LP 48: Bag
March 5, 2009 by panauhing_litratista
Filed under LP entries
Bago po ang lahat ay atin munang batiin ang ating mga kasama na nagsisipagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Marso:
Leah: 02 | Meeya: 03 | SurferGirl: 3 | Kaje: 11 | Toni (paulaandtoni): 14 | Jacq: 18 | Shuttercow: 19 | Arlene Thay: 20 | Evi: 27 | Sreisaat: 31 | Incoherent: 31
Maligayang bati sa inyong lahat! Nawa’y makamtam ninyo ang inyong mga inaasam.
Simulan na po natin! Mayroon po tayong panauhing litratista sa Huwebes na ito. Ituloy nyo lamang po ang pagbabasa at makikilala nyo sya.
Ang Bag Na Maswerte. Wala sa plano ko ang mamili ng araw na iyon. Buong akala ko ay sasamahan ko lamang ang aking kapatid sa pagsauli nya ng bestida sa mall. Ngunit malipas ang ilang minuto sa paghihintay sa sasakyan, naisipan kong bumaba at pumasok na rin sa pamilihan. Nag ikot-ikot, kaysa naman sa nakaupo lamang. Napadpad ako sa tindahan ng Banana Republic, nakita ko ang isang jacket na matagal ko ng ninanais. At mas mura kaysa sa una kong pagkakakita. Kaya’t dali-dali na akong pumila sa kahera. Habang naghihintay, nakita ko naman ang isang simpleng bag. Sabi sa akin ng tindera – may dagdag diskwento ka pag bumili ka ng bag na yan. At sa tuwing ako raw ang mamimili at dala dala ko ang bag na ito. Ako raw ay bibigyan ulit ng 10% na diskwento sa buong taon ng 2009. Kaya naman, di na ako nagdalawang isip. Binitbit ko na rin ang bag sa kahera. At totoo nga, ako nga ay nabigyan pa ang dagdag diskwento. Maswerteng bag, diba?
PS: Bumalik ako noong nakaraang linggo dala dala ang bag na ito sa Banana Republic. Hulaan nyo? Nabigyan ako ulit at aking kapatid ko ng 10% diskwento. Ayos, diba?
The Lab Bag. Isang magandang araw ng Hulyo sa Valencia. Kami ay nananghalian ng aking kasintahan sa La Utielana, malapit sa Poeta Querol. Ng may isang lalaking lumapit dala dala ang isang brown na paper bag na may puting ribbon. Napatingin ako sa aking kasintahan, ngumiti sya at sinabing – Happy Birthday, Mahal. Ako’y napatayo sa aking kinauupuan, sabay yakap sa aking pinakamamahal. Agad agad kong binuksan ang sisidlan at aking nakita ang bag na matagal ko ng ninanais. Kakaibang ligaya ang aking nadama ng mga saglit na iyon. Di maipaliwanag na emosyon, may halong saya at luha. Alam kong isang bag lamang ito para sa nakakarami. Ngunit sa akin, dala nito ay ligaya at pag-ibig. Isang alaala ng matamis na kahapon. Na minsan, may isang taong lubos na nagmahal sa akin at nagparamdam ng kakaibang pagpapahalaga. At hanggang ngayon, sampung taon na ang lumipas. Ang bag na ito ay buhay pa rin. Nananatili sa loob ng aking aparador, sa kaibuturan ng aking puso.
Ako si Nell, ang panauhing litratista sa Huwebes na ito. Bumabati ng magandang araw ng L.P. sa inyong lahat.!





Sikat!
Ken’s last blog post..Ebolusyon ng Back Pack
eto ang aking ukay-ukay bag, P35 lang yan!
http://bragsimply.blogspot.com/2009/03/lp-48-bag.html
Dinah’s last blog post..I Will Miss The Eraserheads Reunion Concert Part 2: The Final Set
Pasensya na po at nahuli. Eto po ang aking lahok…
http://maver.wifespeaks.com/2009/03/lp-45-bag.html
maver’s last blog post..LP #45: BAG
share ko lang mga ka LP na sa ika-4 years naman ng [url=http://pinoymoneytalk.com/]Pinoy Money Talk[/url]ay mayroon silang PMT4ever na contest. Baka lang nais ninyong sumali, maaring manalo ng P8,000!
yun lang po!
Dinah’s last blog post..LP 48: Bag
ang sweet nung kwento nung pangalawang litrato… at sosyal ha.
ang ganda naman ng promo ng banana republic, very environmental.
purplesea’s last blog post..LP 48: BAG
aba! maswerteng bag nga! ako man maliligayahang bumalik ng bumalik. di kaya masakit nga lang sa bulsa….
iska’s last blog post..Litratong Pinoy 48: My Favorite Bag
Pedeng paki korek aking link
cheh’s last blog post..litratong Pinoy 14: Bag
…ang sweet naman nang iyong kasintahan….sniff.. pwedeng arbor heheh… jok lang… happy lp…
FamiliaKhuletz’s last blog post..bag
ang sweet nga
happy LP!
