LP 48: Bag

March 5, 2009 by  
Filed under LP entries

Bago po ang lahat ay atin munang batiin ang ating mga kasama na nagsisipagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Marso:

Leah: 02 | Meeya: 03 | SurferGirl: 3 | Kaje: 11 | Toni (paulaandtoni): 14 | Jacq: 18 | Shuttercow: 19 | Arlene Thay: 20 | Evi: 27 | Sreisaat: 31 | Incoherent: 31

Maligayang bati sa inyong lahat! Nawa’y makamtam ninyo ang inyong mga inaasam.

Simulan na po natin! Mayroon po tayong panauhing litratista sa Huwebes na ito. Ituloy nyo lamang po ang pagbabasa at makikilala nyo sya.

nellyabr
Ang Bag Na Maswerte. Wala sa plano ko ang mamili ng araw na iyon. Buong akala ko ay sasamahan ko lamang ang aking kapatid sa pagsauli nya ng bestida sa mall. Ngunit malipas ang ilang minuto sa paghihintay sa sasakyan, naisipan kong bumaba at pumasok na rin sa pamilihan. Nag ikot-ikot, kaysa naman sa nakaupo lamang. Napadpad ako sa tindahan ng Banana Republic, nakita ko ang isang jacket na matagal ko ng ninanais. At mas mura kaysa sa una kong pagkakakita. Kaya’t dali-dali na akong pumila sa kahera. Habang naghihintay, nakita ko naman ang isang simpleng bag. Sabi sa akin ng tindera – may dagdag diskwento ka pag bumili ka ng bag na yan. At sa tuwing ako raw ang mamimili at dala dala ko ang bag na ito. Ako raw ay bibigyan ulit ng 10% na diskwento sa buong taon ng 2009. Kaya naman, di na ako nagdalawang isip. Binitbit ko na rin ang bag sa kahera. At totoo nga, ako nga ay nabigyan pa ang dagdag diskwento. Maswerteng bag, diba?
PS: Bumalik ako noong nakaraang linggo dala dala ang bag na ito sa Banana Republic. Hulaan nyo? Nabigyan ako ulit at aking kapatid ko ng 10% diskwento. Ayos, diba?
nellylv
The Lab Bag. Isang magandang araw ng Hulyo sa Valencia. Kami ay nananghalian ng aking kasintahan sa La Utielana, malapit sa Poeta Querol. Ng may isang lalaking lumapit dala dala ang isang brown na paper bag na may puting ribbon. Napatingin ako sa aking kasintahan, ngumiti sya at sinabing – Happy Birthday, Mahal. Ako’y napatayo sa aking kinauupuan, sabay yakap sa aking pinakamamahal. Agad agad kong binuksan ang sisidlan at aking nakita ang bag na matagal ko ng ninanais. Kakaibang ligaya ang aking nadama ng mga saglit na iyon. Di maipaliwanag na emosyon, may halong saya at luha. Alam kong isang bag lamang ito para sa nakakarami. Ngunit sa akin, dala nito ay ligaya at pag-ibig. Isang alaala ng matamis na kahapon. Na minsan, may isang taong lubos na nagmahal sa akin at nagparamdam ng kakaibang pagpapahalaga. At hanggang ngayon, sampung taon na ang lumipas. Ang bag na ito ay buhay pa rin. Nananatili sa loob ng aking aparador, sa kaibuturan ng aking puso.
Ako si Nell, ang panauhing litratista sa Huwebes na ito. Bumabati ng magandang araw ng L.P. sa inyong lahat.!

Comments

87 Responses to “LP 48: Bag”
  1. nell! padalhan mo naman ako ng mga ‘yan!

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #48: Bag

  2. iRonnie says:

    ang ganda ng first pic.. two tone ang dating… :mrgreen:

    iRonnie’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag

  3. ang sosyal ng green bag! taob ang mga green bags ko! hahaha!

    Mapped Memories’s last blog post..LP #48: Bag

  4. Em Dy says:

    Maswerte ka nga Nell. At maswerte din ang kapaligiran dahil gumagamit ka ng reusable bag!

    Em Dy’s last blog post..No More Plastic

  5. milet says:

    aba magandang bag yan ha. laging may 10% na discount. maswerte nga!

    milet’s last blog post..LP 48 : BaG

  6. Jeanny says:

    ang sweet naman ng gf mo. Mapapaiyak ka nga sa sobrang tuwa at pagmamahal :)

    btw, kive the last photo :)

    Happy LP

    Jeanny’s last blog post..LP: Bag ni NK

  7. shiera says:

    Meron akong paborito dito na boutique… nilalagay nila palagi sa bag na tela ang binibili nang customers :D

    Ako at ang akong pinakapaboritong bag:
    http://exploringkansai.blogspot.com/2009/03/litratong-pinoy-bag.html

  8. babie says:

    ang ganda ng lap bag :smile:

    ito ang aking lahok sa linggong ito
    http://ybabie.com/2009/03/05/litratong-pinoy-bag/

    babie’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag

  9. “fashion month” ba ngayon sa LP? hehe.

    oo nga pala, congrats niyo si shuttercow…he just became a proud dad! see his baby here: http://shuttercow.blogspot.com/2009/03/my-angel-is-here.html

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy #41: bag

  10. Aggie says:

    Happy LP!

    Aggie’s last blog post..LP 48: Bag

  11. Pinky says:

    Hello, Nell! :) Ang saya namang sorpresa na ikaw ang panauhing litratista ngayong linggo. Gusto ko yung “green” bag ng Banana Rep dahil mahihikayat ka talagang to “go green” at siyempre pa, ang “lab bag” ay pihadong walang katumbas dahil sa mga magagandang alaalang hatid nito. ;)

    Happy LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #48: Bag

  12. Jay says:

    yehey after 2 thursdays makaka ikot na ako sa LP ulit

    gusto ko yung banana republic na bag.pwedeng pang market para kahit galunggong ang bibili ko eh in style parin :D

    mula sa puso eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay’s last blog post..LP # 48: Bag

  13. FickleMinded says:

    wow! mga mamahaling bag!

    FickleMinded’s last blog post..LP#18:Bag

  14. CES says:

    nellski! pwedeng magpabili??? 10% off ba kamo? hahaha! nice!

    CES’s last blog post..Litrato: bag

  15. Thess says:

    Nell, ang sweet ng ex mo ha. Wala na kayong contact? :mrgreen: I love the BR green bag!
    btw HAPPY BIRTHDAY po sa lahat ng March celebrants, God Bless you all!

    Thess’s last blog post..Si Canuto at Vangie (LP 48 Bag)

  16. Kitchenmaus says:

    Nell!!! Ikaw pala today! I like the Bahana Republic, este Banana Republic bag…HAppy LP!

    Kitchenmaus’s last blog post..Litratong Pinoy – Bag

  17. Mirage says:

    Nell,may tibay na maaasahan…sa bag :razz: Mamahalin ko din kung ganyan ibibigay sakin aheheh…

  18. kengkay says:

    bag na puno ng tinapay ang aking lahok :)

    http://kwentongkengkay.com/2009/03/04/isang-bag-ng-tinapay/

    kengkay’s last blog post..isang bag ng tinapay

  19. pining says:

    ang gara ng Louis V. bag :wink:
    ready na rin yung bags ko!

    pining’s last blog post..Mga makukulay na Bag

  20. leah says:

    magandang huwebes sa inyo! salamat na rin sa bati. :)

    heto lahok ko: http://leahjoseph.com/2009/03/05/lp-bag/

    leah’s last blog post..LP: Bag

  21. rose says:

    wow.. nakaka touch na kwento ng isang bag.. basta galing sa iyong mahal. nakakataba ng puso di ba..
    eto ang aking lahok.
    maligayang huwebes.
    http://revolutionmotion.com/2009/03/04/bag/

    rose’s last blog post..bulaklak

  22. anj says:

    ganda ng mga bag! ito naman ang aking lahok. http://impulseblogging.blogspot.com/2009/03/litratong-pinoy-bag.html

    anj’s last blog post..litratong pinoy: bag

  23. uso talaga ngayon ang mga reusable na bag ano? sabagay, maganda nga ito para sa kalikasan at para na rn sa ekonomiya.. atleast, nakakatipd

    eto ang aking lahok

    http://thephotoblogger.com/?p=26

    the photoblogger’s last blog post..mga bag

  24. MariTes says:

    ganda naman ng mga bags na iyan. mahilig din ako sa telang bag pero iyong pangalawa, tinalo lahat ng bags ko:) maligayang lp

    MariTes’s last blog post..Litratong Pinoy#41 Bag

  25. julie says:

    Tama ka friend, swerte nga ang bag na nasa unang laraan di lang sa discount pero dahil na din ito ay reusable. At swerte ka din sa pangalawang bag mo, di lang LV, galing pa ke honey mo :wink:

    Ok na sa akin yung unang bag basta me laman :lol:

    Happy LP po sa inyong lahat!

    julie’s last blog post..Made in the Philippines

  26. Cookie says:

    LV!!! Ang taray!! Hmmm….masimplehan nga ang asawa ko para sa darating na b-day ko. At least may 4 buwan pa syang makakapaghanda :D

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Bag

  27. peachkins says:

    ang sososyal naman ng mga bag na iyan..type ko yung green bag ng Banana republic..

    peachkins’s last blog post..I want…

  28. jes says:

    ww sampung taon na!!! ang sarap nmn alalahann ng mga memoryang iyun! =)
    eto na po ang aking lahok!!! =) maligayang LP!!!
    http://jeslising.blogspot.com/2009/03/lp-bag.html

    jes’s last blog post..Wordless Wednesday : Mc Donald’s Day!

