LP 50: Paboritong Alahas

March 19, 2009 by  
Filed under LP entries

alahas

Ikaw, ano ba ang paborito mong alahas? Mahilig ka ba sa ginto? Pilak? Ikaw ba ay isa sa tinatawag nilang may ‘hepatitis’ kapag magsuot ng alahas? O kaya naman ay nahahawig kay Mr. T dahil sa halos mabali na ang iyong leeg sa dami at bigat ng kuwintas na kasabit sa iyong leeg?

Ah, kanya-kanyang hilig lang naman yan, di ba? Mayroon naman sa atin na sapat na kahit plastic pa ang suot! O di naman kaya ay mga lumang alahas na ang iba ay minana pa sa mga magulang. Sabi nga nila: ‘Nasa nagsusuot yan!’

Ito ang aking lumang wristwatch. Binili ko ito sa Singapore nuong 1991 at nagretiro lamang mga 5 taon ang nakalilipas. Bakit ko pinagretiro? Dahil hindi na tumatama sa oras (no pun intended.) Masdan nyo maige, ito ba ay nakaturo sa alas- dose o ala- una? Subalit dahil paborito ko itong relos ay wala naman akong balak itapon. Alaala ito ng mga panahon ng una kong iwan ang aking mga magulang at kapatid sa Pilipinas upang makipagsapalaran sa trabaho sa ibang bansa. Katas ng unang sueldo, hindi ko yan makakalimutan kahit kailan.

O ikaw naman ang magpakita ng iyong paboritong alahas!

Magandang araw ng Huwebes at Maligayang L.P. sa iyong lahat!

Comments

77 Responses to “LP 50: Paboritong Alahas”
  1. Maligayang LP!

    Stripe&Yellow’s last blog post..Litratong Pinoy #39 (Paboritong Alahas)

  2. CES says:

    gandang relo! happy LP!

    CES’s last blog post..Litrato: Alahas

  3. Buge says:

    Ang ganda naman ng relos na yan… kakaiba ang korte. Ang ganda din ng pagkakakuha! :D

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Paboritong Alahas

  4. nakakaaliw ang wrist watch mo kakaiba! :razz:

    SomethingPurple’s last blog post..Litratong Pinoy #34 (Alahas)

  5. cal says:

    katuwa naman ang korte nyan:)

    cal’s last blog post..Litratong Pinoy: Paboritong Alahas

  6. Jeanny says:

    nice naman nyan. Gandang relos at may sentimental value pala kaya dapat itago :)
    Happy LP

    Jeanny’s last blog post..LP: Kikay Ini eh!

  7. Em Dy says:

    Bihira akong magsuot ng alahas. Siguro, kapag may okasyon lang. Magandang Hwebes!

    Em Dy’s last blog post..Pera o Bayong

  8. maver says:

    wow, kakaiba!

    eto po ang aking lahok (recycled po galing sa aking 365 project):
    http://maver.wifespeaks.com/2009/03/lp-47-paboritong-alahas.html

    happy lp!

    maver’s last blog post..LP #47: PABORITONG ALAHAS

  9. cute naman ng relos mo! ako rin hindi nagtatapon ng alahas (at bakit naman magtatapon???), malay mo baka maing vintage yan at ikayaman mo pa, hehe!

    MEEYA (MyMemes)’s last blog post..Paboritong Alahas

  10. heto nga pala ang isa ko pang entry, bago ko makalimutan, hehe! :)

    happy LP sa lahat! :D

    MEEYA (MyParty)’s last blog post..Paboritong Alahas (Favorite Jewelry)

  11. Yen says:

    Finally! Naka post din! Ito ang aking lahok sa linggong ito:)
    Happy LP!

  12. Yen says:

    Oppss..nawala yata ang post ko..:(
    Ito ang aking lahok sa linggong ito!

  13. Jay says:

    relo din ang akin kasi di ako mahilig sa alahas :D pero in a few years sana mag ka wedding ring na ako :lol:

    :grin:

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay’s last blog post..LP # 50: Paboritong Alahas (Favorite Jewelry)

  14. kakaibang relo yan!

    ito naman ang kwintas na anak ko na minana pa nya sa kanyang ama
    http://www.amazingsincebirth.com/2009/03/litratong-pinoy-alahas.html

    mylifeispeachy’s last blog post..Pasta makeover

  15. Thess says:

    Agree ako kay Meeya, hindi dapat nagtatapon ng alahas :mrgreen:

    happy LP, peeps!