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-baglp-bag/
arlene’s last blog post..LP: Bag
ang ganda naman ng green bag na hindi green
sosyal!
bang’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag
maganda ang idea ng green bag…para mabawasan na talaga ang plastic.
luna miranda’s last blog post..Litratong Pinoy: bag
Hello sa lahat. Masaya ako at sa wakas nakasali rin ako sa Litratong Pinoy.
redlan’s last blog post..LP: SLING BAG
Maganda ang kwento ng bag mo ha. Yung BR parang green bag ang dating sa sm na kapag dala mo sa tuwing mag-shopping, may diskwento. Pero sosyal yung BR na bag. Tapos yung lap bag pala nakaromantic ang storya at hindi ko inakala na sampang taon na pala siya.
redlan’s last blog post..LP: SLING BAG
Maaga po ako ngayon.
http://www.wifeynibangis.com/2009/03/litratong-pinoy-46-bag-hag.html
farah’s last blog post..MY FOOD BLOG.
ay toink! byernes na pala bukas. huli na pala ako
baket ba nawawala ako sa araw ngayon???
farah’s last blog post..MY FOOD BLOG.
ADMIN: HINDI PA TAPOS ANG ARAW NG HUWEBES! SA AMERIKA NGA AY KASISIMULA PA LANG DI BA? KAYA’T HINDI KA HULI!
nakaka-aliw naman ang kwento ng mga bag na ‘yan. happy LP to all
Jules’s last blog post..Litratong Pinoy #020: Bag
Uy malapit na nga pala ang kaarawan ko hehe. Maraming salamat sa LP!
Ito ang BAG ni Shuttercow.
Pasensya na po hindi ako nakasali noong nakaraang dalawang Huwebes dahil isinilang ang aming unang supling. Naging abala ako sa pagaalaga sa aking asawa at sa aming anghel.
Shuttercow’s last blog post..Litratong Pinoy #48: Bag
kinukumusta ang lahat ng mambabasa ng Litratong Pinoy. Natutuwa ako at ako ay nakasali sa wakas
aleng’s last blog post..Litratong Pinoy (1) – Bag
type ko ang mga bag mo lalo na yang banana republic na maswerte hehehe
Eto lahok ko.
maligayang hwebes sa lahat.
Ethel’s last blog post..LP-5 Bag
Heto ang aking lahok.
http://www.smilingmayor.com/2009/03/lp48-bag.html
Jason’s last blog post..School’s about to end.
uy! napakaswerteng bag nga nyan..
astig.
type ko ung bag mo.
pareho sila! hehehe.
karmi’s last blog post..bag-a-holic
wholly molly, late na naman ako! hehehe, sensya na po at ngayon lang po ako nakapag-comment. marami pong salamat sa inyong mga komento. pagpasensyahan nyo na po ang aking panandaliang pananahimik. ako’y kasalukuyang rumaraket dito sa sacramento, hahaha. magandang araw sa inyong lahat, at salamat po ulit!
NeLL’s last blog post..When Sorry’s Not Enough
marami pong salamat sa bumubuo ng LP, salamat sa paanyaya. at pagkakataon na maging panauhing litratista!
NeLL’s last blog post..When Sorry’s Not Enough
kung may pagkakataon din ako makabili ng bag na yan para sa 10% diskwento sa buong taon ng 2009 eh hindi ako magdadalawang isip na bumili niyan.
eto ang aking munting lahok para sa linggong ito:
http://jayzanne.blogspot.com/2009/03/lp-bag.html
ang ganda naman po nung banana rep na bag. may nakasulat talaga na “one step at a time” hehehe
nice
bawal pala ako jan. adek ako sa bag eh. hahaha. mapapagastos ako..pero at the same time, makakatipid gawa ng mraming discount
HAPPY LP sa lahat!
late na ako nagcomment…hahaha…sorry!!!
yeye’s last blog post..for motion discomfort – LP#48 BAG
pasensya na po at huli ako, narito po ang aking lahok para sa linggong ito…
para sa akin, ang ibig sabihin ng bag ay BAGuio…
http://linophotography.com/baguio/
lino’s last blog post..BAGuio…
Nell!! I love your photos (in more ways than one, hehe!) Good job sa iyong pag-intro for this week. I especially love the stories behind the pictures.
Miss you!!! *muah*
MEEYA (MyMemes)’s last blog post..LP48: Bag
siya nga pala, maraming salamat po sa inyong pagbati sa aking kaarawan.
tamang-tama dahil ang mga ni-feature ko sa aking mga lahok para sa linggong ito ay mga regalo sa akin nung aking nakaraang birthday.
salamat po ulit!! *muah*
MEEYA (MyParty)’s last blog post..LP48: Bag
maligayang LP! ito ang aking lahok http://paulandtoni.com/?p=563
toni’s last blog post..More On Pre-Need
Swerte nga yung Banana Rep na bag at ang ganda din ng Lab bag!
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Bag
summing the entries, mejo me summary lang ako sa mga bags ng ka-LP!
mga bidang brands:
1) COACH
2) CRUMPLER
hahaha! pagpasensyahan nyo na ako. bag brand manager kasi ako. soon to be wedding florist/planner.
happy LP uli!!!
sana ay maambunan rin ng swerte ang mga taong may tangan ng “bag” sa aking lahok sa linggong ito…
after a very,very looooong sabatical – im back!
parang magandang “man bag” ang LV na yun, mukhang babagay sakin
hapi LP po sa inyo!!!
pahabol ng aking entry!
Happy LP!
http://juwannuuuh.blogspot.com/2009/03/lp48-bag.html
paumanhin po at matagal ako na hindi nakasali … medyo naging abala lang …
pero, this week, meron na ulit akong entry
http://inyangsfunnykids.blogspot.com/2009/03/litratong-pinoy-bag.html
inyang’s last blog post..LITRATONG PINOY: bag
nice! ang sweet naman ni mahal mo
happy LP!
sali po ako..
http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/03/lp-48-bag.html
christina’s last blog post..LP 48: Bag