nalang natin yung background color ng text.
yun lang po
kotsengkuba’s last blog post..Google says “We’re Sorry”
ah sige try ko solid colors lang
iRonnie’s last blog post..Share Your Outer Banks Experience
Ginawa ko yung suggestion ni Cookie (or at least yung idea.)
Thesserie’s last blog post..Irog, date tayo? (LP 46 Tipanan)
parehong maganda ang designs ni Ronnie at tukayong Thess:)
MariTes’s last blog post..You Are Never Too Old…
Sana may size din sa mga bagets. Thanks!
sassy mom’s last blog post..WS : Wedding Cake
i like. pero magsubmit din ako ng design. subok lang
pwede bang me ladies fit? kaso mahirap ata yun no?
Wow danda nung gawa ni Thesserie
libay’s last blog post..Golf Expo
nice ang mga designs nila Thess & Ronnie but my pick is the simple print shown in the photo. Although the submitted designs are great too – but for me it looks like for professional photographers lang kasi ang laki ng image ng camera. Feel ko mahiya akong magsuot nyan when my camera is just a small one and even a phone cam. So i’d like to suggest na – how about posting all the designs where each one can pick their choice. There are people kasi na gusto din nila cutie designs (lady type) at meron din iba ung panglalaki talaga.
Opss another thing – anong brand ang tshirt kasi if you buy good quality shirts from Novo outlets it will just cost you P80.00 each. Bulk purchase means discount too.
Oh how i wish i can grab a cheap cebu pacific seat so that i can attend the planned EB.
Arlene’s last blog post..Dr. Jose Rizal & Us
i like yung kay ate rose
iRonnie’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag
@Arlene,
i also like yung kay rose kasi parang katuwaan lang. bagay sa atin.
hehe. i get your opinion about those owning smaller cameras kaya everyone’s welcome to submit a design naman. idadaan naman yata sa botohan ang pagpili ng design.
re tshirt brand di namin sure yung brand. printer na kasi magpoprovide ng shirt para isang point of contact na lang since medyo busy-busy-han din ang organizers.
iRonnie’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag
Gusto ko yung design nung kay Rose!:D para kasing mas enjoy na tipong hobby at hilig talaga ang pagkuha ng litrato:D Fun and simple:) Pero gusto ko rin ung tagline na ako ay litratistang pinoy!
tsaka yung idea ni thinking out loud maver, gusto ko nun:D Siguro pagsamahin yung idea ni maver tsaka yung camera design ni rose, tas yung tagline ni Thess! hehehe. Or kung nasa likod na lang kaya ng tshirt yung tagline? Mas mahal nga lang magiging yun ano, hmmmm.
Kaya lang ala akong paypal, este may paypal pero alang laman, hehehe:P Sino merong BPI account, magtatransfer na lang ako ng pera online:)
komski’s last blog post..bag-a-holic
wow ka excite naman ito.. for sure oorder ako ng tshirt at talagang pipilitin kong makasama na EB na ito…
ganda ng mga designs ng shirt ah.. San pwedeng mag order?
~~jennyL~~’s last blog post..Caught in the Act: Coke Addict
gusto ko rin ung design nung kay Rose.
magpapaorder ako kay Komski ng dalawa.. ^_^ para tig-isa kami. hehe
sana matuloy itong plano na ito..
karmi’s last blog post..bag-a-holic
Pano kung sa harap ay may nakalagay na parang “Ako’y litratistang Pinoy” then sa likod yung pinaka main design mismo. Sana meron dun nung shirt katulad nung sa previous post… yung parang baseball shirt na may kulay ang manggas.
Ayan na naman ang EB… sana makasama na talaga ako. Hindi na ko nakasama nung huli kse inoperahan yung pamangkin ko. Pramis try ko talaga sumama.
Buge << excited!!!
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag
boto ako kay “whitey” ni ms. Rose
XL saakni pls =))
pabor din ako sa aliwan fiesta location ng EB para malapit sa baywalk at SM MOA
Jay’s last blog post..Pinoy Street Food # 19: Saang (Conch)
gusto ko rin si “whitey” ni ms. rose bagay!!!
missy’s last blog post..LP: Puso (o hugis-puso)
Sayang di ako makakasali sa EB… sa Tshirt na lang ako! Gusto ko yung tulad ng suggestion ni Buge na parang baseball shirt na may kulay ang manggas, tapos yung design na type ko yung sa harap ng shirt ay kay Ms. Thess… tsaka, pwede kaya ay bank-to-bank ang bayad? pasensha na at nahuli ako, Ms. Admin
Sreisaat’s last blog post..Litratong Pinoy #26 : Bag
sana lang po wag black, kasi malamang gagamitin tong shirt na to sa mga LP photoshoot eb activities… susmaryosep napaka init kung itim ang tshirt…
YUN LANG
jeprocks’s last blog post..Up! up and away my beautiful balloon
ps… type ko yung kay rose
jeprocks’s last blog post..Up! up and away my beautiful balloon
mga friends, bawal po ata lagyan ng “embelishment” or kahit ano pang disenyo ang Philippine flag. Nagkaroon po kase kami dati ng problema sa previous ad namin dahil dito. Pero ireresearch ko pa din, baka naman nagbago na ang panuntunan
maver’s last blog post..WHISTLESTOP-OVER
ADMIN: HI MS. MAVER! NAKU SANA NAMAN AY WALANG RESTRICTIONS. ANG MGA PHOTO GROUPS SA FLICKR AY GUMAGAMIT NG PHILIPPINE FLAG SA KANILANG MGA TSHIRT DESIGNS AT WALA PA NAMAN AKONG NABABALITAAN NA NAGKAROON NG PROBLEMA DAHIL DITO.
SIGURO AY PWEDE NATING IREQUEST SA MGA NAGBIGAY DISENYO NA BAGUHIN NA LANG ANG PAGKAKA DISENYO NG KANILANG MGA WATAWAT?
SALAMAT AT SIGE KAPAG MAY NAHANAP KANG PANUNTUNAN TUNGKOL DITO, PAKI-PAALAM AGAD
maganda rin yung gawa ni tanchi!!! habang tumatagal paganda ng paganda mga designs nakaka-excite!!!
missy’s last blog post..LP: Puso (o hugis-puso)
type ko pala dun sa gawa ni tanchi yung white…tama si jeff mainit kung black!!!
missy’s last blog post..LP: Puso (o hugis-puso)
ADMIN: HI MS. MISSY. NAKASAAD NAMAN PO SA ISINULAT KO NA MAY IBA’T IBANG KULAY. KUNG AYAW PO NINYO NG ITIM AY PWEDE NAMAN.
ang sarap sumama sana sa EB! sana makabyahe ako at makapunta!
ganda ng mga disenyo! excited na rin ako dito. possible po kayang maka order ng t-shirt din para sa anak ko? kung pwede lang po.
pano po pala yung size ng shirt?
Tere’s last blog post..Kung Hei Fat Choi | Chinese New Year 2009
hello sa wakas nakabalik ako sa LP sori nagtravel kasi ako. gusto ko rin ng tshirt. yung #1 & 4 ang gusto ko, black tshirt! paano mag order? XL or XXL. magkano ang shipping to thailand?
carnation’s last blog post..Concert for a Cause
ito ang gusto ko:
5 (Rose), 6(Rose) at yung camera sa 8(Arlene)
Thess’s last blog post..Lotus folding
Magandang Araw sa lahat!
Ito ang una kung lahok, pasensya na kung medyo “amateur” talaga ang dating.
http://randomness-deblogged.blogspot.com/2009/03/blog-post_10.html
emarene’s last blog post..Jewellry
gusto ko either 3 or 5 ni ate rose. ang pagbobotohan lang naman po natin ata ay ang design tapos kayo na mamimili if blask or white shirt ang oorderin nyo.
iRonnie’s last blog post..Why David Osmond Didn’t Made It Passed Hollywood Week?
gusto ko yung white #1 ni iRonnie
tanchi’s last blog post..School’s Almost Over
Gusto ko ung disenyo ni thess sa gray shirt
bang’s last blog post..Andre and the foot rug
nahihirapan na ako mag decide!!! gusto ko rin yung numbers 9,10 and 11
missy’s last blog post..LP: Blouse/Polo
ay, nakakaloka nah! ang daming magagandang disenyo. Gusto ko iyong kay Tanchi tsaka iyong bagong gawa ni Thess.
Marites’s last blog post..Vision On The Education Development Of The Philippines
boto po ako sa #6 (whyt in ms. Rose)
pero sana mapalitan yung “sun” kasi kamukha ng sun sa RP flag and sa tingin ko violation yun sa RA8491; at medio lakihan yung LP website address….
sorry po ha di ako magaling gumuhit kaya di ko malarawan ang aking sujestion
Jay’s last blog post..LP # 50: Paboritong Alahas (Favorite Jewelry)
Wow ang daming bagong designs. I like the font Thess used for her designs….Anyway, i will be back to vote on the scheduled date. For sure i will order one for me.
Arlene’s last blog post..Ruby Tuesday # 24