    Thess’s last blog post..Alahas mula sa karagatan (LP 50)

  16. tin says:

    hindi po kaya ang oras sa relo ay 12:30? hehehe.. ang corny ko.. :lol: eto po ang aking lahok.. pagpasensyahan niyo na.. http://samandsidsmom.blogspot.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html

    happy LP po sa lahat.. :grin:

    tin’s last blog post..LP: Paboritong Alahas

  17. mEldita says:

    wow! May sentimental value. :) gawain ko din yang magtago ng mga bagay na nagpapa alala sa king ng mga tao/pangyayari kaya naman natatambakan ako ng gamit kahit sira na. :D

    Narito naman ang aking lahok para ngayong huwebes. maligayang LP sa lahat!

  18. Mirage says:

    Di ko maalala bakit ako tumigil gumamit ng relo, pero palagay ko dahil sa celfone! totoong pag me sentimental value ang isang bagay eh itatabi talaga natin…happy LP!

    Mirage’s last blog post..Alahas/Jewelry – Litratong Pinoy

  19. simpleng itsura ng relo pero stylish at makabuluhan ang kasaysayan nito! gaya ng kwintas ko…. :smile:

    http://fairywinkle.blogspot.com/2009/03/litratong-pinoy43-paboritong-alahas.html

  20. FickleMinded says:

    WOW! ganda ng relo ah!

    FickleMinded’s last blog post..LP#20:Alahas (Jewelry)

  21. Pinky says:

    Iba talaga kapag may sentimental value ang alahas – kahit di na ayos e mahirap pa ring itapon. :)

    Happy LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #50: Paboritong Alahas

  22. milet says:

    minsan kahit depektibo na nde natin maiwasang gamitin pa dahil sa sentimental value.

    happy LP!

    milet’s last blog post..LP 50 : Paboritong Alahas (Favorite Jewelry)

  23. Marites says:

    kakaibang hugis ng relo mo at naiintindihan ko ang sentimyento kung bakit hanggang ngayon ay nasa iyo pa rin yan :)

  24. JoyD says:

    tama nga ,, ma sentimental value nga yan… kaya dapat itabi …..
    akma sa akin ang kasabihang Diamonds are a girl’s best friend…. kaya eto ang sa akin http://aussietalks.com/2009/03/litratong-pinoy-paboritong-alahas.html

    JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy (Paboritong Alahas)

  25. julie says:

    Oo nga, anong oras na ba iyan? :lol: Basta katas ng pinaghirapan,very specia,di ba?

    Kakaiba po ang aking entry para sa bling :wink:

    julie’s last blog post..Dog Bling-Bling

  26. Joy says:

    Di ako mahilig magsuot ng alahas, Kahit nga relo ngayon, wala ako. Umaasa nalang sa oras sa cellphone. Hihihi.

    Ito lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html

    Joy’s last blog post..LP: Paboritong Alahas

  27. jes says:

    ang ganda ng relo…kahit ako man ang magkaroon nyan malamang paborto ko dn yan hehehe ganda ah! kaso alnganin ang oras hehehe =_) eto akin lahk http://jeslising.blogspot.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html

    jes’s last blog post..Sisterhood Award

  28. jessie says:

    halu nagloloko po ang aking compyuter!!! d ko tuloy alam kung na send ko na ang aking komento….anywey to po ang aking lahok – http://jeslising.blogspot.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html

  29. jessie says:

    nagkabaligtad po ang aking mg alahok….akoy naguluhan na po pasensya na……
    http://jeslising.blogspot.com/2009/03/lp-paboritong-alahas.html

  30. jes says:

    hay eto nmn po ang isa….salamat po!! http://ishiethan.blogspot.com/2009/03/lp-pa.html

    jes’s last blog post..Sisterhood Award

  31. lahat yata tayo ay may paboritong relo na kahit hindi na umaandar ay hindi natin magawang itapon. :D

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP: Polo at Alahas

  32. Shuttercow says:

    WoW! Ang galing naman ng presentation nito. Pwedeng pang-commercial! :smile:

    Ito ang Paboritong Alahas ni Shuttercow.