  29. jes says:

    hindi ko makita ang aking lahok kanina…sadyang d ba agad nag a update ang comments? hmmmm =) uulitin ko lang po anag aking unang lahok sa http://jeslising.blogspot.com/2009/03/lp-bag.html salmat po!

  30. jes says:

    narito naman po angisa ko pang lahok sa linggong ito!!!
    http://ishiethan.blogspot.com/2009/03/lp-bag.html
    maraming salamat po!

    jes’s last blog post..Wordless Wednesday : Mc Donald’s Day!

  31. mom2bradley says:

    Happy LP!!!!

    Eto diaper bag koleksyon ko.

    http://mom2bradley.net/wp/?p=762

  32. Rico says:

    Sampung taon na ang LV bag na iyan? Ang galing. Matibay pala talaga ang mga bag nila.
    Ito po ang aking ikalawang pagkakataong sumali ng LP. Sana ang makadalaw kayo.

    Rico’s last blog post..LP002: Bag

  33. cheh says:

    Magandang huwebes sa lahat! heto ang aking lahok sa linggong ito :grin:

    http://achwieschoen.moderately-confused.com/2009/03/05/litratong-pinoy-14-bag/

    cheh’s last blog post..Non-english blog?

  34. komski says:

    OK ung bag na un ah, parang priveledge card, hehehe. Dapat, yung mga ibang tingdahan may ganun ding promo. Sensya kasi di na ako nakakapagpost masyado, busy na e:P Yung post nga pala sa kundiman e gawa ni karmi, kasi sa aming dalawa e mas mahilig siya sa bags, hehehe.

    komski’s last blog post..bag-a-holic

  35. incoherent says:

    Nakakaiyak naman yung entry ni Nell. :( Ang Filipino (yung wika ha, hindi yung tao) talaga kapag seryoso nakakaiyak.

    Gusto kong makita yung jacket sa ilalim ng bag!

  36. naku Nell tatagal pa yan ng isang daang taon, LV eh. Sarap ng mga ganung surpresa di ba?

  37. mEldita says:

    Maligayang LP sa inyong lahat! muli po akong nagpaparamdam sa linggong ito. :)

    Nell, ang ganda naman ng LoVe mo :D at maganda din ang promotion na naisip ng BananaRep para sa pagpromote ng ecobags no? Sana ganun din dito sa Pinas.

    mEldita’s last blog post..LP: Bag

  38. sassy mom says:

    Ako din maiiyak kung bibigyan ako ng LV bag. Ang so-sosyal dito sa LP. Sana’y bisitahin nyo ang aking lahok.

    sassy mom’s last blog post..Litratong Pinoy : Bags

  39. Kerslyn says:

    maswerteng bag nga yan. biruin mo, isang buong taong may diskwento :lol:

    naku, maiiyak ako sa tuwa kapag binigyan din ako ng LV. dream brand ng bag ko yan eh.

    maligayang Huwebes!

    Kerslyn’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag

  40. Mhay says:

    Ang gagandang Bag! :)

    Magandang araw ng Hwebes sa lahat. ito po ang aking unang beses ng pagsali sa LP at ito ang aking lahok sa linggong ito.

    http://inloveforlife.blogspot.com/2009/03/lp-48-bag.html

    Maraming salamat! :)

  41. caryl says:

    happy LP! Ito ang aking lahok:
    http://www.caryl2twenty.info/meme/litratong-pinoy/lp-bag/

    caryl’s last blog post..LP: Bag

  42. anapb says:

    heto naman ang lahok ko. Medyo kakaiba pero sana magustuhan nyo.

    Mabuhay ang LP!!

    anapb’s last blog post..Bag ng Buhay: para sa LP

  43. ~~jennyL~~ says:

    ay bag na masuwerte nga.. biruin mo yon 10% discount bawat bili mo.. Aww LV bag kelan kaya ko magkakaron nyan..

    ~~jennyL~~’s last blog post..LP: 6 Million Crumpler BAG

  44. Sreisaat says:

    Gusto ko yung unang litrato mo ng bag!
    Di ako masyadong mahilig sa bag, pero itong borloloy na ito ay obsessed sa bag :)

  45. Lynn says:

    Magandang marketing strategy ‘yan ng Banana Republic, pataasin ang frequency of visits at purchase. Sana nag-aaccumulate din ang discount. :D

    Magandang Huwebes, mga ka-LP!

    Lynn’s last blog post..Pink Bag, It’s Edible

  46. adinille says:

    maligayang Huwebes mga ka-LP! kakaiba ang BAG na lahok ko. :)

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge