LP 49: Blusa/ Polo

March 12, 2009 by  
Filed under LP entries

Isang magandang Huwebes mga kapwa ko litratista. Ang tema ngayong linggong ito ay blusa o polo . Napaisip ako kung ano ba ang maari kong ilahok na medyo kakaiba at eto ang aking naisip. Marahil lahat tayo ay pamilyar na sa origami o ang sining ng pagbuo ng isang bagay sa pamamagitan ng pagtiklop ng mga papel. Dali-dali akong naghanap sa internet kung pano gumawa ng polo sa pamamagitan nito, maraming salamat sa Google, at ang susunod na mga larawan ang kinalabasan ng aking ginawa.

lp01buge

lp02buge

Ang susunod na larawan ay bilang pagbibigay pugay sa isang ring litratista katulad natin… si Francis Magalona (1964-2009)

lp03buge

Kung hindi niyo po nalalaman, ang kanyang mga larawan ay nagwagi na din ng ilang awards. Nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa ating lahat. An artist in every sense of the word and a patriot at heart.

Sana ay nagustuhan niyo ang aking lahok. Ako po si Buge at labis po akong nagagalak at ako’y naimbitahan bilang panauhing litratista para sa linggong ito. Maraming salamat po ulit admin. :)

Happy LP!

« Previous PageNext Page »