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #50: Paboritong Alahas

  33. Cookie says:

    ako man ay may nakatagong mga remembrance. pati nga mga galing sa mga ex ay itinago ko pa :)

    gandang huwebes sa iyo..eto na lahok ko

    LP : Alahas

  34. lino says:

    nice concept admin… like it… here’s my take…

    lino’s last blog post..alahas…(jewelry)

  35. adinille says:

    maligayang huwebes! :)

  36. redlan says:

    Ganda ng pagkakuha mo ng larawan. Happy LP sa lahat.

    Ito ang lahok ko:

    http://redlan76.blogspot.com/2009/03/may-k-ka-ba.html

    redlan’s last blog post..MAY K KA BA?

  37. ian says:

    ang galing mo, sa maraming antas: na isang kapaki-pakinabang na gamit ang ipinundar mo sa unang sweldo; na naitago mo pa ang relo na ito…

    yung una kong sweldo e nag-Jollibee lang yata ako hehe

    mabuhay ka =] nawa’y matagumpay ang bawat oras mo sa ibabaw ng mundo =]

    ian’s last blog post..Litratong Pinoy: BAG

  38. nakakatuwa ang hugis ng iyong relo. psst, bb. LP, ano iyang boteng iyan na sinasandalan ng relo? :D

    Mapped Memories’s last blog post..LP: Polo at Alahas

  39. MariTes says:

    ang gandang relo yan at kahit hindi na gumagana, mahalaga pa rin dahil sa sentimyento.

    MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#43 Paboritong Alahas(Favorite Jewelry)

  40. sassy mom says:

    Mahilig din ako sa alahas ngunit hindi yellow gold, mas gusto ko ang white gold mas simple tingnan, Classic ang relos mo at tunay na maganda sayang at nag retiro na. Magandang Huwebes.

    sassy mom’s last blog post..LP : Paboritong Alahas

  41. Oo nga noh.. hirap tignan kung anong oras na talaga. Ang aking lahok ay naka-post na.

    FamiliaKhuletz’s last blog post..Paboritong Alahas (Favorite Jewelry)

  42. Rico says:

    Ganyan din ang tatay ko. May mga relo syang hindi itinatapon dahil may sentimental value daw ang mga ito, ang iba ay regalo ng kaibigan at ang iba ay bigay ng dating kumpanya.

    Rico’s last blog post..LP003: Paboritong Alahas

  43. Linnor says:

    simple lang ang gusto ko… yung puedeng pang-araw at pang-gabi na rin. :)

    Linnor’s last blog post..LP: Paboritong Palamuti

  44. ~~jennyL~~ says:

    natwa ako dun sa hepatitis kasi may kilala akong kulang ang brase sa dami ng suot..lol

    happy huwebes

    ~~jennyL~~’s last blog post..LP: Paboritong Alahas

  45. Di man ma-gets kung anong oras na, maganda naman ang disenyo. =)

    Nai-post ko na rin ang aking lahok sa linggong ito.

    ShutterHappyJenn’s last blog post..Paboritong Alahas (Favorite Jewelry)

  46. Nash says:

    uyyy pa help naman sir, I dunno which cam will I buy eh baka may opinion ka check my blog po andun yung post :) salamat :)

  47. Fran says:

    ganon yata talaga iyon. Yung mga unang bagay na nakuha mo kapalit ng malaking sakripisyo ay nagiging mahalaga sa iyo kahit na wala na itong silbi. Pero kung iisipin mo, may halaga pa rin siya dahil patuloy nitong pinapaalala sa iyo na hindi lahat ng bagay sa mundo ay madaling makuha. :)

    Siya nga pala, ito ang aking ikatlong pagsali sa LP. Maligayang araw sa iyo at sa iba! :)

  48. luna miranda says:

    relos din ang binili ko sa aking pinakaunang sweldo. :razz:

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: paboritong alahas (favorite jewelry)

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] Yung mga litrato sa baba yan ang lahok ko para ngayon linggo sa Litratong Pinoy #50 Paboritong Alahas. [...]

  2. [...] Huli man daw at magaling, hahabol parin. Kaya naman heto ang aling pahabol na lahok sa lingguhang Litratong Pinoy para sa temang Blusa/Polo at Paboritong Alahas. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge