LP 48: Bag

March 5, 2009 by  
Filed under LP entries

Bago po ang lahat ay atin munang batiin ang ating mga kasama na nagsisipagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Marso:

Leah: 02 | Meeya: 03 | SurferGirl: 3 | Kaje: 11 | Toni (paulaandtoni): 14 | Jacq: 18 | Shuttercow: 19 | Arlene Thay: 20 | Evi: 27 | Sreisaat: 31 | Incoherent: 31

Maligayang bati sa inyong lahat! Nawa’y makamtam ninyo ang inyong mga inaasam.

Simulan na po natin! Mayroon po tayong panauhing litratista sa Huwebes na ito. Ituloy nyo lamang po ang pagbabasa at makikilala nyo sya.

nellyabr
Ang Bag Na Maswerte. Wala sa plano ko ang mamili ng araw na iyon. Buong akala ko ay sasamahan ko lamang ang aking kapatid sa pagsauli nya ng bestida sa mall. Ngunit malipas ang ilang minuto sa paghihintay sa sasakyan, naisipan kong bumaba at pumasok na rin sa pamilihan. Nag ikot-ikot, kaysa naman sa nakaupo lamang. Napadpad ako sa tindahan ng Banana Republic, nakita ko ang isang jacket na matagal ko ng ninanais. At mas mura kaysa sa una kong pagkakakita. Kaya’t dali-dali na akong pumila sa kahera. Habang naghihintay, nakita ko naman ang isang simpleng bag. Sabi sa akin ng tindera – may dagdag diskwento ka pag bumili ka ng bag na yan. At sa tuwing ako raw ang mamimili at dala dala ko ang bag na ito. Ako raw ay bibigyan ulit ng 10% na diskwento sa buong taon ng 2009. Kaya naman, di na ako nagdalawang isip. Binitbit ko na rin ang bag sa kahera. At totoo nga, ako nga ay nabigyan pa ang dagdag diskwento. Maswerteng bag, diba?
PS: Bumalik ako noong nakaraang linggo dala dala ang bag na ito sa Banana Republic. Hulaan nyo? Nabigyan ako ulit at aking kapatid ko ng 10% diskwento. Ayos, diba?
nellylv
The Lab Bag. Isang magandang araw ng Hulyo sa Valencia. Kami ay nananghalian ng aking kasintahan sa La Utielana, malapit sa Poeta Querol. Ng may isang lalaking lumapit dala dala ang isang brown na paper bag na may puting ribbon. Napatingin ako sa aking kasintahan, ngumiti sya at sinabing – Happy Birthday, Mahal. Ako’y napatayo sa aking kinauupuan, sabay yakap sa aking pinakamamahal. Agad agad kong binuksan ang sisidlan at aking nakita ang bag na matagal ko ng ninanais. Kakaibang ligaya ang aking nadama ng mga saglit na iyon. Di maipaliwanag na emosyon, may halong saya at luha. Alam kong isang bag lamang ito para sa nakakarami. Ngunit sa akin, dala nito ay ligaya at pag-ibig. Isang alaala ng matamis na kahapon. Na minsan, may isang taong lubos na nagmahal sa akin at nagparamdam ng kakaibang pagpapahalaga. At hanggang ngayon, sampung taon na ang lumipas. Ang bag na ito ay buhay pa rin. Nananatili sa loob ng aking aparador, sa kaibuturan ng aking puso.
Ako si Nell, ang panauhing litratista sa Huwebes na ito. Bumabati ng magandang araw ng L.P. sa inyong lahat.!

Comments

87 Responses to “LP 48: Bag”
  1. Ken says:

    Sikat!

    Ken’s last blog post..Ebolusyon ng Back Pack

  2. maver says:

    Pasensya na po at nahuli. Eto po ang aking lahok…
    http://maver.wifespeaks.com/2009/03/lp-45-bag.html

    maver’s last blog post..LP #45: BAG

  3. Dinah says:

    share ko lang mga ka LP na sa ika-4 years naman ng [url=http://pinoymoneytalk.com/]Pinoy Money Talk[/url]ay mayroon silang PMT4ever na contest. Baka lang nais ninyong sumali, maaring manalo ng P8,000!
    yun lang po!

    Dinah’s last blog post..LP 48: Bag

  4. purplesea says:

    ang sweet nung kwento nung pangalawang litrato… at sosyal ha. :lol:
    ang ganda naman ng promo ng banana republic, very environmental.

    purplesea’s last blog post..LP 48: BAG

  5. iska says:

    aba! maswerteng bag nga! ako man maliligayahang bumalik ng bumalik. di kaya masakit nga lang sa bulsa….

    iska’s last blog post..Litratong Pinoy 48: My Favorite Bag

  6. cheh says:

    Pedeng paki korek aking link :roll:

    cheh’s last blog post..litratong Pinoy 14: Bag

  7. …ang sweet naman nang iyong kasintahan….sniff.. pwedeng arbor heheh… jok lang… happy lp…

    FamiliaKhuletz’s last blog post..bag

  8. arlene says:

    ang sweet nga :)

    happy LP! :)

    ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-baglp-bag/

    arlene’s last blog post..LP: Bag

  9. bang says:

    ang ganda naman ng green bag na hindi green :lol: sosyal!

    bang’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag

  10. luna miranda says:

    maganda ang idea ng green bag…para mabawasan na talaga ang plastic.

    luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: bag

  11. redlan says:

    Hello sa lahat. Masaya ako at sa wakas nakasali rin ako sa Litratong Pinoy.

    redlan’s last blog post..LP: SLING BAG

  12. redlan says:

    Maganda ang kwento ng bag mo ha. Yung BR parang green bag ang dating sa sm na kapag dala mo sa tuwing mag-shopping, may diskwento. Pero sosyal yung BR na bag. Tapos yung lap bag pala nakaromantic ang storya at hindi ko inakala na sampang taon na pala siya.

    redlan’s last blog post..LP: SLING BAG

  13. farah says:

    ay toink! byernes na pala bukas. huli na pala ako :sad: baket ba nawawala ako sa araw ngayon???

    farah’s last blog post..MY FOOD BLOG.

    ADMIN: HINDI PA TAPOS ANG ARAW NG HUWEBES! SA AMERIKA NGA AY KASISIMULA PA LANG DI BA? KAYA’T HINDI KA HULI! ;)

  14. Jules says:

    nakaka-aliw naman ang kwento ng mga bag na ‘yan. happy LP to all :-)

    Jules’s last blog post..Litratong Pinoy #020: Bag

  15. Shuttercow says:

    Uy malapit na nga pala ang kaarawan ko hehe. Maraming salamat sa LP!

    Ito ang BAG ni Shuttercow.

    Pasensya na po hindi ako nakasali noong nakaraang dalawang Huwebes dahil isinilang ang aming unang supling. Naging abala ako sa pagaalaga sa aking asawa at sa aming anghel.

    Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #48: Bag

  16. aleng says:

    kinukumusta ang lahat ng mambabasa ng Litratong Pinoy. Natutuwa ako at ako ay nakasali sa wakas

    aleng’s last blog post..Litratong Pinoy (1) – Bag

  17. Ethel says:

    type ko ang mga bag mo lalo na yang banana republic na maswerte hehehe
    Eto lahok ko.
    maligayang hwebes sa lahat.

    Ethel’s last blog post..LP-5 Bag

  18. karmi says:

    uy! napakaswerteng bag nga nyan.. :) astig.

    type ko ung bag mo. :D pareho sila! hehehe.

    karmi’s last blog post..bag-a-holic

  19. NeLL says:

    wholly molly, late na naman ako! hehehe, sensya na po at ngayon lang po ako nakapag-comment. marami pong salamat sa inyong mga komento. pagpasensyahan nyo na po ang aking panandaliang pananahimik. ako’y kasalukuyang rumaraket dito sa sacramento, hahaha. magandang araw sa inyong lahat, at salamat po ulit! :mrgreen:

    NeLL’s last blog post..When Sorry’s Not Enough

  20. NeLL says:

    marami pong salamat sa bumubuo ng LP, salamat sa paanyaya. at pagkakataon na maging panauhing litratista!

    NeLL’s last blog post..When Sorry’s Not Enough

  21. Ann says:

    kung may pagkakataon din ako makabili ng bag na yan para sa 10% diskwento sa buong taon ng 2009 eh hindi ako magdadalawang isip na bumili niyan.

    eto ang aking munting lahok para sa linggong ito:
    http://jayzanne.blogspot.com/2009/03/lp-bag.html

  22. yeye says:

    ang ganda naman po nung banana rep na bag. may nakasulat talaga na “one step at a time” hehehe :) nice

    bawal pala ako jan. adek ako sa bag eh. hahaha. mapapagastos ako..pero at the same time, makakatipid gawa ng mraming discount :D

    HAPPY LP sa lahat!
    late na ako nagcomment…hahaha…sorry!!!

    yeye’s last blog post..for motion discomfort – LP#48 BAG

  23. lino says:

    pasensya na po at huli ako, narito po ang aking lahok para sa linggong ito…
    para sa akin, ang ibig sabihin ng bag ay BAGuio… :)

    http://linophotography.com/baguio/

    lino’s last blog post..BAGuio…

  24. Nell!! I love your photos (in more ways than one, hehe!) Good job sa iyong pag-intro for this week. I especially love the stories behind the pictures.

    Miss you!!! *muah*

    MEEYA (MyMemes)’s last blog post..LP48: Bag

  25. siya nga pala, maraming salamat po sa inyong pagbati sa aking kaarawan. :) tamang-tama dahil ang mga ni-feature ko sa aking mga lahok para sa linggong ito ay mga regalo sa akin nung aking nakaraang birthday.

    salamat po ulit!! *muah*

    MEEYA (MyParty)’s last blog post..LP48: Bag

  26. toni says:

    maligayang LP! ito ang aking lahok http://paulandtoni.com/?p=563 :)

    toni’s last blog post..More On Pre-Need

  27. Buge says:

    Swerte nga yung Banana Rep na bag at ang ganda din ng Lab bag! :D

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag

  28. arls says:

    summing the entries, mejo me summary lang ako sa mga bags ng ka-LP!

    mga bidang brands:
    1) COACH
    2) CRUMPLER

    hahaha! pagpasensyahan nyo na ako. bag brand manager kasi ako. soon to be wedding florist/planner. :)

    happy LP uli!!!

  29. ian says:

    sana ay maambunan rin ng swerte ang mga taong may tangan ng “bag” sa aking lahok sa linggong ito…

  30. kiwi.pino says:

    after a very,very looooong sabatical – im back!

    parang magandang “man bag” ang LV na yun, mukhang babagay sakin :lol:
    hapi LP po sa inyo!!!

  31. inyang says:

    paumanhin po at matagal ako na hindi nakasali … medyo naging abala lang …

    pero, this week, meron na ulit akong entry :)

    http://inyangsfunnykids.blogspot.com/2009/03/litratong-pinoy-bag.html

    inyang’s last blog post..LITRATONG PINOY: bag

  32. Dyes says:

    nice! ang sweet naman ni mahal mo :)

    happy LP!

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge